Prologue:
May isang babaeng nasa gitna ng daan. Naghahanap siya ng mapupuntahan hanggang sa may nahingan siya ng tulong. Nakasakay siya sa isang truck.
"Ahh!", may narinig na sigaw sa loob ng truck. Lumabas ang babaeng humihinge ng tulong, duguan ang hitsura niya. Naglakad-lakad siya pagkatapos niyang bumaba sa truck. Nadaanan niya ang Saint Sphinx National High School.
TITLE: SHOOTING
"Ok. Cut. Kristine. Ayusin mo yung pagsasabi ng line pag natatakot ka na.", sabi ng director ng kanilang ginagawang film para sa school. Ang film ay ipapalabas sa November 1 at ang mga gumaganap ay magagaling na artista ng Saint Sphinx National High School.
"Sorry, direk.", sagot naman ni Kristine. After a while, break time na nila. Pinuntahan na ni Kristine ang boyfriend niya na nanonood sa shooting nila, si Jayson.
"Ang hirap ng ginagawa naming pelikula", sabi ni Kristine kay Jayson habang kumakain sa canteen.
"Para saan ba kasi yan?"
"Sikat kasi ang school natin at para mapanatili ang kasikatan, gagawa kami ng pelikula na ipapalabas sa November 1."
"Ganun ba? Tungkol saan ba yung kwento?" , tanong naman ni Jayson sa kanya na halatang naguguluhan sa takbo ng kwento.
"Sa isang lugar, may napadpad kunwari na magkakaibigan, di nila alam, may mga zombie dun sa lugar na yun. Parang inuubos sila, ganun.", paliwanag naman ni Kristine.
"Ang hirap ng ginagawa niyo. Sino namang gumaganap na mga zombie?"
"Di ko kilala eh. Taga-ibang section." , natigil ang kanilang usapan ng tapos na ang break time. Kailangan na nilang ituloy ang shooting nila.
"Bye.", Jayson told him. Nasa shooting place na si Kristine.
"Yung make-up committee dyan, paki dagdagan ang make-up nito para mas mag-mukhang zombie", utos ni Director Molina. Habang inaayos pa ang lahat, nakausap ni Kristine ang nanay niya.
"Hello, Ma."
"Napatawag ka.", sabi naman ng kanyang ina.
"Gagabihin ako ng uwi. May shooting pa kami dito sa school eh."
"Baka naman mapuyat ka na nyan."
"Ano na ngayon eh? October 30 na. Sa November 1 na ipapalabas 'to."
"Sige. Mag-ingat ka pauwi ah.", the call ended. Simula na naman ng shooting nila. Makikita ang galing sa pag-arte ng mga estudyante. Magagaling din ang mga staff kabilang ang sound committee, stage manager at iba pa.
"Ok. Mamayang gabi natin itutuloy. Dismissal time, pumunta kayo agad dito sa shooting place natin, maliwanag?", utos sa kanila ni Director Molina.
YOU ARE READING
Frightened Three
HorrorTETSUYA_KUROKO21 FALSEHOOD: Si Kristine ay isang magaling na artista ng isang school, that is the Saint Sphinx National High School. Isang trahedya ang nangyari nang sila ay nagshu-shooting. Isang dalagang, mahilig mag-selfie at kuhanan ng litrato a...