Chapter I

1 0 0
                                    


SA BAHAY NI KICHIE...

Umaga. Ayaw pa bumangon ni Kichie sa higaan dahil tinatamad pa siya. Pero kailangan na niyang maligo't mag-ayos dahil mahuhuli na siya sa klase.

''Hay. Nakakatamad pa namang pumasok ngayon dahil wala namang gaanong gagawin sa eskwela dahil unang araw ng klase. » Usal ni Kichie sa sarili.

Inayos niya ang kanyang higaan, mga gamit pang eskwela at pagkatapos ay naligo na siya't nagbihis...

SA ESKWELAHAN...

Habang wala pa si Kichie ay dumating na ang kanyang mga kabarkada na sina Renzi, Jhes, Ash, Donna, Khru at Lea. Matagal nang magkakabarkada ang pitong kabataan na yun. Sila ay nag-aaral sa isang magandang unibersidad sa Maynila. At sila ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo.

Si Kichie, ang tinaguriang manunulat ng barkada, at masasabing bookworm na din.

Si Renzi, ang tinaguriang « know all you can » ng barkada dahil na din sa kanyang kaalaman sa iba't ibang bagay.

Si Jhes, ang down-to-earth at easygoing sa barkada, takbuhan ng barkada kapag may problema.

Si Ash, ang masasabing isa sa mga sikat sa barkada nila, dahil siya ay gwapo at pormang lalaki talaga.

Si Donna, ang pinakikay sa barkada, pero habulin ng mga lalaki at mga butch.

Si Kir, ang musician at pinakatahimik sa barkada.

At si Lea, ang tinuturing na bunso ni Kichie dahil siya ang pinakabata sa barkada.

Sila ay nagkita-kita sa laging tinatambayan ng barkada, sa kubo na nasa hardin sa loob ng eskwelahan nila.

''Bakit ba ang tagal ni Kichie, kahit kailan talaga oh, di na nagbago ung taong yun. » sabi ni Ash

"Nagtaka ka pa, eh alam mo naman yun, laging napupuyat kakasulat kaya tinatanghali ng gising." sagot naman ni Renzi.

At habang sila ay nag usap-usap ay dumating na si Kichie at...

"Ang tagal mo Kichie, anong oras ka na naman ba nagising?" pasinghal na tanong ni Donna.

"Pasensya na kayo kung nahuli na naman ako, napuyat ako kagabi kakaisip sa sinusulat ko." Sagot naman niya.

"O siya tara na, mahuhuli pa tayo sa klase natin , unang araw pa naman." paalala ni jhes sa barkada.

Kaya sila ay umalis na sa tambayan at sabay-sabay pumasok sa kanilang klase.

PagkakataonWhere stories live. Discover now