Kabanata 16

283 114 12
                                    

Huling araw na namin rito sa may resort nila Matt at napag desisyunan ko na sumama na sa kanila.

Kasama ko ngayong umaga si Athina, nakasuot s'ya ng panibagong swimsuit. Kitang kita ang makinis n'yang balat ngayon marahil ay dark color ang kayang two pieces.

"Mag palit ka na, hintayin kita rito" wika n'ya. Tumango lamang ako at kinuha ang aking one pieces.

Hindi ako ganon ka komportable sa aking suot marahil hindi ako sanay na mag suot ng mga ganito. Pumasok ako sa banyo at nag palit na ng damit.

Tumingin ako sa salamin. Hindi bagay sa'kin itong swimsuit dahil wala rin naman ako korte. Pansin ko lang rin sa aking sarili na parang naging sensitibo ako sa mga bagay-bagay. Lagi ko na muna tinitignan kung babagay ba 'to sa'kin o hindi.

Dati-rati wala akong pake sa aking mga ginagawa. Basta masaya ako, okay na 'ko.

Pag tapos ko mag palit ay tinali ko ang aking buhok at lumabas sa banyo.

Pag baba namin dalawa ni Athina ay naririto na si Matt, Sabrina at Marina ngunit wala pa sila Rio.

"Nasan na yung dalawa?" Tanong ni Athina

"Hindi ko alam, baka nag mamake up pa" Saad ni Sabrina.

Umupo ako sa tabi ni Marina ngunit hindi n'ya ako napansin kasi abala s'ya sa pag lalaro sa cellphone n'ya.

Mga ilang sandali ay dumating na sila Rio, may dala silang bola pang beach volleyball. Sobrang lawak ng ngiti ni Steve habang nag kwekwento kay Rio.

Nang makalapit sila saamin ay nag katinginan kami ni Rio. Ngumiti ako sa kanya ngunit kumunot lamang ang kanyang noo.

"Mabuti okay na pakiramdam mo Faith" wika sa'kin ni Steve. "Magaling ba mag alaga si baby Rio" dagdag pa n'ya at tumawa.

Binatukan lamang ni Rio si Steve at hindi na muli umimik.

"Nag bibiro lang e. Napaka pikunin amp" reklamo ni Steve.

Tumawa si Matt sa naging reaksyon ni Steve. "Parang hindi ka pa nasanay kay Rio" Saad nito.

"Nako! para kayong mga bata. Tara na nga" singit ni Sabrina at hinatak na sila Marina at Athina.

Sumunod lamang ako sa kanila palabas.

"Faith" tumingin ako sa tumawag sa'kin. Si Rio.

"Mag palit ka ng damit don" wika n'ya. Napakunot ako ng noo dahil sa kanyang sinabi.

"Alam kong 'di bagay sa'kin, kaya hayaan mo na 'ko" Saad ko.

Hindi s'ya makatingin ng deresto sa aking mga mata. "Hmmm masyado kasi nakalantad ang balat mo" wika n'ya muli.

Napangiti ako bahagya ngunit hindi n'ya napansin. Nakakatawa lang mag alala ni Rio, pati sa mga kaibigan n'ya parang wala s'yang tiwala.

"Okay lang ako. Huwag ka mag alala tayo lang naman naririto, hindi ako lalapit kila Steve. Promise" Saad ko sa kanya.

Nag pabuntong hininga na lang s'ya at hinayaan ang aking kagustuhan.

Tatakbo na sana ako patungo kila Athina ngunit nabigla ako ng tanggalin ni Rio ang tali ng aking buhok.

"Yann. Pwede na" Saad n'ya. Kumunot ang aking noo at tinalikuran s'ya.

Tumakbo ako papalit kila Marina. 4vs3 ang labanan, babae laban sa lalaki. Ang matatalo manlilibre ng ticket kapag nanonood kami ng sine.

VeracityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon