Authur: Mhaxine Mhal
MhaxineTheWriter
@dark_shadowAko si Thunder Zeall, 21 years old, half Filipino half Mexican at kasalukuyang nag aaral sa isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas. Nasa Mexico ang mga magulang ko dahil busy sila sa pagpapalago ng companya namin dun.
Mas pinili kong manirahan dito sa Pilipinas kasama ang lolo ko dahil dito ko gustong magpatayo ng sarili kong companya pagdating ng araw.Hindi naman dun tumutol ang parents ko, bagkus ay sinuportahan pa nila ko😊. Binilhan nila ako ang sarili kong condo para naman daw matuto akong maging indipendent, tinanggap ko ito dahil tama naman sila dun, kailangan ko talagang matutong mamuhay ng mag isa at tumayo sa sarili kong mga paa.
~~~~
Pasado alas 11 na ng gabi, galing ako sa bar dahil nagkayayaan ang tropa na mag inuman.
Tahimik lang akong nagmamaneho pauwi sa condo ko.
Sa di kalayuan, may natanaw akong isang babaeng nakaupo sa gilid ng eskenita habang hawak ang isang maliit na box at may katabi din syang isang malaking bag. Di ko masyadong maaninag ang mukha nya dahil nakayuko ito.
Ipinarada ko ang kotse ko malapit sakanya.Unti unti nyang inangat ang kanyang mukha, hindi nya ko nakita dahil nakasarado ang itim na bintana ng kotse ko
Pero ako? Kitang kita ko sya dahil meron di namang street light sa may pwesto nya.
Namumugto ang kanyang mga mata habang may mga luhang dumadaloy dito.Ibinaba ko ang window ng kotse ko at nakita kong agad nyang pinunasan ang kanyang mga luha.
"Ahmff. Miss anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Alam mo bang delikado para sa isang babae ang manatili sa ganitong lugar lalong lalo na at malalim na ang gabi?" tanong ko sakanya habang nasa loob parin ng kotse.
Tinapunan nya lang ako ng walang emosyong mga titig at sabay yumuko nalang ulet
Nagpasya akong bumaba ng kotse at naupo malapit sakanya.
"Miss may maitutulong ba ko?" Tanong ko sakanya
Inangat nya ang kanyang mukha at tumingin saakin
"Wala. Pabayaan mo na ko dito makakaalis kana" malamig nyang sabi
"Pero Miss nag iisa ka dito oh, tingnan mo halos wala ng mga sasakyang dumadaan dito dahil maghahating gabi na. Delikado sa lugar nato! Saan kaba nakatira at ihahatid na kita?" mahaba kong sabi sakanya
"Wala na kong pakialam kung ano pang mangyare sakin dito. Wala din namang may pakialam sakin kaya mas mabuti pang hayaan mo na ko! Makakaalis kana"
Sabi nya saakin na medyo nagtaas na ng boses."Halika na't ihahatid na kita sainyo"
Akmang hahawakan ko na sya ng bigla nyang tinabig ang kamay ko"Ano ba!? Mahirap bang initindihin ang salitang UMALIS KANA!!? Ang sabi ko payaan mo na ko!!" sigaw nya sakin na ikinainis ko
"Aba ikaw na nga yung minamalasakitan ikaw pa yung galit? Pasalamat ka nga at nag pakagentleman pa ko sayo! Kung ayaw mong tanggapin ang tulong ko edi wag! Bahala ka jan!" Pasigaw ko ring sagot sabay pasok sa kotse at pinaandar ito.
Hindi ko masyadong binilisan ang pagpapatakbo dahil nga nakainum ako
Kainis na babaeng yun! Sya na nga yung tinutulungan, sya pa ang may ganang manigaw!? Tsssk!
Habang umaandar nag sasakyan ay tanaw ko parin sya sa side mirror ng kotse ko. Ilang sandali pa'y hindi nalang iisang imahe ang nakikita ko mula sa salamin! Kundi apat na. Apat na sila!
At si Miss Sungit lang ang nag iisang babae.
Kaagad akong nagpreno at muling binaling ang tingin sa side mirror ko.
Nakita kong tila nagkakagulo na sila dun, kaya naman agad kong inatras ang kotse pabalik!Lintik! Konsenya ko pa toh pagmay nangyare sa babaeng yun!
Mabilis akong nagpreno ng makarating ako sa tapat nila.
Hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay nung babae, habang yung isang lalaki naman ay hinahaplos haplos ang kanyang mukha.
Umiiyak na sya at Pilit na nagpupumiglas !Lumabas ako sa kotse at napatingin silang lahat sa gawi ko. Naglakad naman ako palapit sa kanila
"Anong problema Miss? May maitutulong ba ko?" Tanong ko sakanya habang hawak parin sya ng dalawang lalaki
Kitang kita ko sa mga mata nya na kailangan nya ng tulong
Lalaki 1 : "hoy wag kang makikialam dito kung ayaw
mong madamay!"Lalaki 2 : "umuwi kana toy at baka hinahanap kana ng
mga magulang mo!"(Wahahahahahaa😂😂😂)
Sabay sabay pa silang tumawa
Pero di ako sakanila nagpatinag, bagkus ay mas lumapit pa ko sakanila.
Akmang susuntukin ako nung isang lalaki ay agad ko itong inilagan at sya ang binigyan ko ng malakas na suntok sa panga!
Binitawan din ng dalawa pang lalaki si Miss Sungit at agad akong sinugod.
Mabuti nalang at nag aral ako ng self defense kaya naman marunong akong makipaglaban.
Agad kong napatumba ang tatlong lalaki at lumapit ako dun sa babae.Nanginginig sya takot habang yakap nya yung kanina nya pang hawak na box. Inilahad ko sakanya ang kamay ko at bigla nya akong niyakap.
Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon dahil sa yakap nya. Emosyong kahit kelan ay di ko pa naramdaman.
~The End~