CHAPTER 14

16 1 0
                                    

Message:

'Malalate ako, mauna ka na sa school'
-Teya

"Hayyy" buntong hininga ko ng mabasa ang text ni Teya. Babaeng to talaga! Hindi na nga ako pinatulog kagabi kakaisip kung anong meron kay Khero tapos di pa magpapakita.

Napayakap nalang ako ng tuhod ko dito sa entrance ng dorm. Wala akong masasakyan, kulang pera ko pakshet naman. Bat kasi ang gastos ko sa pagkain e.

"Oh ayan" napatingala ako ng may naghulog ng barya sa harapan ko. Si Guard lang pala.

"Pwede ba? Hindi ako pulubi..." Pagtataray ko. Umupo ito sa tabi ko.

"E bat ka napapabuntong hininga? Mabaho pa naman hininga mo" turan nito na agad kong tiningnan ng masama.

"Hoy! FYI, mabango ang hininga ko" pagtataray ko. Bago siya tinarayan.

"Amoyin mo kaya" kinunotan ko siya ng noo bago itinapat ang palad ko sa bunganga ko upang amoyin ang hininga ko.

Mabaho nga, nakalimutan ko nga pala magsipilyo kanina. 

"Ahhh basta!" tumayo na agad ako at pinagpagan ang sout kong palda. Yung medyo luma na uniform ang gamit ko kasi hindi ko pa nababawi ang palda ko sa room. Pakshet naman Kasi e.

"Bahala ka nga" bulong nito sa sarili bago tangkang pumasok sa guard house ng pigilan ko ang kamay niya.

"Pautang" nahihiyang bulong ko. Humarap ito sa akin bago pinitik ang noo ko. Napabitaw naman ako sa sakit.

"Aray, wag na nga lang" nahihiya na nga ako. Napaka sadista pa ng guard e mangungutang lang naman ako ng pamasahe e.

"Oh eto na" nginitian ko naman siya ng malapad bago tanggapin ang inabot niyang limang daan. 

"Good, dahil dito hindi muna kita babatukan" tinapik ko ang balikat niya bago umalis. Kahit kulang kulang yon close naman kami HAHAHAHA slight.

Pagpasok ko palang ng gate ay may tatlong estudyante na humarang sakin. Dalawang lalaki at isang babae.

"Ikaw malandi ka, sumunod ka samin" mataray na utos nito. Nginisian ko naman siya.

"Asa kang susundin kita, at di ako malandi dahil it's obvious that you're talking to yourself" lalampasan ko na dapat sila ng may matigas na bagay na dumapo sa likod ko.

"Ahhhh" napaigtad ako sa sakit dahilan para makaladkad nila ako ng walang kalaban laban.

"Bitiwan niyo ko!" galit na sambit ko. Ramdam ko parin ang kirot ng likod ko pero kaya ko na silang patulugin sa suntok.

"Talian niyo nga yan! Napaka ingay!" Usal ng babaeng putok na putok ang dibdib dahil sa sikip ng uniform. 

"Wala kang pakialam! Ayon sa Article 3---ahhh" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng pilipitin ng isa sa mga lalaki ang kamay ko at itinali.

"Pag ako nakawala dito, naka welchair kang papasok sa school gago ka!" Galit na tugon ko bago nagpumiglas.

"Haist! Pwede na siguro dito! Napapagod na ako kakalakad ihhh"maarteng sambit ng babae kanina kaya napangiwi ako. 

Napatingin ako sa paligid ko, Fuck! Medyo tago ang part na ito ng soccer field kaya siguradong walang makakarinig sa akin. Bwisit talaga! Ang aga aga e! Napapalaban ako.

"Pakawalan mo ko dito! Ang pangit pangit mo!" Sigaw ko sa babaeng parang pamilyar ang mukha sakin. San ko nga ba to nakita? Ayyy oo kaklase ko nga pala tong pakarat nato.

"How dare you!" Galit na usal niya bago ako tinadyakan sa tiyan dahilan para mapahiga ako sa damuhan. Tiningnan ko siya ng masama. No! Di pwedeng mabugbug ako dito ng hindi ko siya nasasapak. Pilit naman akong pinatayo ng dalawang lalaking nakahawak sa balikat ko.

"Get off me!" Pagpupumiglas ko pero masyadong masakit ang hampas sakin kaya nawalan ako ng pwersa.

Hinawakan naman ng babae ang nguso ko.

"Masyado ka ng papansin, ang kapal kapal na nga ng mukha mong pangit para landiin si Grint, pati ba naman si Khero nilalandi mo din? Feeling maganda ka girl!" Sa inis ay dinuraan ko siya kaya napabitaw siya sa nguso ko.

"Excuse me, kailan ko nilandi ang kupal nayon!? And for Khero? Kailan ka binigyan ng karapatan para pakialaman siya? Jowa ka niya teh? And pwe! Duwag kasi kayong lahat! Kaya bitawan mo ko dito dahil sasapakin kita!" Galit na sagot ko sa kanya ng biglang may malakas na sampal na dumapo sa mukha ko. Pakshet talaga! 

Makailang ulit niya pa akong sinampal at tinadyakan dahilan para mangmanhid ang katawan ko sa sakit.

"Girls, simulan na!" senyas nito ng may pumasok na apat na babaeng may dala dalang pamalo. 

"ARAYYY!" Palahaw ko sa sakit ng sabay sabay nila akong pinaghahampas. Pilit akong kumakawala dahil sa lakas ng bawat pagpalo nila. 

I just found myself laying at the ground at wala ng lakas. Puro sakit lang ang nararamdaman ko. Ayaw lumabas ng luha dahil ayaw kong ibigay sa kanila ang satisfaction na gusto nila. I can't! I can't!

"Girls! Stop! Boys! It's your turn, gawin niyo na ang gusto niyo sa katawan ng babaeng yan" tatawa tawang sambit nito. Tiningnan ko siya at pilit na umiiling. I can sense how demonic are the laugh of those man. Ngayon ko lang naramdaman ang takot. No!!!!

Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan ng maramdaman ang kamay nila sa binti ko. Please stop! 

Gustong gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses. Parang nawala lahat ng sakit at puro takot nalang ang naramdaman ko. Ayoko na! Suko na ko please! Help!

"TAKE YOUR HANDS OFF HER!!" Parang nabuhayan ako ng marinig ang boses nayon. 

Malabo na ang paningin ko dahil wala akong sout na salamin pero kitang kita ko ang ginawa ni Khero sa mga lalaking ton at si...

"Grint..." bulong ko. Nakabulagta narin ang mga babae sa damuhan.

"Arc? Focc I'm gonna kill them! I'm sorry, I'm really really sorry I won't be able to protect you..." Yakap yakap lang ako ni Khero sa bisig niya at iyak lang ito ng iyak habang bumubulong ng sorry. 

"T-thank you" yan lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Ng magkaroon na ako ng lakas makatayo ang inalalayan ako ni Khero. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin.

"Ayo..." Hindi na tinuloy ni Grint ang sasabihin niya dahil tila umatras ang dila nito.

"ARCCCC!!" malayo pa ay rinig ko na ang sigaw ni Teya. Ngumiti ako ng konti ng makarating siya sa harap ko. She keep on panicking and can't stop hugging me kahit sinabi kong masakit likod ko. Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha niya. 

Tiningnan niya ng masama ang apat na para namang nakakita ng multo sa katauhan ni Teya.

"Pag may nangyaring masama sa kaibigan ko! Hindi ko na alam kong paano kayo patatawarin" puno ng galit ang boses nito.

"Tara na, Khero... Teya" bulong ko sa kanila. At halos lahat kami ay nagulat ng bigla nalang tumakbo si Grint mag isa papalayo.

"L-leya" sinulyapan ko kung kanino nanggaling ang boses at nakita ko kung paano namutla si Tristan at tuloy tuloy ang luha. 

"Paano nangyari to?" nakatulalang tanong din ng isa pa.

Pero sinenyasan na kami ni Teya na umalis at dahil baka maubusan na din ako ng dugo sa dami ng dugong tumagas sa sugat ko.

I don't know what's happening, pero I'm sure something ain't right. Pero pakshet sobrang sakit ng katawan ko.

The Campus Nerd is a BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon