Kabanata 13

314 139 29
                                    

Tulala at pawisan ako habang nakaupo sa aking kama. Hindi ko makalimutan ang naging bangungot ko. Sobrang sakit sa aking puso na masilayan na ganon pala ang kalagayan ng aking pamilya habang naririto ako ngunit hindi rin ako sigurado.

Napatingin ako sa oras. Alas kwatro na ng umaga at sigurado ako na hindi na muli ako dadalawin ng antok ngayon dahil dilat na dilat rin ang aking mga mata.

Ngayon ko lamang napagtanto na masyado na pala ako nadadala sa bawat araw na lumipas at nakalimutan ko na meron nga pala ako misyon na dapat tapusin.

Ayoko umabot sa punto na pag sisisihan ko ang lahat dahil sa kahibangan ko. Pamilya ko pa rin ang dapat ko isipin at hindi puro sarili ko lamang.

Una palang alam ko na dapat umiwas na ako sa mga bagay na alam ko p'wedeng makasira sa aking mga plano ngunit masyado akong mangmang na nauto dahil sa pag ibig.

Aminado ako na nahulog na ang aking loob kay Rio ngunit hindi s'ya totoo. Isa lamang s'yang karakter rito sa libro. 'yan ang lagi ko sinasabi sa aking kokote ngunit ayaw tanggapin ng aking puso.


Tumayo ako at nag hilamos na ng mukha upang makapag ayos na 'ko ng aking mga gamit na dadalhin ko sa aming lakad ng barkada.

Hindi ako lalayo sa barkada dahil sila rin ang magiging susi para makabalik ako sa totoong mundo. Ang kailangan ko lang gawin ay pigilan ang aking nararamdaman para kay Rio. Kahit na mahirap ay dapat gawin para sa aking pamilya.

Pag sapit ng alas sais ng umaga ay natapos na 'ko mag ayos ng aking gamit. May dala akong isang backpack at isang maleta. Nag linis ako ng katawan at bumaba na upang makapag agahan.

Nasilayan ko si Ashley kasama ang aking ina na nasa hapag kainan. Nag kwekwentuhan sila dalawa. Nang mapansin nila ang aking presensya ay natigilan sila parehas.

"Okay ka lang ba ate? Mukha kang may sakit" wika ni Ashley. Halata sa kanyang mukha ang pag aalala.

"Kaya nga. Huwag mo pilitin sarili mo, mag pahinga ka muna. Huwag ka na rin muna sumama kila Rio" dagdag ng aking ina.

Umupo ako sa tabi ni Ashley at ngumiti sa kanila.

"Salamat sa pag aalala pero kaya ko po sarili ko" saad ko ngunit mukhang hindi sila pabor sa aking kagustuhan. "Magiging okay rin po ako mamaya"

Naging tahimik ang hapag kainan nang dumating ako. Sigurado ako na nag aalala pa rin sila Ashley para sa aking kalagayan pero kailangan ko sumama sa lakad ng barkada dahil sigurado ako may malalaman ako na panibagong impormasyon roon.

Pag katapos ko kumain ay umakyat muli ako. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Bakit ba kailangan pang manyare 'to? Sobrang nakakapagod. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba dahil sigurado ako mga ilang araw na lang ay baka mawasak na lang rin ako bigla.

Ang sarap sa pakiramdam na maraming tao nag mamahal sayo ngunit kung titignan mo ng malinaw ay hindi naman talaga ito totoo. Mapapahiling na lang talaga na sana ay bulag na lang ko at wala akong pamilya na dapat balikan sa totoong mundo.


Mga ilang sandali ay may kumatok sa aking pintuan ngunit wala sa wisyo ang aking mga katawan ng pag buksan kung sino naman ang naroroon.

Nakatingin pa rin ako sa salamin at pinag mamasdan ang aking imahe. Ang laki na ng pinag bago ng aking itsura. Naging makinis nga ang aking balat ngunit naging mas mukha ako matanda dahil sa lungkot ng aking mga mata.

"Bakit hindi mo ako pinag buksan?" Tumingin ako sa may pintuan. Si Rio, nakapasok s'ya sa aking kwarto.

"Pinakuha ko yung susi kaya ako nakapasok. Nag alala ako kasi walang sumasagot, akala ko kung ano na nanyare sayo" wika n'ya. Lumapit s'ya sa akin at niyakap.

VeracityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon