"Uuwi na ako. Halata halata ko na talaga siya, ramdam ko yung bigat na nararamdaman niya, nangongonsensya ako sa pinaggagawa ko sa kanya. Maraming salamat Chloe ito na nga siguro ang simula ng pagtatapat ko sa kanya." sabi ko kay Chloe habang nakayuko."Sige bilisan mo at baka ano pang mangyari sa kanya. Tignan mo ang lakas na ng ulan!" sabi ni Chloe
"Ah eh sige mauna na ako" sabi ko sa kanya habang tumatango at nagsimula na akong tumakbo palabas ng mall.
"Saan na kaya yon?" tanong ko sa sarili ko habang tumitingin sa paligid
I'am so tired kung saan saan ko na siya hinanap. Bumili ako ng mga alak at napagdesisyonan ko nang umuwi sa mansion namin ngayon. Di ko alam kung paano ko siya haharapin.
Nandito na ako sa mansion namin at nasa gilid ako ng swimming pool namin at umiinom mag-isa. Mahal ko na nga siya, ganon na ba talaga kahirap mag confess at kailangan ko pang saktan siya para malaman lang ang nararamdaman niya, nagsisisi ako bakit ko nga ba ito nagawa sa kanya.
Umupo si mommy sa Gilid ng pool.
"Anak, si Clyde na naman ba? " mahinang sabi niya sa akin na tila siya'y nag-aala. Humiga ako sa lap niya parati ko nang ginagawa yon dahil ang gaan sa feeling kapag nasa bisig ka nang mommy mo."Anak palagi mong kinukuwento sa akin si Clyde. Simula nung makilala mo siya, first kiss nyo na aksidente at niligtas mo siya at marami pang iba, lalong-lalo na at pinagbago ka niya para mag-aral at kumilos. Mahal na mahal mo siya at suportado ako kahit na magtransfer ka.... Pero bakit ngayon anak parang ang laki ng problema mo?" mahabang sinabi sa akin ni mama habang hinahaplos ang ulo ko.
"Mama bakit ang hirap mag confess sa taong mahal mo?.... Tignan mo nagplano ako ng di ko naman kayang labanan o harapin. Plinano ko po kasi siyang saktan para malaman kung may nararamdaman ba siya sa akin, nagpatulong ako sa president namin para maging fake girlfriend ko at sa tingin ko ay sobrang nasaktan siya. " naluluhang kuwento ko kay mommy
"Anak kung mahal mo ang isang tao ikaw dapat ang gumagawa ng paraan para maging kayo, hindi nga lang sa ganyang paraan. Alam mo anak ramdam na ramdam ko na mataas ang porsyento na gusto ka niya mga tininginan nyo pa lang alam ko na eh, naalala nyo ba yon nung pumunta ako sa dorm nyo. Huwag mong sayangin ang panahon anak, at lalong wag mo siyang sayangin, kahit bakla siya gusto ko siya para sa'yo anak siya ay maalagain, masipag, masarap magluto at mabait. Ito nga ang unang hamon kaya kailangan mo itong lampasan anak, hayaan mong malaman nya ang nararamdaman mo anak. Hindi hadlang ang sasabihin ng mga tao kung nagmamahalan kayo. Dahil para sa akin what really matter is? "
"Ano mommy?" tanong ko
"It's all about love" Grabe kaya mahal na mahal ko si Mommy. She's indeed the perfect mother.
"So anak walang mangyayari kung magmumukmok ka diyan at iinom. Papahatid kita sa driver ko dahil mukhang medyo lasing ka na, bumalik ka sa dorm at gawin mo kung ano ang nararapat" sabi ni mommy at napahinga ako ng maluwag dahil sa mga sinabi at aral ni mama. Tumayo ako at humalik sa pisngi ni mommy.
Nasa kotse ako at ramdam ko ang kaba at takot.
Pero pinanghahawakan ko ang pagmamahal ko sa kanya at ayaw kong masayang ang pag hihintay ko, nais kung baguhin yung pagkakamaling nagawa ko kanina.
Nasa pinto na ako ng dorm at huminga muna ako ng maluwag bago pumasok.
Nakita ko siya na nakahiga at kita sa kanyang mata na namamaga... Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at hinalikan siya sa pisngi. Hinawakan ko ang mahahaba niyang pilikmata at hinawi ang kanyang buhok papunta sa gilid ng kanyang tenga.
Iminulat nya ang isang mata niya at ngumiti pero ramdam ko na ang pagkakangiti niya ay may pait. Gising pala siya nakooo😱
"May sasabihin ako? " halos sabay naming sinabi
"Sige ikaw na mauna" ani niya sa akin
"Ah-eh gusto mo ba sa lalaki?. " nahihiyang tanong ko sa kanya.
Dahan dahan siyang napatango. At ramdam sa mata niya ang takot at lungkot.
"Bakit mo naman naitanong yan?. Kung ayaw mo sa bakla pwede mo naman akong iwan. Ok lang naman sa akin"-halos naluluha niyang banggit sa akin
"Ah eh, Hindi naman sa ganon. Ito lang masasabi ko, mahal na mahal kita noon pa" nilakasan ko na ang loob ko kaysa naman masayang ang panahong minahal ko siya at baka maunahan pa ako lalo na nung kumag na Carlo na yon.
"Ahh pa-papaanong mangyayari yun eh may ge-girlfriend ka na? " Halos putol putol niyang tanong niya sa akin. Mabigat na nga ang nararamdaman nya ng biglang tumulo ang luha niya. Pinunasan ko iyon. I will never let him cry again.
Kaya't wala na akong nagawa at kinuwento ko na sa kanya ang lahat simula nung una ko siyang nakita hanggang sa nangyaring plano ko kanina. at napaluha sya sa sobrang saya at napapahampas sa braso ko pero mahina, dahil bakit ngayon ko lang daw sinabi.
"Sorry na. Basta ikaw lang ang mahal ko wala nang iba. So pwede na ba kitang ligawan? O gusto mo tayo na?" sinabi at tanong ko sa kanya.
"Siyempre liligawan mo muna dapat ako. At saka papunta na rin naman yung panliligaw mo dun eh" nakangiti niyang sinabi sa akin at kita sa mukha niya ang kilig at saya.
Nilapitan ko siya sobrang lapit halos isang pulgada nalang ang pagitan. Napakabagal ng oras pag malapit ako sa kanya damang dama ko ang mabangong hininga niya napapikit siya ng mariin at medyo binuksan ang kanang mata kaya napangiti ako kaya hinalikan ko siya nang dahan dahan sa noo hinalikan ko rin siya sa dalawa niyang pisngi at sa baba at napatawa nalang ako ng ngumuso ang kanyang labi HAHAHA.
"ANO NAMANG NAKAKATAWA MR. SANDOVAL?!" galit niyang sinabi sa akin kaya napatahimik nalang ako
"paasa ka" pabebe niyang sinabi sa akin.
Kaya nilapit ko ulit ang mukha ko hinalikan ko siya sa labi. Ang halik ko sa kanya at talaga namang matagal at sinimulan ko itong igalaw at nagulat nalang ako ng sumasabay siya sa bawat galaw ng labi ko.Siya ang unang pumutol ng halikan namin at kita sa mukha niya na medyo nahihiya. Napangiti ako ng nagkumot siya ng buo niyang katawan.
"Good Night and sweet dreams, Babe. Sana mapanaginipan mo ako 😊😍" sabi ko sa kanya
"Good night den" tinanggal niya ang kumot at nilabas ang ulo niya
"Good night babe din dapat Clyde" sabi ko sa kanya
"Sige, Good night Babe 😊" napangiti at napailing nalang ako sa kanyang sinabi. Naligo ako bago matulog nakita ko siyang tulog na kaya yumakap ako sa kanya at tinabihan ko siya.😁
BINABASA MO ANG
You Are My First And Last
RomanceI hope that this boys love story will encourage you to follow your heart. I also hope that this story will open your hearts and minds that love is no gender. Atin pong suportahan ng pagmamahalan ni James at Clyde. I'm sure that you'll enjoy this. A...