Chapter twenty-three

685 38 11
                                    

UPDATE IS OUT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



A/N:

Ok, kung mapapansin niyo sa chapter 6 sinabi ni Jiro na hindi kilala ng pamilya ni Yanyan si Joseph. Siguro naman masasagot na yung tanong niyo sa chapter na to. At saka doon sa Chapter 2, hindi kilala ni Seph si Payton right? So i guess nasagot na talaga yung tanong niyo. Haha anyways happy reading💞




Third Person's Pov'

Nang mawalan ng malay si Yanyan ay agad nila itong dinala sa loob ng kwarto. Inihiga nila ito sa kama at saka tinawag si Aiva. Si Aiva naman ay tumawag ng staff ng hotel at nagpatawag ng doctor dito.

"What happened? Bakit nawalan ng malay si Ian?" Nag aalalang tanong ni Aiva sa mga lalaking naroon.

"Baka may naalala na siya from his past." Sabi ni Ralph at saka umupo sa may sofa malapit doon.

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Aiva.

"Kasi ate nawalan ng memorya si Yanyan. Baka may naalala siya or what." Sabi ni Ralph.

Maya maya pa ay may kumatok sa hotel room na tinutuluyan nila. Pinagbuksan ito ni Franz. Nang makitang isa ito sa staff ng hotel ay agad na pinapasok ni Franz ang mga ito.

"Hi i'm Doctor Cruz. Can i see the patient?" Pagpapakilala ng doctor na kaharap. Lumapit naman sila sa hinihigaang kama ni Yanyan at saka agad itong tinignan ng Doctor. Nang masigurong maayos na ang lagay ni Yanyan ay agad ding umalis ang Doctor at sinabing babalik na lamang kinabukasan para tignan ulit ang kalagayan nito.

"Sige bro, una na kami. Pahinga ka na din." Paalam ng dalawa at saka lumabas ng kwarto. Nang maiwang mag isa si Joseph ay agad siyang lumapit kay Yanyan at tumabi sa kanya.

"Sana maalala mo na ko." Mahinang bulong ng binata habang nakatitig kay Yanyan. "Sana nakatulong yung mga sinabi ko kanina para kahit papano maalala mo ko." Emosyonal na sabi ni Joseph saka hinaplos sa buhok si Yanyan.

Alam niya sa sarili niya na sinadya niya talagang gawin na i-confess sa mga kaibigan ang nangyari para makaalala si Yanyan. Tutal naman dito sila nagkakilala sa Sorsogon.

Mahinang napabuntong hininga ang binata bago nahiga sa tabi ni Yanyan.

Sana maalala mo na ako kahit papano. Sana.......sana nga.....

Kinabukasan ay napagdesisyunan na naming umuwi. Si Ate Aiv na daw ang bahalang magpaliwanag kay Mr. Kana kung bakit napaaga kami ng uwi. She'll take full responsibility of what happened daw.

"Ingat kayo pag uwi ha? Nag enjoy akong kasama kayo kahit tungkol sa trabaho yung pinunta natin don. " Nakangiting sabi ni Ate Aiv at saka kumaway samin.

Pauwi na kami ngayon. Actually nandito kami sa parking lot ng Building ni Mr. Kana. Nandito kasi yung sasakyan namin.

"Salamat din sa pagsama samin ate. See you again." Nakangiting sabi ni Ralph. Nagpasalamat lang din kami at saka sumakay sa kotse.

"Pag uwi natin  magpahinga ka. Pupunta ako kay Nice. " Bilin ko kay Yanyan. I need to go to Yuenice place. I need to tell him what happened.

"Ok." Sagot niya at saka humilig sa upuan.

"I'll be back before dinner." I told him bago lumiko sa exit ng Pasay. Tumango naman siya at saka pumikit.

After minutes of driving we already arrive in the village where my house is located.

Nang maiparada ko yung sasakyan sa labas ng bahay ay nagpaalam lang ako kay Yanyan at saka umalis. He just said 'take care and drive safe' before i drove off.

Loving You Until You Remember Me(FYH Series)#1Where stories live. Discover now