Present... sa tambayan ng barkada..
Dumating ng maaga si Kichie sa tambayan, naunahan pa niya silang lahat. Kaya laking gulat nalang ng barkada ng naabutan nila si kichie dun na naka headset at nagsusulat.
''Wow tol, ang aga mo yata ngayon, anong meron??" pambungad ni ash
"oo nga kichie, himala ang aga mo ngayon ah." sabi ni lea
''Haha, nagulat ba kayo, maaga kasi akong nagising kanina, kaya umalis ako ng maaga sa bahay ."
"Mukha yatang may dahilan bakit ka pumasok ng maaga ah. Sagot ni jhes sabay tingin sa corridor.
Nakita ng barkada na naglalakad si picky papuntang silid-aralan nila, kaya sabi nila donna..
''Uyy, puntahan mo na, samahan mo siya, kausapin mo." Sabi nito sa kaibigan
''Ahh, ehhh, ok lang ba na iwan ko kayo dito ?" tanong ni kichie
''Okay lang tol, sige lang, puntahan mo na." aniya ni kir
Kaya tumayo si kichie sa kinauupuan niya at lumabas ng kubo papuntang silid aralan nila at pumasok siya. Naabutan niyang may kausap na si picky, sina jenny at jersey, mga kaibigan din ni kichie.
Sa silid-aralan...
''Oh andito ka na pala kichie, ang aga mo." sabi ni jenny
''Oo nga eh, wala lang, sinipag lang ako.'' sagot niya
''Uy kichie, kausapin mo itong si picky, nahihiya pa siya eh.'' aniya ni jersey
'' Oh, hi picky, magandang umaga sa'yo, kamusta ang pag settle dito eskwela." Pangiting tanong ni kichie
''Ok naman, good morning din sayo, nag aadjust pa ako sa ngayon". Sagot niya
"Naku picky, kapag may mga tanong ka, wag kang mahihiyang magtanong kay kichie, lalo na kapag sa English, magaling yan, writer kasi siya dito sa eskwela.'' Sabi ni jersey
''Sshh ano ka ba jersey, nakakahiya naman sa kanya, sinabi mo yun". Nakayukong sagot ni kichie
"Haha, nahiya ka pa, ok lang yan kichie noh". Aniya ni jenny.
"Ahh, kaya pala minsan kapag nakikita kita lagi kang may sinusulat.'' Sabi ni picky
''Oo, kadalasan kasi may mga write ups kami kaya madalas akong may sinusulat". Sagot ni kichie
''Maganda yan, ipagpatuloy mo yan". Nakangiting sabi ni picky.
"Salamat picky." Sagot niya
(Pumasok na ang barkada ni kichie at...)
"Oo nga pala picky, papakilala ko sa'yo ung mga barkada ko, si jhes, si renzi, si ash, si donna, si kir at si lea." Aniya ni kichie
''hi picky, alam mo ba, type ka nitong kabarkada namin.'' Pabirong sinabi ni ash
''Ash ! adik ka, bakit mo binuko si kichie ? '' saway ni renzi
Hindi tuloy makatingin si kichie kay picky dahil nalaman na nito ang totoo.
Habang nagkaklase...
"Oh, class, what do you think is the significance of studying the English subject?" tanong ni Miss. Villanueva
Wala dun ang tingin ni kichie sa propesor, kundi sa babaeng nasa hilera niya, kay picky. Hindi niya talaga alam kung anong meron sa babaeng yun at napapatingin nalang siya ng ganun sa kanya. At di yun nakaligtas sa tropa.
"Psstt, kichie, nakatingin ka na naman sa kanya." usisa ni kir
(Di siya narinig ni kichie, kaya kinalabit na talaga ni kir si kichie)
" Ayy sorry kir, di ko napansin na kinakausap mo pala ako." sagot ni kichie
"Woo, paano naman kasi nakatitig ka dyan kay picky." Pabirong sabi ni kir
"Hahaha, oo nga eh, gusto ko na talaga kausapin ng matino eh."
"Eh bakit hindi mo gawin kapag break natin, chance mo na yun." Sabi ni kir
"Baka kasi hindi niya ako kausapin eh." Sagot ni kichie
"Naku kichie, natotorpe ka na naman, wag ganyan." biglang sabad ni ash
"Sige na kichie, ok lang naman kung iwan mo muna kami mamaya eh, kausapin mo na siya. " aniya ni jhes
"Sigurado kayo ah, sige, kakausapin ko na siya mamaya ng matino." sagot ni kichie
"Push mo na yan, go for it! Aja!" sigaw ni ash
Biglang natigil ang klase at napatingin si Miss Villanueva kay ash at sabi:
"Ash Macas, what was the shouting all about?"
"Nothing ma'am, sorry for that". Pahiyang sagot ni Ash
At tumawa ang klase ng dahil dun, kasama sina kichie, at habang ganun ang scenario ay napatingin si kichie sa direksyon ni picky at nakita niya nakatingin pala sa kanya ito. Kaya dali-dali siyang bumaling ng tingin sa mga kabarkada niya at namula na lang.