01

18 2 0
                                    

ೃ⁀➷  Azaleah.

"Azaleah Jung! Anong oras na?! Wala ka bang plano pumasok?!" Nagising ako sa sermon ni mama. Nakakainis, ang sarap pa naman ng tulog ko!

Napaginipan ko pa na ka-kiss ko na si Hyunjin, ang favorite kong kpop idol. Naputol niya tuloy ang panaginip ko, kahit kailan, mama!

"Tumayo ka na dyan, patay ka sa sir mo!" Sabi niya nanaman at inihagis ang unan sa akin.

Napatayo na ako, "Anong oras na ba kasi?!"

"6:50 na, maligo ka na at kumain ka nalang ng breakfast on the way." Sabi niya at lumabas na.

Tiningnan ko ang relo. Tangina ni mama, di man lang ako ginising!

Pucha, 6:50 na nga! 7am first class ko!

Agad agad akong pumunta sa cr at naligo ng madali. 5 minutes lang, rush hour! Taranta na akong bumaba ng hagdan at kinuha ang sandwich na pinabaon ni mama sa akin.

Tumakbo ako kaagad palabas at sumakay ng jeep, mabuti nalang at hindi puno ang nasakyan ko. Ang layo pa naman ng school namin, two rides!

Nang makarating ako dun, 7:30 na. Nagbuntong hininga ako at pumasok ng gate, kitang kita ko na ang dean, si Sir Kang.

Agad akong tumayo sa tabi ng isang schoolmate ko, di ko kilala. Siguro na late siya kasi wala siyang ID. Kawawa naman.

"Oh, may new face tayo dito, ah," sabi ng dean nang makita niya ako, "anong class ka?"

"Sapphire po," tumingin nalang ako sa sahig habang kinuha niya ang ID ko. Ganun talaga sa school namin. Kapag late ka, kukuhanin ID mo at gagawa ka ng community service kagaya ng pagm-mop ng gym.

Shucks, mawawalan ako ng break time.

Natapos na kaming sermonon at naglakad na ako papunta sa classroom ko na napakalayo. Pagkadating ko, lumabas na ang aming first teacher.

Tiningnan niya ako ng maayos, "Miss Jung? What happened? Why are you late?"

"Sorry ma'am, di ako nagising ng maaga," tumingin nalang ako sa loob ng silid, nakita ko ang best friend ko na si Wooyoung at si Yuna, tinatawanan ako. Mga gago talaga.

Nabigla ako nang ngumiti siya, "okay lang 'yan. At least di ka katulad ko dati, halos araw araw akong late kasi ang layo ng bahay namin tapos kailangan ko pang ihatid ang bunso kong kapatid sa paaralan niya. Once in a while experience lang 'yon. At tsaka, di naman masaya high school life mo kung di mo ma experience ang bitterness diba?"

Tumango nalang ako at ngumiti, "Sige po, ma'am. Mauna na po ako."

Tumango nalang din siya at umalis. Nang pumasok ako, binati ako ng mga kaklase ko, ang iba tumatawa pa.

Dumiretso nalang ako sa upuan ko sa likod ni Wooyoung at Yuna. Good mood ako ngayon, di pwede masira dahil lang late ako. May family dinner pa naman kami nila mama mamaya.

"Uy, first timer oh," tawang sabi ni Wooyoung at tiningnan ako, "Anong feeling? Saya ba?"

"Tangina mo," pinalo ko siya gamit ng libro at nagpanggap naman siyang nasaktan, "Aray!"

"Kawawa ka, nakuha break time mo. Pero ayos lang 'yan," Ngumiti si Yuna sakin, "Para may experience tayong tatlo. Ikaw nalang kaya hindi na-late sa tropa natin."

I rolled my eyes at them at hindi na nagsalita pa dahil pumasok na ang aming second teacher. Nag activity lang kami by seatmate, at ang seatmate ko ay si San, ang kambal ni Yuna.

"Nako Choi, ikaw bahala sa'kin ha. Bobo pa naman ako!" Tumawa lang ako sa kanya at ngumiti lang siya. "Anong akala mo sa'kin? Matalino?"

"Sabi ko nga bobo tayong dalawa." Umiling ako at nagsimula nang gawin ang aktibidad.

Pagkatapos ng iba pang klase ko, break time na. Pumunta na ako sa locker ko para kumuha ng extra t-shirt for community service. Di ko naman gusto madumihan ang uniform ko diba? Puti pa naman, ang hirap kaya labhan.

Pagbukas ko ng locker ko, may nahulog na envelope sa sahig. Tiningnan ko 'yon ng ilang segundo at pinulot sa sahig.

It was a pastel pink scented envelope. Of course, inamoy ko muna. I loved scented envelopes.

Nakasulat don,

For you, amoré.

Luh, infairness. Kinilig ako. Sino ba 'to?

Bago ko buksan, tiningnan ko muna ang paligid ko. Madaming tao sa hallway at mukha naman silang mga walang pake sa akin. Kumakain lang sila at yung iba nagchichikahan.

Pero syempre, gusto ko ako lang ang makabasa. Baka mamaya bigla bigla nalang susulpot sina Yuna sa tabi ko babasahin.

Kinuha ko na ang extra t-shirt ko sa locker ko at pumunta sa CR para magbihis. Pinalitan ko ang aking uniform ng isang grey na t-shirt.

Tiningnan ko ulit ang envelope bago ko binuksan. Pagkabukas ko, simpleng bondpaper lang na nakatiklop ang nandon.

Grabe, printed pa ha. Para talaga di ko malaman kung sino nagbigay? Ampocha.

Hi, Azi.

I'm sure nabigla ka kasi may nagbibigay sa'yo ng letter. Gusto ko lang kasi sana na mapansin mo ako. Corny, di ba? Haha.

Anyways, nagpadala ako ng letter muna kasi ayoko magpakilala sa'yo. Nahihiya kasi ako, baka di mo ako magustuhan.

I've been admiring you ever since grade 9 tayo. Yes, 3 years na. Since grade 12 na tayo, diba? Haha. And yes, same grade lang tayo.

I just wanna show how much I like you by giving you letters and gifts everyday. Pwede naman 'yun, diba? But you can always tell me if you don't want to receive such things. Padalhan mo nalang ako ng sulat at ilagay mo nalang sa labas ng locker mo.

But today, I have something to give you. Check mo sa classroom mo, may cabinet kayo dun na hindi na ninyo ginagamit diba? There will be a box there. Doon ko ilalagay ang daily gifts ko sa'yo everyday.

Pero please, tell me if I'm a bother because I will stop if you want to. I don't want to bother you.

Sincerely,

J.



-------------------------------------

Will be ending the first chapter with the first letter! Sino kaya secret admirer niya?

la carta amorosa | wooyoung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon