Chapter fifty nine- SHIT!

658 27 26
                                    

Play: Realize by Colbie Caillat
#TheEndIsNear

Yanyan's POV

Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag kay Reese. Hindi daw maganda ang lagay ng kumpanya. Ang ibang investors ay nag sisi-alisan na. Yung ibang partners ay umayaw na. Yung ibang empleyado nagsi pag resign na. What the hell should i do?

Bakit ganito, kung kailan naman magulo nagkasabay sabay pa. Anak ng tinapa naman talaga.

Nandito kami ngayon sa kabilang side. Yung ICU kasi dito, dalawang side. Yung isa para sa patient, may nakaharang na glass, para kita mo yung nasa loob. Yung kabilang side naman para yun sa mga bisita. Limited lang kasi yung pwede pumasok.

Sila tita at tito naman nag book muna ng hotel para makapagpahinga. Kasama din nila si Bela. Hindi pa kasi pasok yung age niya para makapasok sa hospital, kaya kahit na nalulungkot na hindi mabisita ang kuya niya, nag stay nalang siya don.

Kami lang ang natira dito, si Jiro,Pay, Vien,Franz,Amber, at ako.

Nanahimik ako dito sa gilid, nag iisip kung anong pwedeng gawin para maayos ang problema sa kumpanya.

Hindi ko alam kung anong uunahin ko, si Seph ba o ang kumpaniya? Uuwi ba ko ng pilipinas para ayusin ang gulo, o mananatili ako dito at pabayaan nalang ang kumpanya? Anong gagawin ko??

"Ok ka lang?" Tanong sakin ni Jiro dahilan para mapalingon silang lahat sakin.

"Y-yeah." Pinilit kong ngumiti, pero hindi ko nagawa. Napabuntong hininga naman si Jiro.

"I heard what happened Yanyan." Agad ko siyang nilingon. So alam niya na unti unting nag sisi alisan lahat ng empleyado, investors at partners ng kumpanya ko.

"Why, what happened Yany?" Agad na tanong ng kakambal ko. Napa buntong hininga naman ako.

Alam ko lahat sila inaantay na sumagot ako. Kaya naman kahit ang hirap pinilit ko pa ring sabihin sa kanila.

"My company is not in a good state." Napabuntong hininga ako matapos sabihin yon. Sila naman ay nagulat sa sinabi ko.

"W-what?"

"Many investors are withdrawing their shares, my employees are resigning one by one, and the other partner of my company are backing up their partnership." Huminga ako ng malalim. Fuck! Why is this happening?

Narinig ko na nagulat sila at nag kaniya kaniyang komento.

"What? E kung ganon, bakit hindi ka pa nabalik para ayusin ang lahat?" Tanong ni Vien.

"I can't go back." Mahinang sabi ko. "I can't go back and arrange that shits. Mas gusto ko na kapag nagising si Seph nandito lang ako." Napabuntong hininga naman si Jiro.

Mahabang katahimikan ang namutawi. Alam ko na naiintindihan nila ko. Nagpapasalamat ako dahil nandito sila, para damayan ako.

"I will flew back." Napalingon ako sa kaniya sa sinabi niya.

"W-what?" Gulat na tanong ko.

"Ako na ang bahalang umayos sa kompanya mo. Just make my brother happy, please don't ever leave him again." Agad akong tumango. This time i promise not to leave his side, no matter what the consequences are.

"I promise." Tumatangong sabi ko.

"Just don't make him experience any pain again ok? Please yanyan, i'm begging you."
I don't know but suddenly, i become effusive. Just like that.

I know, all of them loves Joseph so much. Who wouldn't? He is so kind and all.

"I promise, i won't let him experience pain again." Hindi ko napigilang mapaluha.

Loving You Until You Remember Me(FYH Series)#1Where stories live. Discover now