[3]

11 2 3
                                    

Laura's Pov.

Hapon na ng makarating ako sa bahay. Wala si Itay at si Inay naman ay nagluluto. Tiningnan ko kung may sinaing na ba, nagugutom na kasi ako dahil hindi ako kumain nung lunch break. Wala naman kasi akong pambili. Ang lahat ng pera ko ay iniipon ko para sa pagaaral ng kolehiyo minsan pa nga ay muntikan na akong idala sa ospital ng mawalan ako ng malay sa eskwelahan. Hindi ako nakapag-agahan non at hindi rin ako nakakain ng tanghali kaya ayon kaya simula noon ay di na ko umaalis sa bahay ng hindi nagaalmusal.

Nang may makita na akong sinaing ay napangiti ako, mukhang magkakalaman na ang kalamnan ko. Kumuha ako ng plato at nagsandok ng kanin saka ako pumunta sa likuran para tumingin ng niluluto ni Inay na ulam at makahingi roon. Pagkalabas ko ay hindi manlang ako tinapunan ni Inay ng tingin. Di parin pala kami nagkakaayos.

"Nay, puwde po bang makahingi ng isa? Nagugutom na po kasi ako." Nag-aalinlangang tanong ko. Hindi nya ko kinibo at bumuntong hininga lamang. Napayuko ako at napatingin sa pagkain ko, nagugutom na talaga ako.

Ganon na lamang ang gulat ko ng lapagan iyon ng isang pirasong tinapa. Napaangat ako ng tingin at nakita si Inay na nakatalikod na saakin at ipinagpapatuloy na ang pagpiprito. Napangiti ako sakanya kahit na alam kong di nya naman kita iyon, nagpasalamat rin ako ngunit di parin sya humarap kaya naman pumasok na ako sa loob para kumain.

"Kinausap ko na si Aling Menggay, humingi na ako ng tawad sakanya at nangakong hindi mo na uulitin ang nangyare." Napatigil ako sa pagkain ng sinabi niya yon habang nilalapag ang ulam sa lamesa. Walang sabaw sa ngayon..baka mag-asin na naman si Itay.

"Opo Inay." Napipilitang saad ko. Kahit na inis na inis na ako kay Menggay ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Okay na siguro ang nasabihan ko sya ng isang beses. Kapag pinatulan ko pa ang makitid na utak niya ay mahihirapan lang ako, kaya mas mabuting hayaan nalamang.

Nagpatuloy na ako sa pagkain hanggang sa mauhos ko iyon. Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit, ginawa ang assignment at ng matapos ko lahat ng iyon ay nilabhan ko na ang uniporme ko. Nagiisa lang iyon kaya naman kailangang araw araw ay labhan. Gabi na ng matapos ako sa lahat ng gawain ko kaya nahiga na ako kanina pa tapos si Itay sa pagkain, baka ngayon ay patulog na sila. Lagi silang pagod eh. Nagdasal muna ako bago tuluyang natulog.

Nagising nanaman ako ng maaga para syempre pumasok. Dali-dali akong tumayo para maligo. Ganoon naman ang lagi kong ginagawa, mag-iigib, maliligo, magaayos at aalis. Yon ang routine ko kada umaga. Nang makalabas ako mula sa kwarto ko ay naghanap agad ako ng makakain, sakto naman na kakalabas lang ni Itay para siguro mag-almusal. May saging na niluto si Inay kaya iyon nalang ang plinastik ko upang kainin habang naglalakad. Bumati muna ako kay Itay at nakipag-usap saglit bago umalis dahil baka malate ako. Medyo mahabang lakarin rin ang tatahakin ko eh.

Habang naglalakad ay kumakain ako ng saging na nilaga ni Inay. Hindi ganong hinog iyon kaya naman di nakaka-umay kung kainin. Hindi pa man ako nakakalabas ng kalsada ay nakita ko na si bunot na nakasandal sa puno. Hinihintay nya ba ako jan?

"Hoy" tawag pansin ko. Lumingon sya sakin. Kumaway naman ako at ngumiti. Hindi parin pala sya umuuwi. Nilakad ko pa ang pagitan namin bago sya umayos ng tayo at nagsalita.

"Goodmorning," aniya pagkatapos ay ngumiti. "Maglalakad ka? Hatid na kita" seryosong aniya hindi ko manlang mabahiran ng pagbibiro. Tipid syang ngumiti sakin.

"Hindi na kailangan kaya ko naman, bat ka pala narito? Di parin kayo umuuwi?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Bakit ba ang aga-aga nya lagi.

"Yun na nga eh," aniya sabay nguso. Di parin pala nagbabago to. Parang bata parin. " Uuwi na kami mamaya ganda, as in! Mamayang tanghali agad. Kaya please payagan mo na akong ihatid ka ngayon lang please?" Pangungulit nya habang nakanguso at niyuyogyog ang balikat ko. Bat ba gusto nya kong ihatid, teka? Wag nyang sabihing nanliligaw sya sakin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon