[1]

14 3 2
                                    

Laura's Pov.

"Ano ba hindi ka parin ba nagsasaing? Jusko naman Laura kanina pa masakit ang likuran ko kakalaba para lang may maipakain ako sainyo tapos ikaw panay ang kalikot mo jan ng kung ano ano. Bwiset naman na buhay to! Magsaing ka na roon mag aalas dose na!" Inis na sigaw ni nanay. Hindi na ako umalma dahil mali ko naman talaga iyon. Kanina ko pa ginagawa ang proyekto ko sa science kaya di ko namalayan ang oras lunes na bukas at deadline na nito kaya minamadali ko. Nagulat nalang ako ng dumating si Inay sa bahay.

Dali dali akong nagpalingas at gumamit ng kahoy sa pagluluto. Ng magawa kong paapuyin ang kahoy ay inilagay ko na ang hinugasan kong bigas sa ibabaw ng tatlong malalaking bato na nagsisilbing lutuan namin. Binantayan ko iyon kaya naman pinagpawisan ako ng maigi. Kailangan ko kasi salangan ng salangan ng kahoy kapag paubos na ang lingas noon. Nagtagal ako ng ilang minuto roon ng tawagin ako ni Inay.

"Laura! Luto na ba iyan?" Pasigaw na aniya.

"Inay painin na po." Pabalik na sigaw ko. Nasa likuran ako ng bahay dahil doon ang saingan namin at nasa loob naman si Inay nakaupo sa silyang kahoy na sariling gawa ni itay.

"Pumarito ka muna!" Sigaw nya. Bago ko iwan ang sinaing ay tiningnan ko muna kung malapit na ba iyon maluto.. ng makita kong di na kailangan ng apoy ay sinunod ko na si inay. Lumapit ako sakanya at nagtanong kung bakit nya ko tinawag.

"Eto singkwenta pagkasyahin mo iyan at bumili ka kay Menggay ng ulam." Pagkatapos nyang sabihin ay inabot nya ang pera sakin. Napabuntong hininga ako. Makakaharap ko na naman ang tsismosang iyon. Nakakainis.

"Osige po inay." Saad ko. Bagsak ang balikat na naglakad ako papunta sa karenderya ni Aling Menggay. Ito ang pinakaayoko sa lahat hays. Yung makita ko ang tsismosa na iyon. Masyado syang mayabang at masyadong matapobre kala mo pa perpekto kung makapagsalita. Mahilig syang manira ng tao samantalang sarili nya ay di nya nakikita. Ewan pero naiimbyerna ako sakanya dahil noon ay ginawan nya ng isyu si inay at ako rin masyado syang pakialamera ng buhay ng may buhay.

Sa sobrang pagiisip ko tungkol sa galit ko kay aling Menggay ay di ko namalayan na nakalagpas na pala ako sa karenderya nya. May bumusinang motor sakin kaya naman bumalik ako sa reyalidad. Inilibot ko ang paningin at napasapo sa noo ng makita kong may kalayuan din ang layo ng karenderya mula sa kinatatayuan ko. Kasalanan mo to Aling Menggay eh tsk. Nilakad ko ang distansya papunta roon.

"Pabili ho." Sigaw ko, walang taong nakabantay sa labas kaya batid kong nasa loob iyon. San pa nga ba? Ilang ulit pa kong sumigaw ng pabili bago lumabas si Aling Menggay ng nakabusangot.

"Ano yon? Istorbo." Galit na aniya. Aba nagnegosyo sya ng ganyan tas galit sya pag may bumili. At kahit mahina ang pagkakasabi nya sa huling salitang binitawan nya ay rinig ko iyon. Kung di lang namin kailangan ng ulam ay hindi ako bibili rito. Pasalamat ka at ikaw lang ang may karenderya dito sa lugar natin.

"Ulam ho pabili. Isang laing tyaka isang langka. Tas pahingi narin po ng sabaw kung pwede." Saad ko. Padabog syang kumuha ng plastik at nagsandok ng mga ulam na nabanggit ko. Sa kaunting takal ng ulam ay nagkakahalaga na iyon ng 25 pesos onti na nga di pa masarap hays.

"Sengkwenta pesos ay nambubulabog ka. Hanggang dito nalang ba ang kaya nyo palagi? Sengkwenta tsk nakakaawa naman kayo. Palibhasa ay maagang nanganak ang nanay mo tsk maaga kasing nagpabuntis. Kaya ayan tingnan mo ang buhay nyo malapit na kayo sa pulubi." Inis ko syang binalingan ng tingin. Anong karapatan nya para sabihan ng ganon ang nanay ko. Wala sya sa tamang posisyon para pagsabihan kami ng ganyang salita lalo na si inay. Napakawalang hiya nyang tao.

"Mas nakakaawa ka kung ganon. Wala ka na bang magawa sa buhay mo aling menggay at pati buhay ng iba ay pinapakealaman nyo? Boring ba buhay mo? Bat di ka maglinis ng bahay nyo dun palang makukunsuma mo na isang buong araw eh. Hindi lang bahay at karenderya nyo ang baboy pati na rin kayo." Inis na sabi ko.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon