Chapter III

19 3 2
                                    

🍒

For the second time, naalimpungatan ako nang maramdamang parang may nakatitig sa akin. Hindi pa tuluyang pumasok sa isip kung ano ang nangyayari sa paligid, kaya laking gulat ko nang mamulatan ang madawag na kagubatan. Inikot ko ang paningin hanggang sa natagpuan ko ang isang pares ng madidilim at walang emosyong mga mata.

Wow, patay na ba ako? Secretay ba 'to ni San Pedro?

He's got an innocent face na mapapatitig kang talaga, his body is not that bulky. Medyo lean lang na tamang-tama sa kaniya. Ilang minuto pa ang nakalipas ngunit walang may nagsasalita sa amin. Tinititigan lang ako nito kaya tinititigan ko lang din siya pabalik. I can't get my eyes off him, hinihintay ko talaga kung kailan lalabas ang halo niya at saka pakpak.

Naalala ko nang papahulog pala ako ng bangin kanina, sa tirik no'n imposibleng mabuhay pa ako. Gustuhin ko mang umiyak ay parang ayaw ring lumabas ng luha ko. Napapaatras kasi may nakatitig na guwapo.

Hindi naman siya malandi!

Napasinghap ako nang tumayo ito mula sa kinauupuang bato, sabay tingala kasi ang taas pala ng mama'ng 'to. Napalunok pa ako nang makitang unti-unti itong humahakbang papunta sa kinasasadlakan ko.

Sadlak talaga e, 'no?

Pilitin ko man ang sarili ko na titigan lang ang mukha niya habang naglalakad ay talagang mas matigas talaga ang eyeballs ko. Tinatataas na nga'y pilit pa rin itong bumababa hanggang umabot sa punto na hindi na yata ako makahinga. Kasi naman, heto na nga siya, o! Papaluhod na sa giliran ko. Napapikit ako ng mariin. Maliban sa magkakasala ako ay baka kasi buhatin ako, e. Wala namang nagbabawal na maghanda sa mga susunod na pangyayari. Taray!

"Are you okay?" Ay, akala ko may buhatan nang mangyayari, e. Paasa talaga kahit kailan mga kdrama! Bakit ko ba kasi naiimagine na si Lee Min Ho itong nasa harapan ko?

Napamulagat naman ako kaagad nang marinig ko ang tanong niya."Okay lang po ako. Ano, dadalhin niyo na ba ako sa langit? Wala naman akong malagim na kasalanan dito sa lupa t'saka mahal ako ni Lord kaya nga pinapunta ka niya rito para sunduin ako di'ba?" Napatigil ako nang makitang nakakunot-noo lang ito sa akin. "Hi? Kailangan ba mag-english? Sorry pero naubos na baon kong english, e. Ayaw ko nang magkamali kahit na sa grammar man lang kasi nandito ka s'yempre, baka hindi mo na ako dadalhin sa langit kapag---"

"Alam mo ba na ang daldal mo?" Napaumid ang dila ko sa sinabi nito. Madaldal ba ako? Hindi naman a? Pati ba anghel nakakapikon din? Nginisihan ko na lang ito."Hindi ko alam. Pero ikaw pa lang ang pangalawang lalaki na tumawag sa akin ng madaldal. Noong buhay ako, sabi no'ng buwisit na pangit sa barko ang daldal ko raw. Tapos ngayon, pati ikaw sa kabilang buhay nagr-remind ulit na madaldal ako? Excuse me?"
Tinaasan ko ito ng kilay nang makitang kinulikot nito ang magkabilang tenga na tila naiingayan. Pero maintained pa rin ang straight face niya ha.

"Sino ba ang maysabi sa'yong patay ka na? I think you're fine. Help yourself. Let's get out of here." Ani lang nito sabay tayo at talikod sa akin.

Napailing ako. "Robot ba 'yon? I think you're fine, nye nye nye." Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala ako nakahiga sa damuhan. At ang sakit ng mga kasu-kasuan ko! Pero hindi nga? Buhay ako? Paano, bakit, why!?

"Do you plan to live here? If yes, then suit yourself." Napatigil ako sa pagmomonologue nang marinig ko ang boses niya sa hindi kalayuan. Aba't iniwan ako?

Masakit man ang pangangatawan ay wala akong choice kundi ang humabol dito. Akala ko pa naman siya na ang sinugo upang maging knight in shining armor ko. "Hoy, sandali! Hintayin mo'ko oy!" Salamat naman at tumigil siya sa kalalakad. Medyo masukal ang kagubatan kaya nahirapan akong sumunod sa kaniya. Ilang beses pa akong nadapa sa mga sanga ng kahoy pero ang pogitang nilalang na 'to ay hindi man lang natinag o nagkaroon ng mabait na puso para tulungan ako. Hmp. Nagkamali ako nang maisip ko na anghel 'to!

At dahil ayaw ko namang maiwang mag-isa sa masukal na kagubatang ito ay ginawa ko ang aking makakaya hanggang sa umabot ako sa tabi niya at walang anu-anong tumalon sa likuran nito para maki-piggyback-ride. Muntikan pa akong mahulog nang hindi ko tuluyang naabot ang kan'yang leeg, ang taas e. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya nahawakan niya ako kaagad. Kung hindi ay sa lupa na naman ako pupulutin. Naramdaman ko pang napatigil ito sandali bago huminga ng malalim at walang imik na naglakad patungo sa hindi ko alam. Bahala siya r'yan, basta ako magpapakasarap dito sa likod niya.

"Saan pala 'to?" Tanong ko makalipas nang ilang sandali. Wala, e. Madaldal nga siguro talaga ako. Puwede bang magbago ang tao sa loob ng isang araw lang? Nang hindi ako nito sinagot ay tinanong ko ulit. "Ikaw ba nagligtas sa akin? Akala ko talaga mamamatay na ako, salamat ha? Mabuti na lang pala talaga at hindi ka anghel. Ayaw ko pang mamatay talaga to be honest. Ang bata ko pa para—"

"You're still here in Aklan. And yes, I saved you. It's a good thing na bumangga ang sasakyan mo sa iilang puno ng saging kaya hindi masyadong malakas ang impact nang pagkabangga mo. At mabuti rin na may nakainstall na airbag sa kotse mo."

Napangisi ako."Daldal mo." Napahagikgik ako nang narinig ko itong nag-tsk at hindi na nagsalita pa.

Woah!

Napatingala ako.

Thanks G talaga for saving me and for sending me this cold angel! I promise to live my life to the fullest na poooo! Hindi na po ako magpapaka-badgirl. Past is past na po iyon. Hehe.

"Tsk. You're so noisy. And please keep your hands off my hair." Napatigil ako nang nagsalita ito. Hmp, killjoy!

"Ay." Hindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa buhok nito habang kinakausap si G. Sensya lang, na-overwhelmed ako ng very slight sa pagpapasalamat kay Papa G, e.

"Sarreh, ano pala pangalan mo? Ako kasi hindi ko maalala pangalan ko. May amnesia na ba ako nito?" Wala lang. Wala akong maisip na topic talaga. Mukhang malayo pa ang lalakarin niya, e.

"Hindi ka talaga mabubuhay kapag hindi ka nagsasalita ano?" Tila nahahapo pa ito sa kaingayan ko. E, ang behave-behave ko nga.

"Hindi naman sa gano'n. Para-paraan tawag dito para makipagkilala, ano ka ba? Ganito ba kapag probinsyano?" Tumigil ito saglit at binaling ang tingin sa akin. Muntik pang magkabungguan ang mga mukha namin.

Napalunok ako lalo na nang nagsalita ito."Bakit? Ano ba dapat kapag probinsyano?"

Napapalatak ako. Ang bango ng hininga ng hinayupak. "Hindi ko alam. Tinatanong ka nga, e."

"Tsk. Wala kang kuwenta kausap."

"Wow, parang ikaw mayroon a?"

"Kung hindi pa ako ang nakakuha sa'yo sa gubat na 'yon, walang may maniniwala na naaksidente ka sa estado mo ngayon."

"Ay, kahit ako ay hindi maniniwala. Tingnan mo nga at buhay pa ako sa kabila ng...ng...woah ang daldal ko pala. Teka, saan mo nga pala ako dadalhin ulit?"

"You're unbelievable."

Napaismid ako.

Walang may pake!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romancing RadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon