Marlon's POV
Nakahanda na ako sa pagpasok sa OJT para sa unang araw namin. At naisipan ko na rin na dumaan sa bahay ni Chelsy ng sabay na kami.
"Kuya nandyan pa po ba si Chelsy??" tanong ko kay Manong Guard.
Katulad ko mag isa lang din sya, ang pinag kaiba lang sya may maid ako wala :D. Pansin naman ang pagiging may kaya nya base sa bahay nya na napakaganda. Umabot ito ng tatlong palapag at may malaking din na garden. Hindi tulad ko na parang nasa apartment lang.
(Naiinggit?? Aarte ka pa ba??)
"Ms. Author naman!! Haha, mahal ko ang bahay ko ano. Joke lang yun"
(Tsss!!)
"Nandito pa po, pasok po kayo" pag aya ni Manong Guard.
"Ah eh hindi na po, papalabas na po ba sya??" dagli kong tanong dahil mukhang di pa ata lalabas ang baklang babae na yun.
"Papalabas na siguro"
"Intayin ko na lang po ang babaeng maha. . ."
"Maha ano Mars??!" biglang sulpot ng babaeng nais kong tukuyin na maharot.
"Wala yun Mars, lets go na"
"Wala daw, Kuya Kevin ano po yun??" tanong nya kay manong guard.
"Wala naman po Miss!" sagot ni Manong na kinindatan ko lang. Haha
"Mars talaga, lets go na nga!"
Hindi na sya sumagot pa at sabay na kaming naglakad papuntang Fire Station.
"Ikaw ha! Pati ba naman si Kuya Kevin?" ang panimulang tanong ni Chelsy habang tinatahak namin ang daan patungo sa opisina na aming pag OOJ tihan.
"Ano namang mayroon sa Manong Guard ninyo?" balik ko din naman na tanong sa kanya na parang naguguluhan ang reaksyon kahit na alam ko na rin naman ang tinutukoy niya.
"Manong Guard. Excuse me! Si Kuya Kevin po ay just only 25 years old!" litanya na may pakumpas kumpas pa.
"And so??" mataray kong tugon dahil parang nirereto pa nya ang kanilang guwapong gwardya.
"Haha. Wala! Pero naalaala ko na naman Mars yung kanina. Yung may sinasabi ka dapat tungkol sa akin pero hindi mo na natapos" napalaki naman ang mata ko dahil di pa pala nya nakakalimutan yun eh gagawin pa naman nya ang lahat malaman lang ang isang bagay na gusto nyang malaman.
"Di ka pa maka move on dyan Mars??" dedma kong sagot.
"Talagang hindi. At ito na ang oras para sabihin mo ang dapat mong sabihin!!" may bahid na inis na ang tono ng kanyang pagsasalita.
"Uhmmm. Di ko na maalala eh" maang maangan ko na naman na sagot.
"MARLON CERILLA!!" hayyyyy at napakamot na lang ako sa ulo ko. Dahil sa tuwing magiging ganyan anh kanyang pagsasalita, na sya ay nasa maawtoridad na tono. Nako katakot takot na batok ang matatanggap ko.
"Promise di ka magagalit sa akin ha!" ang medyo takot ko na pananalita ang ginamit ko sa kanya dahil ayaw ko ng makatanggap ng batok nya. Masakit ihhh xDD
"Depende sa sasabihin mo!" at tinitigan nya ako ng tingin pero agad ako na umiwas.
"Mars naman eh!!" napapadyak pa ako sa semento pero tuloy pa rin kami sa paglakad.
"Sasabihin mo. Oh gusto mo nito!!" at itiniaas niya ang kamay nya na naka close fist.
"Kasi... maha.. maha... ma.. mmmmm" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil parang napre predict ko na ang mangyayari.
"ANO!!?" sigaw nya na parang nabasag na ata eardrum ko.
"Maharot ka!!" at singbilis ng kidlat ang ginawa kong pagtakbo pagkatapos kong sabihin na sya ay maharot :DD Sapagkat pag nakalapit ang baliw at kulang kulang ko na kaibigan na yun ay talaga namang lagot na.
Binilisan ko pa ang pagtakbo sapagkat natatanaw ko na ang pulang truck at ang logo ng Bombero. Ibig sabihin lang nito ay malapit na ako.
Sa aking pagmamadali ay hindi ko napansin ang lalaking palabas ng pinto at dahil sa mabilis kong pagtakbo ay hindi ko napigil ang sarili ko na tumigil agad na naging dahilan para. . .
"SHIT!!"
-@-@-@
Hohoho!! Hooray for my Chapter 2 :DD
Next update ay magsisimula na ang .. World War 3 sa pagitan ng ating Main Characters xD
Guys naman oh!! Please Vote and Comment for my Story para mapaganda ko pa po sya lalo.
Haha. Demanding po talaga ako :DD
What can you say about the Cover of my Story :)).. Kindly Comment if you want to say anything about it :))
Byieee for now<33

BINABASA MO ANG
Sir Siryosow (BoyxBoy)
RomanceMarami na syang naging crush pero hindi nya akalain na mahuhulog pala sya sa isang lalaki na kung maidedescribe ay parang si Superman pag walang costume. Magiging sila kaya ng pinapangarap nyang Nerdy Superman??