Second Story

301 9 1
                                    

Naglalakad si Violet sa daan. Gabi na nun. May pinamili lang siyang school supplies na gagamitin niya para sa project niya sa school.

"Dami mo namang pinamili.", sabi ng kaibigan niya na si Shauna na tinutukoy ang dalawang plastic ng school supplies.

"Wala akong maipapasa kapag di ko biniili 'to.", sagot ni Violet. Habang nasa daan, may nabangga ang mga paa ni Violet. Tumimgin siya sa semento.

"Camera?", pinulot ni Violet ang camera.

"Camera! Akin na lang yan!", sigaw ni Shauna.

"Ako nakabangga at ako nakapulot kaya dapat akin!", sagot naman ni Violet.

"Ano ba yan?! Ikaw na lang lagi!", sigaw ni Shauna.

"Anong lagi? Sa cellphone lang ang camera ko.", sagot ni Violet.

"Sige na nga. Sa'yo na nga lang. Besides, I already have my own.", Shauna replied.

TITLE: CAMERA

 

Nakauwi na si Violet sa bahay nila. Agad naman siyang sinalubong ng nanay niya.

"Musta? Nabili mo ba ang mga kelangan mo?", tanong ng nanay niya.

"Opo, ma. Nabili ko lahat. Bukas ko na lang gagawin yan. Pagod na ko."

"Siyempre! Alangan gagawin mo pa yan, gabi na."

"Sige, ma. Punta na ko sa kuwarto ko.", Violet headed to her room. Sinubukan niyang i-on ang camerang napulot niya. Luckily, it's still working. Tiningnan niya ang mga photos na naka-save dito. May nakita siyang babaeng maganda, nakangiti. Di niya muna kinuhanan ng litrato ang sarili niya dahil pagod na siya.

--- Kinabukasan ---

Nagising ng maaga si Violet. Kinuha niya ang camera sa drawer niya. Sinubukan niyang kuhanan ang sarili niya. Gumana talaga. Mahilig mag-selfie si Violet.

"Violet! Tumayo ka na dyan! Pupunta pa tayo sa ospital! Bibisitahin natin tito mo!", sigaw ng nanay ni Violet.

"Andyan na po!", siga ni Violet. Kumuha na siya ng damit sa cabinet at pumunta ng cr para maligo. Pagkatapos maligo, she fixed herself and they went to the hospital.

"Tito, musta na po kayo?", tanong ni Violet sa tito niya na nasa kama.

"Ok na naman ako, Violet. Kayo?"

"Ok lang po.", naaksidente si Khyle, tito ni Violet.

"Naka-move on ka na po?", tanong na naman ni Violet.

"Sunud-sunod naman ang tanong mo, Violet.", sabi ng nanay niya.

"Hayaan mo siya, Marissa.", sabi naman ni Khyle sa nanay ni Violet.

Frightened ThreeWhere stories live. Discover now