Four

8.5K 215 57
                                    

Four


"HOW DO YOU know Zaccheo?" tanong ni Eros habang nasa daan ang mga tingin nito.

Kasalukuyan na nilang binabaybay ang daan patungong Vigan City. Nasa loob na rin ng sasakyan ng binata ang lahat ng kaniyang mga gamit. Nagpapasalamat siya at pumayag itong sa back seat ng Audi ilagay lahat ng mga gamit niya sa trabaho. Those are the most valuable things for her at ayaw niyang masira ang mga iyon kung ilalagay nila sa back compartment ng sasakyan.

"Kapatid siya ni Kuya Ephraim, 'yong fiancé ng Ate Bleu ko."

"Ikakasal na si Kuya Ephraim?" Lumingon ito sa kaniya habang salubong ang mga kilay.

"Hindi mo knows?" She gasped exaggeratedly. "Cordova ka niyan? Hindi mo alam mga ganap sa pamilya niyo?"

"How would I know?" Eros frowned. "I'm busy with my resto bar and other stuffs."

"Like girls." She snorted.

"Yes, like girls."

Umirap si Armee at hindi na nagsalita. Minsan iniisip din niya na napakaswerte ng mga naikakama ng Griyego na kasama niya ngayon. Sino ba naman ang nasa matinong isipan ang gagawa ng breakfast at mag-o-offer ng ride sa mga naka-one night stand lang?

Of course, it's no other than Eros Cordova.

"So," Eros licked his lower lip before glancing at her. "Army, huh? You're name's weird."

Umirap siyang muli. Inaasahan na niyang sasabihin iyon ng kahit sinong makakarinig ng kaniyang pangalan sa unang pagkakataon. And Eros is really not an exemption.

"My name's not weird. It's cute and unique."

"Cute?" May sumusupil na ngiti sa mga labi ng binata. "I don't think so, Architect. Your name's scary."

"Huh?"

"When someone shouted 'Army's coming' inside a gambling room, sa tingin mo hindi sila magwawala?"

Kumunot ang kaniyang noo saka nagtatakang tinitigan ang binata. Ilang segundo bago niya nakuha ang sinabi nito.

"Engot!" she hissed. "My name's with double e, not the exact spelling of ARMY."

"The spelling doesn't matter. Anong gusto mong sabihin nila? 'Armee with double e is coming!'?" Eros laughed loudly that made her irritated.

Nagsisimula na naman silang mag-asaran at sa tingin niya ay matatalo na naman siya.

"Wala ka na bang mas magandang pangalan, Architect?" ngising tanong nito sa kaniya.

"Ang ganda ng pangalan ko! Armee Leighann Suarez is the most sexy name you'll ever hear." Humaba ang nguso niya nang mapansin ang ngisi ng binata.

"Armee Leighann," he said her name with his deep voice. "You're right. It sounds sexy."

Armee bit her lower lip before looking away. Why does she find her name sound so sexy when Eros said it? Fuck!

She cleared her throat loudly. Kinalma niya ang kakaibang init na nararamdaman sa kaniyang katawan bago muling tinignan ang binata. She pouted when she saw him staring at her. Hindi niya namalayan na nakatigil na pala ng sasakyan at nasa tapat na sila ng Kupid's Arrow.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya nang alisin ng binata ang seatbelt nito. Inalis na rin niya ang kaniya.

"May kakausapin lang tayo tungkol sa video." Bumalik ang seryosong mukha nito na akala mo ay may kaaway sa lahat ng pupuntahan.

Lumabas si Eros at umikot para pagbuksan siya ng pinto. Iginaya siya nito papasok sa main door ng Kupid's Arrow. It was the first time na makakapasok siya sa restaurant nito. Noong gabi kasing nagpunta sila ng mga katrabaho niya roon at sa taas sila dumeretso kung saan nandoon ang private bar na pag-aari rin ni Eros. May ibang daan ang bar na makikita sa likod ng resto.

The Aftermath of Her Wildest Mistake (Mistake Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon