(A/N GREETINGS SA LAHAT! SO ETO NA NGA MAKARAAN ANG ILANG TAON HAHAHA! MAKAKAPAG UPDATE NARIN PO AKO! SO YEAH HERE IT IS...)Eullie's POV
Ring... Ring... Ring...
Agad akong nagising nang umabot hanggang panaginip ko ang napakalakas na tunog na nangagaling sa aking alarm clock na hanggang ngayon ay nag iingay parin.
Sinapo-sapo ko ang off button nito nang nakahilata parin dahil medyo tamad pa talaga akong bumangon pero di ako nagtagumpay na magawa ang akong nais kaya napilitan akong bumangon na labag sa aking kalooban. Umaga na agad? Ang bilis naman! Panirang alarm clock to ang ganda pa naman sana ng panaginip ko. Yung tipong nasa climax na ako ng panaginip ko at ang ganda-ganda na ng mga pangyayari pero dun ka magigising? Panira talaga ng mood. Naupo muna ako saglit sa aking kama habang lutang parin at kinapa ang aking cellphone na sa pagkaka-alala ko ay inilagay ko kagabi sa ibabaw ng aking study table na nasa tabi ng aking kama. Nang tingnan at makuha ko ito ay agad kong binuksan at tiningnan ang oras.Thursday; 6:05
Thursday... Thursday... Thursday...
Napakamot ako sa aking ulo at tinanong ang aking sarili kung ano nga ba ang mayroon sa Thursday? Pilit kong inalala like kung may activity ba kami ngayon or wala, pero sa kasamaang palad eh wala akong maalala kaya minabuti ko nalang tingnan ang aking Calendar planner.
Tumayo ako at nagtungo sa aking study table at agad na kinuha ang aking planner upang tingnan ang kung ano mang mga activities na maaring naka schedule sa araw na ito.
Medyo traditional ako kaya hindi ako sa cellphone nag si-save or nagre-record ng academic affairs kase para sakin mas maganda yung sinusulat ko para kahit na di ko man maalala ang specific academic activity eh maaalala ko naman na nakapag sulat ako sa planner kaya ensured na makikita ko parin eh kapag sa cellphone ko ginawa yun for sure ma didistract lang ako dahil sa facebook.
Binuksan ko agad ang planner at hinanap ang date ngayong araw. At nakita ko na mayroon nga kaming activity pero ang nasulat ko lang ay."Veiled task to be taken under Mr. Salvador"
Ay! Naalala ko na! last meeting nga pala eh pinaalalahanan kami ni Sir about sa isang mystery task na malalaman lang namin next session which is ngayong araw.
Ang dami namang paandar alam naman na natin na whatever form of task it is as long as it's acquainted with academics for sure pressurizing yan. Sinarado ko na ang akong planner at ibinalik ito sa dati nitong kinalalagyan. Iginawi ko naman ang aking paningin sa kinaroroonan ng wall clock para makita kung anong oras na and it's already 6:08 am in the morning kaya nagmamadali kong linabas ang tuwalya para ako'y makaligo na at inihanda ang aking uniform na aking susuotin pagkatapos. Matapos kong gawin ang lahat ng iyon ay agad na akong nagtungo sa sariling bathroom ng aking kwarto upang makaligo na.Makalipas ang ilang minuto ay agad na akong natapos sa pagpapaligo at lumabas narin para makapag bihis hindi rin naman kase ako masyadong maarte sa katawan para tagalan ang pagpapaligo ko sa loob. Quick lang! pag nabasa ko na buong katawan ko edi shampoo agad sabay sabon para isang buhusan lang oh edi tapos agad tipid pa sa tubig.
Napaisip ako out of the blue
ng gaan-gaan na ng pamumuhay ko sa bubong ng mga kamag-anak ko. Napapadali lahat di na ako nahihirapan para makapasok kase nakahanda na lahat para sa akin di katulad nang dati kaylangan ko pa talagang gumising ng napaka aga para mag igib ng pangligo tapos halos magpatayan pa mga tao makakuha lang ng tubig sa poso. Pero hanggang ngayon di parin ako sanay sa ganitong klaseng pamumuhay kahit medyo nagtagal narin ako dito. Maganda narin yun kase ayaw kong masanay sa marangyang pamumuhay lalo na't hindi naman ito ang kinagisnan ko.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang aking bag at iba pang mga kakailanganin ko sa school at agad nang bumaba para kumain.
Habang pababa ako sa left side ng bifurcated staircase ng bahay eh tanaw ko na si tito na nasa sala habang nagkakape at nagbabasa ng diyaryo. You know yung typical rich people activity every morning haha yung mga nakikita natin sa TV ganun ang systema ni tito ngayon. Narinig niya siguro na pababa na ako kaya naman napatingin siya sa direksiyon kung nasaan ako sabay bati sa akin ng...
![](https://img.wattpad.com/cover/83414359-288-k696570.jpg)
BINABASA MO ANG
He's My Little Piece of Heaven[EDITING]
RomanceAng Golden State Academy ay ang Pinaka Prestihiyosong paaralan sa Lungsod ng Western Bell. Sa paaralang ito mga bigatin at mga natatanging kabataan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral. Sa modernong panahon itinuturing ng mga taga W...