Pag kamit sa tagumpay

362 5 0
                                    


Hindi man biro ang aking pinag daanan
Kahirapa'y pilit kong nilalabanan
Pangarap ko'y nais makamtan
Sa kabila ng lubak lubak na daanan.

Hindi perpekto't maraming nagagawang kasalanan
Ngunit walang kahit na sino man ang pwedeng humadlang
Makamit lang ang tagumpay pag dating sa hinaharap.

Pawis,luha at pagod ang naging puhunan
Dalangin sa may kapal ang naging sandigan
Pinapanalangin na sana nga'y aking makamtan
Ang tagumpay sa'king buhay.

Iiyak sa umaga gano'n rin sa gabi
Pag papatahan ng mag isa sa sarili ang pwede lamang gawin
Iisipin na kailangan mag patuloy
Ng sagayon maiahon sa kahirapan ang aming buhay ngayon

Walang hindi nadadapa ang hindi nakaka bangon
Walang nag hihirap ang hindi nagiging matagumpay pag dating ng laon
Walang taong luluha sa isang bagay ng walang kapalit
Lahat pinag hihirapan kung gusto mo makamit.

Ngayon nga'y kamit na ang tagumpay
Hawak ang deploma't nakaahon sa pag subok na hinaharap ng buhay
Tatayo sa harapan at mag bibigay inspirasyon sa kalalakihan
Hahagkan ang magulang at sabay iaabot ang deplomang pinag hirapan.

-----

(October 2020)

Written by: Ali.

tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon