mag kabilang mundo

410 5 1
                                    

umaga dito at gabi diyan sainyo
mag kaiba man ang oras natin pareho
ngunit parehas lamang ang pag tingin,
iisa lamang ang nais abutin.

ilang kilometro man ang layo sa isa't isa
Ilang dagat man ang pagitan nating dalawa
ilang bundok man ang tatahakin
walang problema basta't ika'y mahawakan at mahagkan.

mag kabila man ang ating mundo
pero pinapangakong ikaw lamang ang mamahalin ko
mag kaiba man ang takbo ng oras natin pareho
pero tiyak Na hindi ka papalitan mahal ko.

sa ulap titingin tuwing gabi
iisipin Na sana nandito ka nalang saking tabi
pag mamasdan ang magandang kalangitan
at iisipan Na nahahawakan kita't nahahagkan aking mahal.

sa ulap mag susumpaan
isusumpa ang mga salitang Pang hahawakan
pang hahawakan nating dalawa Hanggang sa tayo'y mag kasama na aking mahal.

tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon