1

11 1 16
                                    


May dalawang klase ng tao, may pangit at maganda. Sa sitwasyon ko nasa magandang klase ako. De, biro lang. Walang pangit na hinulma ng diyos, walang problema sa ginawa niya pero ang mga tao lang talaga ay mga reklamador. Hindi nakukuntento sa bagay na meron sila.

Tulad ng magaling kong pinsan, nagkakaroon kami ng walwalan ngayon. Hindi nakuntento sa iniinom niya masyado daw mahina kaya umerdor ng bagong inumin.

"Hoy! Abby! Pwede ba tama na! Antok na antok nako! Tama na kakainom umuwi na tayo!" Sigaw ni Bria kay Abby na pagewang-gewang lumakad papuntang counter.

"Hayaan mo na A, minsan lang tayo lumabas kase puro tayo busy sa work. Ngayon lang ako nakaramdam ng relaxation." Tugon ko at tinagay ang huling yakult ko.

"Ito na ang chuckie!!! Hmp! Oh, sayo na K, di ako nabusog jan sa Yakult mo gaga!" Inilapag ni Abby ang dalawang Yakult niya sa harap ko. Agad ko namang sinunggaban yun.

"Halimaw ka talaga sa Yakult Kourtney Salazar!" Iling-iling na sabi ni Jeign, bestfriend ko since highschool.

"Oy! Anjan ka pala!" Sinimangutan niya lang ako at uminom ng canned drink niya. Ayaw niya daw sa childish drinks, gusto pang mature para di mahawa samin ni Abby na immature! Hmp! Healthy kaya itong Yakult!

"Wengya! Nung sinabi mong iinom tayo para makapagrelax akala ko naman makakatikim na ko ng tequila at cocktail drinks. Yakult at Chuckie lang pala pakikinabangan ko!" Reklamo ni Bria. "Atleast nakinabang ka!" Nagkibit-balikat lang sila.

Si Bria at Abby, dalawa kong pinsang-buo sa motherside na aakalain mong mga kakambal ko. Lumalabas yung mga resemblance namin lalo nang nagdalaga ako, ako ang pinaka bunso sa kanila ng two years. Magkasing edad lang sila, pero para padin kaming mga bata kung umasta lalo na kami ni Abby. Natutuwa ang mga tao pag magkatabi kaming tatlo, akala nila totoo kaming triplets. Natatawa nalang kami, kaya minsan pinaninindigan nalang namin. Kams nga tawagan namin, short for kambal.

Maski si Jeign, nung una niya kaming makitang tatlo natulala siya. Akala niya magkambal kami, though hindi naman kami masyadong magmukha talaga meron lang hulma ko na mahahanap mo sa dalawa. Mahihirapan kading tukuyin likod at height namin. Matatangkad kami e, no wonder naging ganap na model tong si Abby. Maarte kase siya. Pasok pa siya sa mga criterias.

"Ako din. Ito tuloy imbes na nageenjoy tayo. Andito tayo, nakalukmok." Disappointed na tugon ni Jeign, ito talaga! Minsan di ko maintindihan mood shifting nito! Minsan mature minsan abnormal. Ngayon naman, mukha siyang seryosong party-girl. Kanina pang gustong uminom ng alak.

"Bat di kayo mamili ng alak dun? Ginagamit niyo ba utak niyo?" Turo ko sa counter ng 7/11. Nagkatinginan naman sila at sabay-sabay na tumayo.

"Oh ano? Satisfied na ba mga cravings niyo?" Taas kilay na tanong ni Abby sa dalawa na kakaubos lang ng isang boteng alak. Isa lang daw iinumin nila, panghimagas sa malamig na gabi. Parang mga baliw.

"Uwi na tayo." Lumabas kami ng 7/11 at sumakay sa kotse ni Bria. Kaya pala isa lang ininom niya dahil magmamaneho pa siya. 11 na ng gabi, kahit gabi na mahaba padin ang traffic kaya halos dalawang kalahating oras kaming nasa byahe. Todo gising tuloy ako sa katabi kong si Bria na pinipigilan din makatulog. Ako nalang ang hindi inaantok. Kung magaling lang akong magdrive ako na nagvolunteer. Halata naman sa dalawang babaeng nasa likod na tamad ding magdrive.

Sa awa ng diyos, matiwasay din kaming nakauwi sa condo naming apat. Pagkatapos kase naming grumaduate ni Jeign napagpasyahan naming apat na magsama sama sa iisang bubong para goals! Wala namang tutol sa desisyon namin, lalo nako. Wala naman pakealam sina gurs sakin eh. Basta daw wag lang ako gagawa ng ikakamantsa ng pangalan dala ko. In thier faces! Tsh!

Yes, You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon