Chapter 6

78 40 68
                                    

A/N: hey, readers! here's a new update! alam kong medyo natagalan pero HAHAHA here it is ^^ medyo nawalan kasi ako ng ganang magtuloy noong mga nakaraang araw, pero eto na ulit ako HAHAHA motivated at its finest. salamat sa mga kapwa author ko na in-encourage ako! and to those reading this story, thank you so much ♡ have a great day! sorry medyo napahaba ang note ko. lol enjoy reading!

Chapter 6
_________

"Hey, Dawn! Tara na!" excited na yaya ni Leilani habang hawak ang mga chichirya niya. Kumaway sa akin sina Amadeus at Mavis. "Wait lang!" tugon ko at hinakot ang mga libro ko upang ilagay sa locker ko.

Wala na ang kalahati sa mga kaklase ko dahil abala na sila sa panonood ng training ng mga volleyball boys and girls. Kahit sina Leilani ay excited na excited nang manood.

Nagulat ako nang nahulog ang mga libro ko sa sahig at kumalat ang ilang mga papel na nakasipit dito. Agad tumakbo papunta sa loob ng room namin si Rei upang tulungan ako. "Bait, ah," loko ko at siniko siya. He didn't respond, but his red-face is enough as an answer. "Lampa mo," poker-face niyang wika at naunang maglakad papunta sa locker ko upang isilid doon ang sangkatutak kong mga libro.

Umakbay lang ako sa kaniya at pinisil siya sa pisngi. "Thanks, Rei-rei," ngisi kong pasasalamat. "You'll have to treat me because of that," asar din niya at siya naman ngayon ang ngumisi. Bumitaw ako sa pagkakaakbay at nagkunwaring walang naririnig. He gently laughed and messed my hair up. "Kidding."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa soccer field, kung saan kita ang mga nagt-training na players. Naupo lang kami sa mga bleachers doon at nanood.

The cold breeze immediately put me at ease. The pinkish sky added to this amazing feeling I have right now. I feel really relaxed and I don't have any idea why.

Patuloy lang ang kain namin, hanggang sa lumabas papuntang soccer field ang mga lalaking volleyball players ng Mystica mula sa loob ng gymnasium at nagsimulang magstretching.

My eyes immediately searched for Sirius. I automatically smiled when I saw him from afar. He looked around him, until he saw me as well. He just stared at me for a couple of seconds before flashing the sweetest smile.

Nagsimula silang tumakbo paikot ng field nang sunod-sunod. Nang papalapit na sa pwesto namin si Sirius, tumititig lang siya sa akin nang hindi nahahalata ng iba. Bawat oras na dumadaan siya sa harap namin, hindi niya nakakaligtaang tumingin sa akin, paminsan-minsan ay ngumingiti rin siya. Kulang na lang ay mapatampal ako sa noo dahil sa ginagawa niya. Mabuti na lang at walang nakakapansin sa kaniya..

Nagulat ako nang tumabi bigla sa akin si Rei at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kaniya habang nagtatakha, pero naisip ko na palagi niya naman 'tong ginagawa, kaya hindi na bago 'tong ginagawa niya. Sa huli ay hinayaan ko lang siyang isandal ang ulo niya sa akin.

Hindi naglaon ay naglabas siya ng dalawang bote ng juice, at ibinigay ang isa sa akin. "Hmm?" He didn't look at me and started drinking his own. Nakatitig lang siya sa gawi nina.. Sirius?

Nakatingin sa amin si Sirius, ngunit hindi na siya nakangiti ngayon. He's looking at us seriously while holding a bottle of water. "That dude is definitely checking you out earlier, Dawn," usal ni Rei habang nakasimangot. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. So, he noticed?

"Who?" tanong ko, nagkukunwaring walang alam sa sinasabi niya. "You don't need to know," he stated and chugged his drink again. Nagsimula muling tumakbo sina Sirius, at nang papalapit na sila, biglang umakbay si Rei sa akin at sinamaan siya ng tingin. Agad kong tinakluban ang mga mata ni Rei dahil sa para bang naghahamon siya ng away.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sun And MoonWhere stories live. Discover now