Chapter 3

1 0 0
                                    

Looking back....


Alam ng barkada ang naging masaklap na nangyari sa lovelife ni kichie 2 taon ng nakakalipas, mga freshmen pa lang sila nun. Nung mga panahong yun, may kasintahan siya, si KC. Nung una palang ayaw na talaga nila sa kanya dahil alam nila kung anong klase ng babae si KC, at alam nila na baka masaktan ng sobra si kichie sa kanya. pero wala din silang nagawa dahil mahal na mahal ni kichie ung babae.

"Ayan na naman ung walangyang syota ni kichie." Singhal ni jhes

"Shhh, baka marinig ka, mapaaway pa tayo dyan." Saway ni kir

Alam nila kung anong klaseng syota si KC kay kichie, masyadong demanding, tingin sa kabarkada nila ay alila, kaya mainit ang dugo nila Lea at Jhes kay KC at alam ni Kichie yun, dahil sa tuwing andun si KC ay umaalis ung dalawa at nagdadahilang may gagawin o may pupuntahan.

"Guys, aalis na muna kami ni lea, may gagawin kasi kami eh" paalam ni jhes

"Eh bakit di niyo nalang dito gawin?" tanong ni kichie

"Kailangan kasi sa computer itype yun." Sagot ni lea

"Okey, sige, ingat kayong dalawa." sabi ni ash

"Bye-bye guys, bukas nalang." Paalam nilang dalawa sa barkada



(Sabay dumating si KC sa tambayan ng barkada)



"Nasaan si kichie? Kailangan ko kasi siya for something. "

"Uy kichie, tawag ka ng gf mo, may kailangan daw". Sigaw ni kir

"Oo, saglit lang, kinukuha ko lang gamit ko". sagot ni kichie

"Antagal mo naman dyan, iiwanan na kita!" sigaw ni KC

(Sabay walk out si KC at iniwan si kichie)

"Hey, wait up KC!" sigaw ni kichie habang hinahabol si KC

(Nakatingan sa kanila sina donna, ash at kir)

"Kawawa naman si kichie noh, ung gf niya kasi grabe lang." Sabi ni kir

"Hindi ko nga alam anong nakita ni kichie dun at minahal niya." Sagot ni donna

"Well, ganyan talaga kapag inlove, nagiging bulag." aniya ni ash

"Hanggang kailan kaya matitiis ni kichie ung ugali ni KC" tanong n kir

"Hindi natin alam, baka isang araw sumuko na lang siya." Sagot ni ash

Nagpatuloy ang mga ganung pangyayari at hindi na malaman nila jhes kung ano nang gagawin. Dahil kadalasan bigla na lang mag-aaway sina kichie at KC, syempre, si KC ang may pakana. Minsan pa nga napapahiya na si kichie sa harap ng maraming tao tuwing nasisigawan siya ni KC sa mga maliliit na bagay na di naman dapat ginagawang isyu.

"Kichie, hiwalayan mo na nga yang syota mo, maawa ka naman sa sarili mo." Sabi ni renzi

"Oo nga tol, ano ka ba, hanggang kalian ka magpapakatanga sa kanya." aniya ni kir

"Marami namang iba dyan eh, hindi siya deserving sa'yo." Sabi ni lea

"Pero alam niyo namang mahal ko talaga siya eh." Sagot niya

"Gusto mo bang barilin ka na namin ng barkada?! Wake up dude!." Pasigaw na sagot ni ash

"Hindi dapat siya ung barilin kundi ung magaling na KC na un! Kinakawawa niya kaibigan natin, leche siya!" galit na sabi ni jhes

"Dapat dun ni lelechon na eh, feeling maganda, eh ang taba-taba naman niya." panlalait ni donna

Napansin na lang nila na umiiyak na si kichie, hindi na malaman kung anong dapat gawin, kung makikipag hiwalay na ba kasi aminado naman siyang nagmumukha na siya tanga at sobrang nasasaktan na siya sa ginagawa ng gf niya sa kanya.

"Pilit kong inuunawa ung tao dahil mahal ko nga siya, pero minsan nakakapagod na din pala kapag sobra na."

" Yun nga ung sinasabi namin sa'yo kahit dati pa di ba, kaso hindi mo kami pinapakinggan, sa nakikita kasi namin, hindi ka naman niya mahal eh, ginagamit ka lang niya. ". sabi ni renzi

"Alam ko hindi magiging madali na hiwalayan si KC, pero tignan mo nga nangyayari sa'yo, nagmumukha ka nang kawawa at pinagmumukha ka na niyang tanga.'' sabad naman ni kir.

''Alam ko naman yun eh, pero parang ang hirap, alam niyo naman ibig kong sabihn.'' sagot niya

''Mahirap kung iisipin mong mahirap, tama na kichie, wag mo nang pahirapan pa sarili mo.'' aniya ni jhes

''Hindi magiging madali pero kailangang bigyan mo ng pagpapahalaga ang sarili mo.'' sabi ni lea

''H'wag kang mag-alala, andito kami ng barkada, nasa likod mo lang kami.'' Sabi ni ash

''Sige guys, ayoko na din nang ganito, kakausapin ko siya at makikipaghiwalay na ako.'' Sagot niya

''Yan, ganyan dapat, lakasan mo loob mo, wag ka matakot.'' Aniya ni donna

Kaya nung mga sumunod na araw ay kinausap ni kichie ng masinsinan si KC. Sinabi niya lahat ng sama ng loob at hinanakit niya sa gf at sa tingin niya wala ng patutunguhan ang relasyon nila dahil nga sa ginagawa ni KC.

''KC, sorry, pero, kailangan natin maghiwalay na, di ko na kaya mga ginagawa mo, nakakapagod na. »

''okay, so ganito nalang ba ? sige bahala ka.'' Sagot ni KC

At naghiwalay na ang dalawa, at di nagdalawang isip si KC na pumayag sa break-up na animo'y pabor pa siya dun.

PagkakataonWhere stories live. Discover now