One

18.8K 316 36
                                    

[WARNING FOR THE WHOLE STORY: This story contains a mature theme that is not suited for young readers. Strong, harsh words and daring scenes are present. Read carefully. You have been warned.]




One





SALUBONG ANG MGA kilay ni Armee habang nakatitig sa gusali na nasa kaniyang harapan. She was been there for almost an hour at alam niyang tagaktak na ang kaniyang pawis sa mukha. Hindi maipinta ang kaniyang mukha habang masamang tinititigan ang mga construction workers na nagta-trabaho roon. Wala namang ginagawa ang mga itong mali pero kung tapunan niya ang mga ito ng nakamamatay na tingin ay parang sila ang sinisisi niya.

"As you can see, architect, the space provided for the glass wall on your design is not enough that's why we replaced it to be a concrete one," paliwanag ng engineer sa kaniyang tabi ngunit hindi niya ito pinapakinggan. Maputol sana ang dila mo kakadaldal, bwisit ka.

Inis na inis siya nang dumating sa site dahil pinatawag siya ng engineer para sabihing may binago ito sa kaniyang mga plano. Galing pa siya sa Pagudpud at nag-commute patungong Laoag para lang tignan ang major changes na sinasabi ng engineer.

At iyon lang ang aabutan niya sa sinasabi nitong major changes. Isang parte lang naman ng kaniyang design ang nabago at hindi naman malaki ang impact niyon sa buong project. Sobra ang pagpapakalma niya sa sarili para hindi magawang batukan ang kasama.

"Wala na bang mas importante pa sa mga nire-report mo?" She shot a glance at the engineer beside her.

Nakangiwing napakamot sa batok ang kausap. "Iyan pa lang naman ang tinignan ng owner na gusto niyang baguhin."

Ah.

So ang kliyente pala nila ang nagpabago sa mga designs. She scoffed. Bakit hindi na lang ito ang gumawa ng buong disenyo kung hindi rin naman nito nagustuhan ang gawa niya? Isa pa, ginaya lang naman niya ang design ng nasa Vigan na the same branch rin ng hawak niya ngayon.

"Asaan ba siya? Bakit hindi siya ang lumapit sa akin para kausapin ako tungkol sa mga gusto niyang ipabago? I am fucking busy with my other projects in Pagudpud. Sana ay itinawag niyo na lang ito sa akin!" Nagpupuyos na siya sa galit.

"Pasensya na, architect. Sasabihin na lang namin kay Mr. Cordova na nandito ka para ikaw na ang lapitan niya sa mga gusto niyang ipabago. He's actually heading here today."

Natigilan siya at mataray na tinitigan ang engineer. She's handling a project under a Cordova? Sino sa mga iyon?

"Sige. Sabihin mong nasa opisina ako ngayon," bilin niya at tinalikuran na ang engineer.

Napapaisip pa rin si Armee habang naglalakad patungo sa maliit na opisina na nasa tabi lang ng site. Hindi niya inaasahan na isang Cordova rin ang may-ari ng hawak niyang construction project. The fact na ikakasal na ang kaniyang kapatid sa isa ring Cordova, para namang pati sa kaniya ay dumidikit na rin ang apilyedong iyon.

Pabagsak siyang umupo sa kaniyang swivel chair habang hinuhubad ang suot na sweatshirt. Naiwan lang ang kulay rosas niyang tube top. Inilabas niya ang kaniyang cellphone para tignan kung may mga unread messages ba siya ngayong araw. Saktong tumunog iyon para sa isang tawag. She rolled her eyes before answering the call.

"Julius," she said.

"Hey, babe. Have you eaten?" a man's voice spoke from the other line.

"Nasa site ako. I'm working," she replied.

"It's already lunch. Kumain ka na muna," pangungulit ng binata sa kaniya.

She sighed heavily. Julius was one of her suitors from Manila. Hindi naman niya ito gustong payagan na ligawan siya dahil ayaw niya na lagi siya nitong kinukulit. Pero nagpumilit pa rin ang binata kaya wala siyang nagawa kundi hayaan na lang ito.

The Aftermath of Her Wildest Mistake (Mistake Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon