kabanata1:Ang anunsyo ng reyna ng Arenelo

2 1 1
                                    

                     Sierah

Isang araw na naman ang natapos na wala pang nakakapag-tagumpay sa aking mga ginawang pagsubok

Tunay nga na wala pang isinilang na isang ginoo na aking magiging kabiyak

"Mahal na prinsesa na rito lang pala kayo,hinahanap na po kayo ng inang reyna"mga katagang sinambit ng aking tagapagbantay na si leah

Payat ang kanyang pangangatawan madalas siyang mapagkakamalang dugong bughaw kagaya ko sapagkat sinusuot niya ang aking mga lumang damit,mahaba ang kanyang buhok kagaya ko ngunit mas maganda parin ako kaysa sa kahit na sino

"Susunod na ako,mauna kana"sambit ko, nais ko lamang na mapag-isa pagkat iniisip ko kung magiging reyna nga ba talaga ako ng Arenelo

"Ngunit kamahalan?!"bahagyang kumunot ang kanyang noo na naging dahilan ng pagtaas ng aking kaliwang kilay

Nanahimik siya at yumuko bilang tanda na sinusunod niya ang aking kautusan

kinalaonan ay lumisan na rin siya

Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan,kagaya ng magiging mabuti kaya akong pinuno ng boung Arenelo

Bilang nag-iisang anak ng reyna ng Arenelo alam ko'ng ako ang magiging tagapagmana kaya pinahahanap na ako ng aking ina ng magiging kabiyak upang sa lalong madaling panahon ay magiging kaisang dibdib ko

Ipinanganak ako na anak ng hari ng Armeo at reyna ng Arenelo kung sinasabi ng iba na napaka swerte ko pagkat ako ay nag-iisang anak..... mali sila dahil simula't sapol palamang ay nabuhay na ako sa pakikipag-laban

Kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit wala akong napupusoan pagkat kahit kailan hindi pa ako nakalabas sa aming kaharian kaya't lumaki akong nag-iisa at walang alam sa labas ng kaharian

Minsan narin akong nag tangkang tumakas ngunit nagising ang aking tagapagbantay na si leah

Kaya't hindi natuloy ang aking balak

Paslit pa lamang ako ay hindi ko nadama sa aking ama ang kanyang pagmamahal sa akin,pagmamahal na kinakailangan ng isang anak kagaya ko

Kaya nabuhay ako sa paghawak ng sandata, dahil iyon ang kinalakihan ko,hindi ako sinasanay sa kapangyarihan na taglay ko kaya wala akong ideya kung anong kapangyariahan ang meron ako.

Naglalakad na ako sa pasilyo patungo sa silid ng aking ina ngunit huminto ako ng may narinig akong nag tatalo

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang iyong pag-papasya kung sana ay nagawan ko pa ito ng paraan"
Tugon ng mga boses na narinig ko ngunit unti-unti kong nakilala ang boses na nag mula sa isang silid,mas inilapit ko pa ang aking tenga sa pintuan ng silid na iyon
"Paumanhin ngunit iyon narin ang kautosan ng ating pinuno"

Pinuno?sinong pinuno ang tinutokoy niya,...posible kayang mga traydor sila?kailangan kong alamin kong sino ang pinuno nila.....nakinig akong mabuti sa usapan na alam ko namang wala akong  karapatan pagkat hindi naman ako kasali,ngunit sa ngayon kailangan na kailangan kong alamin ang tungkol sa sinsabi nitong pinuno

"Ano ang ginagawa mo diyan?"napabalikwas ako sa kinatatayuan ko at lumingon sa aking likoran,sinasabi na nga ba' ang boses na 'yon ay nag mula sa iisang Arcaniano lamang
"B-bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya,hindi ko maiwasan ang maotal dahilan upang taasan niya ako ng kanang kilay

"Sagotin mo muna ang aking katanongan pagkat ako ang unang nagtanong" sambit niya, gusto kong paslangin ang lalaki'ng toh',ang lakas talaga ng loob niya na tanongin ako kahit na siya pa ang nauna

"Masama bang linisan ko ang pintuan na aming pinaka-iingatan"sagot ko at pinandilatan siya ng mata

"Magandang gabi mahal na prinsepe ng Tandevo"may pakurap-kurap na sabit ni Leah,aba't ang sarap batokan ng babaeng toh' ,umiral na naman ang pagka-landi nito

Way Back To LoveWhere stories live. Discover now