02

9 1 0
                                    

ೃ⁀➷  Azaleah.

Lumabas na ako ng CR at dumiretso sa classroom. Kukunin ko muna yung gift, baka kay makakita pa. Saktong sakto pagkadating ko sa room, walang tao.

Binuksan ko ang aparador ay nakita don ang isang puting box. Siguro ipininta niya ito ng puti, kasi nakikita ko pa yung mga shade ng brown sa box. Shoe box lang ata 'to.

Nang binuksan ko, may chocolates doon. Dalawang snickers, tapos tatlong kitkat. May milk carton pa. Napangiti ako, ang effort.

Kinuha ko na 'yon agad agad at inilagay sa locker ko. Pumunta na ako sa gym para mag community service. Pagkadating ko doon, nakita ko si Wooyoung, San at Yuna sa may bleachers.

Parang hinihintay ata ako ng mga 'to. Umirap nalang ako at nagsimula nang mag mop kasama ang iba.

"Go Azi!" Sumigaw si Yuna, "Kaya mo 'yan, mop lang 'yan!"

Narinig kong tumawa si Wooyoung at San at pinakyu ko sila pero di ko pinahalata. Baka makita pa ni Dean. Papagalitan nanaman ako, baka bigyan pa ako ng isa pang araw ng community service.

Pagkatapos nun, umalis na ako. Umuna na sila Yuna kasi kailangan pa nilang magpalit ng PE Uniform, PE kasi next class. Nagpalit na rin ako at pumunta na sa kabilang gym.

May dalawang gym kami, yung isa para sa mga PE classes, yung isa ginagamit kapag may basketball tournaments.

Tumabi na ako kay Yuna at nagsimula nang mag jumping jacks. Gumawa lang kami ng mga exercise at sumasayaw sayaw.

Pagkatapos, linapitan namin ni Yuna sina Wooyoung na umiinom ng tubig sa may gilid. "Buset, ang init!" Reklamo ko.

"Sorry ha, hot ko kasi." Joke ni San pero hindi na namin siya pinansin.

"Hoy, nga pala babaita. Bat late ka kanina sa community service, ha? Buti nalang hindi ka binigyan ni Sir Kang nang isa pang araw," tanong ni Wooyoung.

"Eh kasi, may natanggap akong letter at tsaka regalo," kuwento ko, "may secret admirer ako!"

Tumawa lang yung dalawang lalaki habang si Yuna ay nabigla, "talaga?! Sino?!"

"Kaya nga secret admirer, diba? Secret admirer pa ba tawag nun kung magpapakilala siya?" Wooyoung rolled his eyes at inihagis ang kanyang tuwalya kay Yuna.

"Pero oo nga, sino kaya 'yun, no? Duwag niya naman." Sambit ni San at umiling.

"Ewan, J lang nakalagay," sabi ko at tumawa naman si Woo, "J? Andaming J sa mundo? Baka si Jollibee pala admirer mo, Azi."

"Bobo ka ba?" I hit him with my towel and rolled my eyes. Tinawanan niya lang ako at pumunta na kami sa classroom.

Pagkatapos ng klase, dumiretso na ako pauwi kasi kay family dinner kami nila mama, with a friend. Ayoko pumunta pero kailangan daw.

My family owned a franchise of a clothing brand. Di naman kami sa mayaman, may pera lang. Ayoko naman magmayabang. At tsaka wala rin kaming mga yaya or driver, kasi sabi ni papa, di na daw kailangan 'yun.

Which I think is right. Kaya naman ni papa mag drive at kaya rin namin gawin ang sarili naming gawaing bahay. Para rin ma experience namin ang daily life. We are a simple family.

"Azi anak, halika na! Malalate na tayo!" Sigaw ni mama galing sa sala kaya nataranta ako.

I was wearing a baby pink off-shoulder fitted dress paired with white sandals. I also wore a white sling bag na may gems, at earrings din.

Pagkadating ko sa baba, nandoon na sila mama sa sasakyanan. Mom was wearing a beige jumpsuit and dad wore a white dress shirt paired with slacks.

Pagkadating namin sa restaurant, wala pa ang kaibigan nila so we decided to order first. Treat naman namin so our guests wouldn't mind.

After a couple of minutes, dumating na ang friend nila mom. The guy looked familiar and I think I saw him somewhere already. He was with his wife, terno pa ang suot nila. Naka royal blue. Naks.

"Uy, buti nakarating na kayo. Asan 'yung anak nyo?" Bumeso si mama sa asawa ng lalaki.

"Paparating na, may kinuha lang sa sasakyan," sagot ng babae at tumingin sa'kin, "You must be Azaleah?"

I stood up and shook her hand, "Yes po, nice to meet you."

"Nice to meet you rin, hija. Ang ganda mo pala in real life. I'm Corinne Jung, pero you can call me tita." She was smiling the whole time so I smiled nalang din, para hindi ako mukhang rude.

"Actually, Azi. They are your ninong and ninang. Pero i don't think you remember them na. This is Alfred." Dad put his arms around the guy. He just smiled at me.

Umupo na kami at dumating na ang kanilang anak. Nabigla ako ng makita ko si Yunho, ang classmate ko. Thats why they looked familiar. I think I saw them in the PTA Meeting.


"Uy, Azi!" Yunho smiled at me. He sat beside me because that was the only seat available. Ngumiti lang ako, "Yunho."

"Magkakilala kayo?" Mom asked as we both nodded, "Oh, right! Classmates pala kayo. I'm sorry, I'm super forgetful."

"Mabuti naman pala at magkakilala kayo. Sana naman you're both on good terms, diba?" His dad asked as we just nodded again kasi dumating na yung food.

Yunho was my crush last year. Kaso nga lang, madali ko siyang na uncrush kasi ayoko sa attitude niya. We weren't that close.

The dinner ended well and both our families went home. Pumunta nalang ako sa room ko at ginawa ang night routine ko, skincare and such. Agad agad rin akong natulog para di na ako ma-late bukas.

Nagising ako ng maaga, at pumunta na sa school. Ngayon, nahirapan akong sumakay ng jeep kasi lumalabas na rin yung mga estudyante sa village namin. Kahapon kasi, late na ako kaya wala nang masyadong naghihintay ng masasakyan sa village. Palagi kasi silang maaga, sana ol.

Pagkarating ko, pumunta na ako sa locker. Pagkabukas, nakita ko nanaman ang letter doon at dinala 'yun sa room para basahin.

Dearest Azi,

I want to tell you how I feel

But the voices inside makes me hush

So I keep it down inside my heart

Hoping that nothing falls apart

Where ever you go, my heart will follow

But sadly, ever, only I will know

I hope my heart will never be broken

All because of my love unspoken

- J.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

la carta amorosa | wooyoung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon