Chapter 1
_________"Dawn? Tara na!" yaya sa akin nina Leilani mula sa labas ng room ko. Agad kong kinuha ang wallet at phone ko bago magtungo sa kanila. "Anong kakainin ninyo?" tanong ni Amadeus sa amin. I just shrugged and looked at them too. They did the same, pissing Amadeus off.
"Sayang, manlilibre pa naman sana ako.." usal nito at ngumuso. Agad kaming nagsilingunan sa kaniya habang may malalawak na ngiti sa labi. Bahagyang natawa si Amadeus sa inakto namin at napailing.
"I think I want some burger.." pagpaparinig ni Mavis. "I like a sandwich," wika naman ni Rei. "I'm fine with anything," saad ko at tumawa. "Yeah, same here!" dagdag ni Leilani. Mas napailing si Amadeus at nauna na sa aming maglakad.
Nang nakarating na sa cafeteria, labis kaming nanlumo dahil sa sobrang daming tao. Wala na kaming mauupuan tulad ng palaging nangyayari. Bakit pa ba 'ko nag-eexpect na makakaupo kami rito sa loob?
Wala na kaming sinayang na oras at mabilis na bumili ng mga gusto namin. Hindi naman talaga manlilibre si Amadeus, kaya kanya-kanya na ulit kaming bili ng kakainin namin. "I'm up with the drinks. Nakakaawa naman kayo, masyado yata kayong umasa, eh," biglang sabi ni Amadeus at mayabang na pinadaan ang mga daliri niya sa malambot niyang buhok.
Tuwang-tuwa namin siyang niyakap kahit nasa pila, dahilan upang sitahin kami ng mga katabi namin. Damn, why are they so serious? Masama na bang maging masaya? Idadamay pa nila kami sa kalungkutan nila.
"Chill up, ladies. I know I'm hot, but you don't need to show your admiration to me that much," mahanging wika ni Amadeus, kaya agad kaming bumitaw at bumalik sa ayos ng pila. "Fuck you, dude. I'm a guy," Rei hissed and jokingly hit his shoulder. Sinagot lang siya ni Amadeus ng tawa.
__
Matapos ang mahabang pagpila para lang makabili ng pagkain, sa wakas ay makakaupo na kami. Nagtungo lang kami sa rooftop at doon kumain. "That looks good. Give me some," hingi ni Rei sa inumin kong pineapple juice. Walang pasabi siyang uminom dito, dahilan upang mapangiwi ako.
"You have your own, dude," nakasimangot kong usal at niyugyog ang balikat niya. He just chuckled and drank his own after that. "Yeah, but yours tastes better. Ayaw ko pala ng grape juice," natatawa pa rin niyang wika. Maya-maya pa ay lumingon naman siya kina Leilani at Mavis. Humingi rin siya ng pagkain ng mga ito at ininom ang kanilang mga inumin. Napailing na lang si Amadeus habang nakangisi. Natawa na lang ako sa inaakto niya. He's always like this, anyway.
Nauntol ako sa pagtawa nang tumunog ang cellphone ko. Agad akong napalunok nang pumasok muli sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. I thought I'm just dreaming last night..
Nag-aalangan kong kinuha mula sa bulsa ko ang cellphone ko upang tingnan ang notification. Baka kasi si Mama lang naman ang nagtext, o kaya ay kung ano lang. Masyado na 'kong napapraning, ah?
From: 09*********
- sorry if i freaked u out
- do u have a minute? i wanna talkNapasinghap ako dahil sa message niya. It's that guy from last night again, and he's creeping me out more right now. Maybe he's got the wrong number? I don't want to think he's got bad intentions, though.
"Hmm? Got a problem, Dawn?" usisa ni Leilani at lumapit sa akin. Biglang nagtinginan sa akin sina Mavis na kanina lang ay nakikiagaw ng inumin ni Rei. Gayindin si Amadeus.
"Uh, yeah..? I guess.." tugon ko at napakamot ng ulo. Agad silang bumilog sa tabi ko at tiningnan ang aking cellphone. Sabay-sabay na kumunot ang mga noo nila at ilang beses na kumurap. "Who the hell is that?" tanong ni Mavis. I just shrugged and looked away. Hindi ko alam kung rereply-an ko ba siya o hindi.
YOU ARE READING
Sun And Moon
Genç Kurgu[𝗥𝗶𝘃𝗮𝗹𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭] Rivals ⏤ that's the relationship of these two universities. They're enemies, like the light and the darkness. They spite each other, hatred buried inside their minds. This rivalry's passed generation by generation...