[2]

10 3 0
                                    

Laura's Pov.

Maaga akong nagising dahil may pasok ngayon. Ngayon rin ang pasahan ng proyekto namin kaya minabuti kong silipin iyon baka kasi nginatngat ng mga daga. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maayos iyon at walang gasgas kahit isa. Sana lang ay makakuha ako ng mataas na marka para roon.

Mabilis akong kumilos at nagigib sa poso negro ng tubig binuhat ko iyon ng mapuno ko at saka inilagay sa banyo. Kinuha ko ang mga damit na panloob ko atsaka tuwalya. Mabilis akong naligo ngunit siniguro ko naman na kinuskos ko ang lahat ng parte ng katawan ko. Nang matapos ay lumabas ako ng nakasando at cycling habang nakabalunbon ng tuwalya sa buhok ko. Nakita kong nagkakape na si Itay kaya ngnitian ko sya at saka ako pumasok sa kwarto ko. Mahirap kami oo pero may dalawng kwarto kami sa bahay. Pulido ang gawa niyon ni tatay kaya mamamangha ka sabahy namin. Sa unang tingin ay alam mong pangmahirap pero kapag sinuri mo ang bahay ay masasabi mong okay naman at masarap tirahan. Walang butas butas at pantay na pantay ang mga plywood pati narin ang mga kahoy. Hindi bara bara ang gawa ni Itay.

Nang matapos akong magayos sa loob ng kwarto ay lumabas na ako dala dala ang bag ko. Hindi na ako nagalmusal dinala ko nalang ang tinapay at sa daan ko nalang kinain. Habang ang isang kamay ay nakahawak sa proyektong ginawa ko. Hindi pa man ako nakakakalahati ng paglalakad papunta sa eskwelahan ng may tumawag saakin. Si bunot iyon.

"Gandaaaaaaa!!" Gulat naman akong napalingon sa kinaroroonan ng boses. Patakbo sya palapit saakin. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko gusto ko syang takbuhan dahil baka makita na naman ako ni Inay pero anlaki namang kabastusan non. Baka tulog pa si Inay sa oras na ito.

"Ikaw," aniya ng makalapit saakin na naghahabol parin ng hininga "kahapon ang sabi ko ay magpunta ka roon sa tabing dagat eh. Hinintay kita pero wala ka." Dismayadong aniya. Pano ko ba sasabihin pinagbawalan ako. Ayokong isipin nya na pinapagalitan ako ng dahil sa kaniya gayong iyon naman ang totoo.

" Ano kasi.. yung ano.." hindi ako makagawa ng idadahilan. Nagpalinga-linga ako at di alam ang sasabihin ng maramdaman ko ang kaliwang kamay ko " Ano kasi Vincent tinapos ko tong project ko. Tingnan mo oh angganda diba. Mauuna na ako ah baka malate ako eh." Ngumiti ako sakanya atsaka tumalikod. Gusto kong tumakbo dahil alam kong sinusundan nya ako.

"Maaga pa naman. Para san ba iyan at di mo ko sinipot. Di mo ba tatanungin kung bat andito parin ako?" Napatigil ako at napaisip sa sinabi nya. Oo nga ano? Bat andito pa to bakit di pa sya bumabalik ng maynila?

"Bakit nga ba?" Lingon kong tingin sakaniya. Napangisi sya.

"Hindi mo ko sinipot kahapon eh." Aniya sabay kakamot kamot sa batok. Nagulat naman ako.

"ANO!!?" gulat na gulat na sabi ko. Natawa naman sya sa itsura ko. Anong nakakatawa roon? Atyaka bakit kailangan nyang magpaiwan dito dahil lang sa di ko sya sinipot kahapon. Gago ba to?

"Biro lang. Gulat na gulat ka naman," Aniya habang tumatawa "nagkaroon ng problema kaya hindi kami nakauwi kagabi. Nagkaemergency sa bahay at kailangang isugod sa ospital si Tita Chelsea manganganak na ata." Aniya.

"Ahh sige na mauuna na ako. Umuwi ka na sa inyo aga aga gumagala ka." Singhal ko sakanya saka tumalikod.

"Gusto lang kitang makita napaka mo" pabulong na aniya pero dinig ko parin. Pinagsawalang bahala ko iyon at naglakad na. Nilalakad ko lang ang papunta ng eskwelahan para hindi na gumastos ng pamasahe. Kaya naman eh medyo malayo at nakakapagod pero mas okay na rin. Nakakapag-ehersisyo ako at nakakatipid na rin. Nang marating ko ang maliit na paaralan namin ay nakahinga ako ng matiwasay. Ngumiti ako sa guard na naroon, si ate Inday. Noong nagumpisa ako sa highschool na ito sya na ang guwardiya na tagabantay. Kakilala nya si Inay kaya naman namumukhaan nya ako at dahil sa mag-aapat na taon na akong nag-aaral rito ay naging magaan ang loob ko sakanya.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon