14 It was just a Dream

135 12 2
                                    

Andria's P.O.V

Katatapos lang ng work namin

"Maaga pa naman Andi gala muna tayo," pag aaya niya

"S'an naman tayo pupunta?" tanong ko

"Kahit saan" sagot niya at hinila ako sa sakayan ng jeep

Sumakay kami ng jeep

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang umiinom ng palamig na nabili namin sa may fish ball-an kanina

"Sa park." sagot niya at sumubo ng fish ball

"Ah akala ko naman kung saan-saan na naman tayo makakarating HAHAHAH akala ko makakarating tayo ulit ng Imus HAHAHA." sabi ko

Binigyan lang niya ako ng nagtatakang tingin

"Nandito na tayo bb." sabi niya kaya bumaba na kami

Nakarating kami sa park kung saan nga talaga ang paparoonan namin

*insert SB19's Love Goes*

"Wait lang Andi sagutin ko lang 'to." sabi niya kaya naman tumango ako

Humanap ako ng malapit na bench

"Tine, doon lang ako." bulong ko sa kanya at nag thumbs up siya kaya naman pumunta na ako doon sa bench para umupo

Habang hinihintay ko si Tine ay  inililibot ko ang tingin ko sa paligid dito sa park

Nang may nakita akong pwesto dito sa park na napaka familiar

Ang familiar nitong lugar, nakapunta na ba ako dito?

"Sorry Andi hehehe, si ate tumawag" sabi niya

"Tine, doon tayo." sabi ko at sabay turo doon sa merong lamesa na bato at kahoy na upuan

Pumunta kami doon at umupo

"Andi 'diba sabi mo kanina baka makarating ulit tayo ng Imus?" tanong niya

"Ah oo lagi kasi tayo roon 'diba?" sagot ko, naweweirdohan na ba talaga siya sa akin?

"Andi? Hindi pa tayo pumupunta ng Imus baka 'di ako yung kasama mo," sabi niya

Umiling na lang ako

"Change topic na nga lang, magkwento ka muna sa akin," sabi ko at tumango siya

"High School classmates tayo, tagal na rin nating magkaibigan. Then, hanggang ngayon na nagwwork tayo magkaibigan pa rin tayo, napagdesisyonan pa nga natin na kumuha ng dorm e, argh! Fastforward na nga" sabi niya

Naaalala ko na 'yung ibang sinasabi niya

"Continue" sabi ko

"Yung mga sinasabi mo sa akin since magising ka galing comma, promise akala ko nagbibiro ka lang doon kila Thrixie, Marielle at Ronn, sila Sejun. Si Sejun na kasama mo bago ka maaksidente, nakarating na tayo ng Imus, sa totoo lang Andi, ang weird. Magkwento ka kaya muna para malinawan ako sa mga nangyayari." sabi niya

Kaya naman huminga ako nang malalim

"Sige. Ang natatandaan ko talaga ay wala akong magulang, si Jah ang madalas kong kasama kasi ang family nila ang kumupkop sa akin, 'diba hindi ko nga maalala sila mama at papa? Kasi ang alam ko wala akong kinalakihan na parents and nakilala ko lang si papa nung ikakasal na ang kapatid ko na si Monique sa ex boyfriend ko.

Nalaman ko lang din na si Monique ang kapatid ko nung napulot niya yung kwintas ko na nahulog at nakikita mo 'yon?" sabi ko sabay turo roon sa merong puno na malaki

The Risk of Falling (𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞) || SB19 SejunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon