Three

9.2K 230 17
                                    

Three



HINDI MAPAKALI SI Armee habang pabalik-balik ang lakad niya sa harap ng kaniyang opisina. Her team were also there, looking at her worriedly. Nagsipuntahan ang mga ito sa kaniya kanina nang dumating siya dahil nagwala siya agad sa loob ng kaniyang opisina.

Bumungad rin sa kaniya na nakita na raw ng mga ito ang video at kalat na nga raw 'yon sa social media. Ang bilis! Kanina pa siya nagmumura sa inis at nerbyos. Paano kung makita iyon ng papa niya? Paniguradong kakaladkarin siya nito pabalik sa hacienda at doon ikukulong at pagsasabihan ng kung ano-anong mga salita.

Ayaw niyang mangyari iyon!

Maingat si Armee sa lahat ng ginagawa niya dahil alam niya ang mangyayari kapag nagkalat siya. Marami na siyang lalaking nakasama at ni minsan ay nagkaroon siya ng video kasama ng mga ito. Ito lang, sa unang pagkakataon. At hindi pa sa Manila kung saan teritoryo niya talaga ang mga bar at club doon.

"Asaan na ba si Eros Cordova?" nanggagalaiting tanong niya sa mga ito.

"Tumawag na siya sa akin kanina, Architect. Papunta na raw po siya kaya kumalma ka na—"

"Kumalma?" Masama niyang tinignan si Engineer Romualdo. "Paano ako kakalma kung malalaman kong may scandal ako? Ha?"

Mariin niyang sinabunutan ang sarili sa sobrang galit. Damn it! Kung sino man ang kumuha ng video na iyon ay humanda-handa na sa kaniya dahil baka makalbo niya ito kapag nakita niya.

"Kayo naman kasi!" paninisi niya sa mga kasama. "Sana pinigilan niyo ako kagabi!"

Hindi nakasagot ang mga ito at nag-iwas lang ng tingin sa kaniya.

"Punyeta!" malutong niyang mura nang makitang may tumatawag sa kaniyang phone.

Sa sobrang kaba ay pinatay niya iyon. Tumawag itong muli at nang mapansin niyang hindi pala ang ama niya ang nasa caller's ID ay agad niya itong sinagot.

"Gaga ka, Leighann!" bungad ng pang babaeng boses. "Ano 'tong pinakita sa 'kin ni Alvia ngayon lang? Kailan ka pa natutong maglandi—"

"Gaga, malandi talaga 'yan," singit ng isa pang boses mula sa tawag. "Ngayon nga lang naisipang i-video ang kalandian."

Pumikit siya nang mariin saka hinilot ang sintido. She's getting stressed with this scandal spreading throughout the social media. Kahit hindi iyon malala ay makakakuha pa rin iyon ng atensyon lalo na sa elite community.

A Suarez and a Cordova, making out on public. Dalawang naglalakihang mga pangalan sa business industry, madudumihan dahil lang sa isang video? She's really doomned!

"Hoy, ano na? Ayaw mong magpaliwanag?" Elle asked, getting frustrated, too.

"Ano bang ipapaliwanag ko? Hindi ko alam 'yan, okay? I was shocked rin!"

"You were shocked rin?" Elle mocked from the other line. "Eh, parang wala kang ginagawa para matigil 'yong pagkalat ng video mo, ah? Aba, Armee Leighann. Nagpunta ka riyan sa Ilocos para magtrabaho. Iniwan mo 'yong reviews natin for the finals kasi sabi mo may project ka. Hindi mo naman sinabing video project pala ang gagawin mo? At sa isang Cordova pa? Kilala mo ba 'yan? Alam mo ba kung gaano ka-halimaw 'yan sa kama? Malamang alam mo na kasi baka umabot na kayo sa kama kagabi. Tama ako?"

"B Formula pa more!" dagdag ni Alvia.

"Ang ingay mo, Elle. Ang sakit mo sa ulo!" Inis na pinatayan niya ng tawag ang mga kaibigan. Nakakainis! Umabot na rin sa mga kaibigan niya ang kagagahan niya.

Napaayos ng tayo si Armee nang makita ang isang Audi na paparating. Hula na niyang si Eros iyon dahil nasilip na niya ito sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Hindi pa ito tumitigil pero nilapitan na niya agad ang pinto nito. Napa-preno tuloy ang binata nang wala sa oras.

The Aftermath of Her Wildest Mistake (Mistake Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon