Chapter 2

105 67 79
                                    

Chapter 2
_________

Buong gabi akong walang ibang iniisip kundi ang ginawa ni Sirius. Paulit-ulit sa utak ko ang pagpapahiram niya ng hoodie niya sa akin. Ngayon lang ako nakaranas na mabigyan ng hoodie ng isang lalaki, lalo na ng isang taong hindi ko naman talaga masyadong kakilala.

Nakakatamad bumangon dahil alas sais pa lang ng umaga. Pumasok na si Mama sa trabaho, kaya tanging si Ate Divine lang ang kasama ko rito sa bahay. Kahit siya ay tulog na tulog pa rin. Nasanay na talaga 'kong gumising ng maaga, kahit puyat na puyat ako kagabi.

Kahit gusto ko pang humilata buong araw, wala akong ibang magagawa kundi ang bumangon na at kumain. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko.

Nagtungo muna ako sa kusina at nakitang nagsaing pala si Mama ng kanin. Sinimulan ko nang maghanda ng almusal at nagtungo sa balkonahe. Hindi nagtagal ay bumangon na rin si Ate Divine at tumabi sa akin habang kumakain ng pandesal.

"Nakita kita kahapon," panimula niya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sumimsim muna ito ng tinimpla niyang mainit na tsokolate bago magpatuloy. "Kaninong hoodie naman 'yung inuwi mo?" taas-kilay niyang tanong habang may nakakalokong ngisi. Agad akong nabilaukan sa kinakain at inagaw sa kaniya ang inumin niya. Nawala sa isip ko na mainit nga pala 'yun, kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo papunta sa kusina para lang makainom ng tubig.

"Ang sakit sa ilong, Ate!" sigaw ko rito. Tinawanan niya lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Bumalik ako sa balkonahe habang sapo ang ilong. "So? May jowa ka na ba?" loko niya pa sa akin. Marahas akong umiling at ngumuso.

Nakita pala ako ni Ate na umuwing suot-suot ang hoodie ni Sirius. Pero, binigay niya lang naman talaga 'yun sa'kin. Wala namang malisya iyon dahil napansin niya lang na nilalamig talaga ako. Sadyang ma-issue lang si Ate at binibigyan ng meaning ang lahat ng bagay sa buhay ko.

"Wala pa 'kong boyfriend." Tumaas lalo ang kilay nito dahil sa sagot ko. "Bakit? Hindi ka naniniwala?" tanong ko sa kaniya na sinagot niya ng iling. "Let's say.. wala ka ngang jowa. Eh, manliligaw?" Tumawa ito dahil tuwang-tuwa sa pang-aasar sa akin. I just scoffed.

"Kwento ka naman, oh. Matagal na rin mula nang mag-usap tayo tungkol dito. Palagi na lang ako ang tinatanong mo tungkol sa lovelife," pagtatampo niya sa akin. Napailing na lang ako at napabuga ng hangin. I guess I have no choice but to explain, then..

"One of my notebooks went missing," usal ko. Nanatili siyang nakatingin sa akin, dahilan upang magpatuloy ako. Ramdam ko na ang excitement niya na marinig ang mga nangyari. Halatang pinipigilan niya ang pagngiti nang malawak. Tuwang-tuwa talaga siya tuwing magkukwento ako ng mga ganitong bagay.

"..and it just happened that someone got that. Tapos, ayun, nagtext bigla 'yung unknown number sa akin. Sabi niya, magkita raw kami kasi isasauli niya ang notebook ko. Then we just ate after that. Umuulan din kasi noon, kaya binigay niya 'yung hoodie niya sa akin." Hindi siya umimik at napakurap ng ilang beses. May mali ba sa nasabi ko? "N-nilagay ko kasi 'yung contact number ko sa notebook na iyon, kaya nacontact niya 'ko," tuloy ko pa. Ngumiwi ako dahil hindi na rin maipinta ang mukha ni Ate.

"Saan mo nawala 'yun?" tanong niya sa akin. "Sa school," tugon ko. "At hindi mo schoolmate ang nakakuha n'un?" Tumango ako sa kaniya. Ano bang gusto niyang iparating?

"At mga estudyante lang naman ng Mystica ang nakasalamuha ninyo sa loob, hindi ba? That means⏤" Natulala ako nang sabihin iyon ni Ate. Ibig sabihin..

Taga Mystica University si Sirius?

"A-ano naman kung nag-aaral siya sa Mystica? Wala akong pakialam. Tsaka, h-hindi ko naman siya type. Isa pa, hindi rin 'yun nanliligaw sa akin, ano! Ang issue mo talaga, Ate!" Napahalakhak ito dahil sa reaksiyon ko. "I'm kidding. Baka lang naman. Malay mo, outsider pala 'yung lalaking iyon. Baka rin.. bakla? Hindi mo rin pala manliligaw, eh. There's nothing you should be scared of," natatawa pa rin niyang wika at tumayo na. Nagtungo na ito sa kusina, habang naiwan akong nakatulala.

Sun And MoonWhere stories live. Discover now