(Lance Fortaleza on multimedia)
Agaw pansin ko na naman yung sulat na naiba dito sa locker ko. I wonder, kung di ba bulag ang nalagay nito hindi niya man lang naisip na maaring makita ng iba yung sulat niyang nakakapangilabot. Tsk. Napailing nalang ako saka ito kinuha at tinago. Araw araw akong may matanggap na mga letter galing sa mga haters ko. Iba ibang mga sulat na waring wala na sa akin. Kung gawin kaya nilang sabihin sa akin ng harap harapan matuwa pa ako. Tsk.
Nagpatuloy ako sa paglakad papuntang cafeteria. Marami na ding mga estudyante ang nandito.
"AIVY?!! WALANGYA KA TALAGANG BABAE KA??!!"
Napakunot noo akong tumingin sa pinsan kong isinigaw ang maganda kong pangalan. Problema ng babaeng to.
"IKAW! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO BRUHA KA! ANG LANDI LANDI MO. PWE! DI KA BA NAHIYA? BOYFRIEND KO YUNG TAO PERO PINATULAN MO ANG LANDI MO ANO? MAKATI NA BA? HUH? MAKATI NA AT SA BOYFRIEND KO BALAK MONG IPAKAMOT?? HUH?? ANO? SAGOT?? DI KA NA BA MAKASAGOT? MALANDI KA??"
Di ko alam pero natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya kahit ang totoo wala akong alam. Bakit kaya hindi yung boyfriend niya ang sugurin. Ako ang nahiya sa pinagagawa niya. Haiishh!
"Chill! Wala pa namang nangyari diba? Saka kana mag eskandalo kapag naisend ko na ang video sayo. Okay?" Nakangisi kong sabi na ikatalim ng titig niya sa akin.
"BITCH!! HOW DARE YO----------------"
"Heto peso bili ka ng kausap mo." Walang kwenta kong sabi saka nag walk out. Many of them look at me angrily but i just stared at them blanky and rolled my eyes. Kainis, sayang din yung pisong binigay ko.
"L-lagot kayo sa kuya ko kapag nalaman niyang niaaway niyo ako"
Napakakunot noo akong tumingin sa tatlong bubwet na nandito sa loob ng campus. Sa tingin ko parang may pinalibutan silang bata at yun siguro ang sumigaw.
"Ha-ha-ha-ha, nagpapatawa kaba bata! Eh yung kuya mo mukhang lampa naman yun eh. Hindi nga ata yun marunong pumatay ng lamok. Hahahaha"
"I-isusumbong ko kayo sa mommy ko?!"
"Ah ganun ha?"
"A-aray! Tama na huhuhu kinuha niyo na nga ang baon ko kanina tapos
k-kukunin niyo pa itong r-regalo ni kuya sa aking r-relo" mangiyak ngiyak na sabi nung bata na nasa gitna."Aba! Maru---------------
" What's goin'on here?" Strikto kong sabi. Napatingin naman sila sa gawi ko atsaka ako sinamaan ng tingin. Aba! Mga batang to di man lang marunong gumalang. Idol ata ako nila eh.
"Sino ka ba? Hindi porket matanda ka sa amin ay hindi ka na namin makayanang labanan."
Ang sarap kumain ng bata promise.
Hindi pa ako retired pero parang may aagaw na sa trono ko."Ako si Narda ang hari ng Sablay. Kaya kung ako sa inyu pakawalan niyo na yang kasama niyo kung ayaw niyong isasako ko kayo" seryuso kong sabi.
"Pftttttttt. Hahahaha ate alam mo ba ang pinagsasabi mo? Dinaig ka pa naming grade 2 palang eh.pfffttttt."
Sinamaan ko naman tingin ang tatlong bubwet. Makapang insulto akala mo ang galing na tsk.
"Kita niyo to? Cellphone. Isang pindot ko lang maari kayong makulong at worst pagbawalan na kayong makapag aral sa paaralang pinasukan niyo. Ano? Gusto niyo---------"
Di pa man ako tapos magsalita ay kumaripas na sila ng takbo. Madala naman pala sa usap lang eh.
"A-ate ang galing niyo po."
Tuwang tuwang sabi ng bata. Ano naman kayang ikinagaling ko dun."Hoy bata! Sa susunod na bullyhin ka nila isumbong mo agad sa teacher niyo o di kaya sa magulang mo. Huwag mo lang subukang gumanti kasi lalampa lampa ka din baka isang sipa lang nila sayo di ka na makatayo."
Napanguso naman siya sa sinabi ko. Ang poging bata naman to. Sayang ang lahi kung gagalusan and mukha nito.
"Isusumbong ko sila sa kuya ko. Ay Hindi na pala meron na pala akong Supergirl at ikaw yun ate Supergirl ^_^" nakangiti niyang sabi na ikinalabas ng dalawa niyang biloy sa pisnge. He looks familiar.
"Ms. Claveria kindly answer this question?"
Seryusong sabi ni Ms. Aivy Casuyac, ang P.E namin. Porket kapangalan niya ako, ako ang lagi niyang tinatawag. Halatang favoritism. Tsk. Tumayo naman ako at sinagutan ito. Napataas kilay naman akong tumingin Kay Ms. na nakangangang nakatingin sa akin. Akala niya siguro salad ako.
"As expected. You already know the answer" iling iling niyang sabi.
Proud naman akong bumalik sa upuan ko at hindi inalintana ang mga matang nakatitig sa akin."You know what? Your smart bakit di mo na lang kaya seryusohin ang pag-aaral mo"
"Di ko din alam Mr. Fortaleza na may pagkapakialamero ka" mataray kong sabi. And yeah he's my seatmate. Kaya mas lalong dumami ang haters ko dahil sa nakatabi ko siya at minsan naman ay kinakausap ako. Swerte ko nga ba naman kasi. -_--SILENTBITCH-
YOU ARE READING
CHASING MR. CHILDISH
Teen FictionAivy is her name. Troubles is her game, love by no one hate by everyone. Lance is his name. Fame is his game. Love by everyone hate by no one. What if fate meet them. Can someone love her or there will be someone who hate him.