Kabanata 29

192 78 35
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Gusto ko pa sana matulog ngunit napatingin ako sa mukha ng aking pinaka mamahal.

Mahimbing s'ya natutulog sa aking tabi habang yakap ako. Ang sarap siguro sa pakiramdam kung araw-araw ko ito nararanasan.

Mabuti na lamang at pinayagan nila mommy si Rio dito na matulog dahil anong oras na rin naman kami nakauwi kagabi. May tiwala naman rin sila mommy sa kanya na walang ibang manyayare sa'min dito sa kwarto.

Hindi muna ako gumalaw at nakatingin lamang ako sa mukha ni Rio habang natutulog. Ang gwapo talaga ni Rio hindi nakakasawang pag masdan ang kanyang mukha.

Nagulat ako nang gumalaw s'ya at ngumiti sa'kin.

"Magandang umaga binibini" bati n'ya at niyakap pa ako ng mahigpit.

Pumikit ako pandalian at hinayaan ko muna na lumipas ang oras na ganon ang aming sitwasyon. Dinama ko muna ang mga bawat sandali.

"Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag yakap ko yung taong mahal ko" wika ni Rio.

Dumilat ako at tumingin sa kanya. Ngayon ay nakatitig lamang s'ya sa akin habang nakangiti.

"Ilang taon pa bago tayo mag kasama sa iisang bahay"

Tahimik lamang ako habang nakikinig sa kanya. Sana nga ay umabot ako ng taon na kasama s'ya.

Mga ilang sandali ay bigla ako nakaamoy na hindi maganda. Amoy burak.

Nang makita ni Rio ang aking reaksyon ay bigla s'ya tumawa ng malakas.

"Pasensya na. Hindi ko akalain mabaho pala ang aking utot ngayon haha" wika n'ya sa sobrang inis ko ay tinulak ko s'ya papalayo sa akin. Tinakpan ko ang aking ilong para hindi ko na maamoy ang utot ni Rio

"P'wede ba ako maki-tae?"

Tumango lamang ako at tumayo na upang lumabas sa kwarto. Hindi ko kaya ang amoy ng utot ni Rio halos sa buong kwarto ay nangangalingasaw.

Dumeretso ako sa kusina upang makainom ng maligamgam na tubig.

"Kamusta tulog n'yo ate? May iba bang nanyare?" Salubong sa'kin ni Ashley. Tinaasan ko lamang s'ya ng kilay at hindi na sinagot ang kanyang tanong. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa kanyang isipan. Pati malalansawang bagay ay naiisip pa n'ya.

"Bakit hindi ka makasagot ate? May nanyare no" panunukso pa n'ya.

"Wala kaya"

"Ano ba yan! Ang hina ni Kuya Rio" aakma ako na babatukan s'ya ngunit bigla na lamang s'ya umiwas at umalis dito sa kusina.

Tinignan ko kung may kanin lamig ba sa akin rice cooker dahil gusto ko ipag luto ng agahan si Rio.

Sa huling pag kakataon nais ko s'yang pag silbihan at maipakita ang pag mamahal ko.

Nag hiwa ako ng sibuyas at bawang bago ko buksan ang kalan. Kahit papaano naman ay sanay ako na mag sangag at mag prito ng pag kain.

"Diba po isasabay na ilagay ang bawang at sibuyas kapag po mag sasangag?" Tanong ko sa isa sa kasambahay namin.

Tumango lamang si manang at nag patuloy sa kanyang ginagawa. Nilagay ko na ang bawang at sibuyas para makapag simula na ako sa pag luluto.

"Kaya naman pala hindi na bumalik sa kwarto, nag luluto na pala" rinig ko wika ni Rio. Tinignan ko lamang s'ya. Bagong hilamos na rin ngunit suot pa rin n'ya ang damit na suot n'ya kahapon. Wala kasi ako maipahiram na damit sa kanya. Sa laki n'yang tao ay hindi mag kasya sa kanya ang mga t-shirt ko.

Napahawak ako sa aking batok na mapag tanto ko na hindi pa pala ako nakakapag toothbrush at hilamos.

Hindi na rin kasi sumagi sa aking isipan kanina marahil ay atat na ako makalabas sa kwarto na iyon.

VeracityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon