EULLIE
Golden State Academy... paaralang pangalan palang
eh nakaka-intimidate na. Ito ang tinaguriang pinaka prestihiyosong paaralan sa lungsod namin at hindi lahat ng nangangarap na mag aral dito ay nabibigyan ng pagkakataon mula sa langit na maipasa ang mga proseso upang tuluyang makapag enroll. Kaya talagang nagpapasalamat ako at nadinig lahat ng mga panalangin ko at nakapag-aral ako dito despite na naging mahirap at makipot man ang mga pagkakataon sa akin nagawa ko itong lampasan. Pinaghirapan ko talagang makapasok dito para maging ensured lahat ng opportunities sa akin sa hinaharap. Lahat ng naging produkto ng school na ito board passer man o hindi eh nakakapag trabaho agad tsaka malalaking kompanya pa ang nag rerecruit kaya nakakabunot talaga ng tinik sa dibdib king iisipin.
Ako nga pala si Eullie at ito ang unang araw ko dito bilang official student. I'm just an ordinary individual, so if ever y'all are wondering why I managed to somehow butt in here it is because I'm a scholar. Scholar na nagsunog ng mga kilay maipasa lang ang three consecutive entrance exam batches and ang mindblowing interview. A fact about myself, I may be small physically but I have huge dreams mentally and I have no intentions of keeping those dreams stucked in my fantasies because I'll bring them all to reality. And being a student here unlocks the hasps of my stepping stones as I push through my dreams.Pero matutupad ko paba ang mga iyon kung nawawala ako? Ala-maze kasi ang campus eh di naman ako maze runner.
Hayss... Pagod na pagod na talaga ako kakaikot sa Campus, di ko pa kasi kabisado eh. Sobrang lawak pakiramdam ko susuko na ang mga paa ko kapag naglakad pa ako. Ilang minuto narin kase akong naglilibot ma trace lang room assignment ko. Saan banda ba kase ng campus ang section Marcus Aurelius of Rome? Naisipan ko rin namang magtanong kanina pero hindi ko nalang itinuloy kase nakaka-intimidate ang mga students alam niyo yon yung para bang lahat sila eh tititigan ka muna mula ulo hanggang paa bago ka nila kausapin. They're going to assess you first to see if dapat ka bang kausapin o hindi. Maybe l'm just really imagining things though baka kase nahihiya lang ako at wala akong sapat na lakas ng loob e approach ang sinuman na pwedeng makatulong.
Muntanga lang talaga Eullie ha malamang transferee ka kase kaya nararamdaman mo lahat ng iyan.
What a huge school.
To be honest di naman ako nababagay sa school nato kasi di naman ako mayaman eh nakaapak lang ako dito sa school nato dahil scholar ako well choice ko rin naman na maging scholar pinaghirapan ko nga diba? Ano ba yan! Litong-lito na nga ako sa kung papaano ako makakahanap ng paraan para mahanap ang classroom ko eh nakikipagtalo pa ako sa sarili ko.
This unwanted campus tour is really forcing me to snatch a mental illness.Para din kang mama ang lahat ng ito. Kailangan kong magsikap para maibigay ko ang maginhawang buhay na hanggang sa pangarap lang namin kaya abutin.
Being lost for a long time makes me so dramatic, hays, pati mama ko naisali ko na sa usapan. Kailangan ko na talagang mahanap ang classroom ko. Ayoko pa namang ma late sa unang araw ko.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon at tinutungo ang section ko which is Marcus Aurelius of Rome na kanina ko pa hinahanap.
At sa kalagitnaan ng paghahanap ko eh nasaksihan ko ang
Katuwaan ng magkakaibigan. Tawa lang sila ng tawa kaya di ko rin mapigilang ngumiti. They're quite contagious.Napaisip nalang ako kung magkakaroon ba ako ng mga kaibigan dito. Kase sa tingin mukang mahihirapan ako maghanap, mayayaman kase sila baka di nila ako pansinin.
Ang saya siguro nilang kasama, sana talaga magkaroon din ako ng kaibigan dito sa school.
Panay ang pagtingin ko sa kanila kaya medyo napapansin na ata nila kaya para naman di sila macurious eh kunwari tumingin tingin ako sa magkabilang direksiyon na tila may hinahanap, yung parang nawawala lang!
BINABASA MO ANG
He's My Little Piece of Heaven[EDITING]
RomanceAng Golden State Academy ay ang Pinaka Prestihiyosong paaralan sa Lungsod ng Western Bell. Sa paaralang ito mga bigatin at mga natatanging kabataan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral. Sa modernong panahon itinuturing ng mga taga W...