narration.
━
⠀⠀"hindi ba talaga sasama si yuri noona
hwan? tinanong mo ba talaga? o baka
naman hindi mo pinilit?"
⠀⠀binato naman ni junghwan ng isang packet ng gummy bears si haruto. nasapol naman siya nito diretso sa mukha na siyang nagpa- tawa kay jeongwoo na nanunood sa dalawa habang nagbabangayan ang mga ito.
⠀⠀"ang kulit haruto hyung sabing ayaw niya nga daw." medyo inis nitong sagot sa matangkad at gwapong japanese.
⠀⠀paano ba naman kasi, simula nung
umalis silang tatlo papuntang grocery, hindi na nagtapos yung pagtatanong ni haruto sa kaniya kung makaka-sama daw ba yung si yuri noona niya. eh kahit ilang beses na niyang sinagot na hindi nga, makulit pa rin talaga si haruto at palagi pa rin siya nitong tinatanong.
⠀⠀napakamot naman ng ulo si haruto at saka mas piniling tumahimik na lamang kaysa sa magtanong pa ulit.
⠀⠀habang nasa aisle sila ng mga chips, napahinto naman si junghwan sa page-examine ng mga ito nang makita ang isang pamilyar na mukha hindi nalalayo sa kinatayayuan nila. agad naman niya itong tinawag at nilapitan na naka agaw ng atensiyon nila haruto at jeongwoo.
⠀⠀"JUNHO HYUNG!?"
⠀⠀napatingin ang lalaking tinawag ni junghwan sa kanila at binigyan sila nito ng ngiti.
⠀⠀"junghwan-ah!"
⠀⠀lumapit na lamang din sila jeongwoo at haruto sa dalawang lalaki.
⠀⠀"kamusta ka na junho hyung? ang tagal na din nung huli kitang nakita!" sabi ni junghwan.
⠀⠀napakamot naman ng ulo yung si junho habang inilagay nito yung isang pack ng kitkat minis sa cart niya.
⠀⠀"kaya nga eh. kamusta ka na? kamusta na si yuri?"
⠀⠀nang marinig ito ni haruto, biglang nagsalubong ang kilay niya.
kilala ba nitong junho nato yung bb ko?
⠀⠀pero bago pa man siya makapagsalita, naunahan na siya ni junghwan.
⠀⠀"okay naman kami hyung. actually, kaka-uwi lang ni noona galing new york noong nakaraang linggo," tiningnan naman ng nakakabata ang dalawang 04 liners sa likod niya saka sila ipinakilala kay junho.
⠀⠀"nga pala hyung, mga kaibigan ko. junho hyung, meet jeongwoo and haruto," nagbow yung si junho sa kanila na sinuklian nila syempre.
⠀⠀ mas matanda ata sa kanila yung junho eh
kaya sign na din yun ng pag-galang.
⠀⠀"uh, ako nga pala si cha junho. childhood friends nila junghwan at yuri." mula sa likod
nung junho, may sumulpot pang dalawang
matatangkad na lalaki.
⠀⠀"childhood sweetheart kamo ni yuri!"
⠀⠀"eunsang hyung! minhee hyung!" nakipag high five naman yung dalawang bagong gwapong mga lalaki kay junghwan saka ipinakilala ulit silang dalawa.
BINABASA MO ANG
NOONA。
Fiksi Penggemar❝ ang landi mo talagang bata ka. ❞ ❝ sayo lang naman noona. ❞ © CHAJUNH0 2020 [ haruto watanabe taglish epistolary ]
