3

6 1 0
                                    

ILANG araw na ang lumipas simula nung huling kita namin ni Cullen Kace, medyo naiisip ko padin minsan yung tanong niya lalo na yung kakaibang mata niya. Nagtaka naman ang tatlong gaga sa biglaang pananahimik ko sa araw nayun, kaya todo pilit sila na pasalitain ako pero sabi ko tungkol lang sa work. Ayokong ikwento yung naalala ko tungkol kay Cullen Kace baka pagtawanan din nila ako sa katangahan ko.

Nandito kami ngayon sa mansyon ng parents ko. Sinugurado ko munang wala sila dito bago ako pumunta. May dala pa kong alay sa mga tauhan sa mansyon para wag nila akong ibuking. Wala naman akong gagawing masama, ayoko ko lang sila madatnan at makausap.

Ayaw akong tantanan ni Jeign nung isang araw pa. Kailangan ko daw kunin na yun dahil importante yun, may memories din kase siya daw dun. Kaya ito umagang-umaga naghahalungkad kami dito sa attic.

"Hindi bat may pangalan yun?" Dinig kong tanong ni Jeign pero di ko siya sinagot. Tanging kulay lang ang natatandaan ko dun. Madali akong nakalimot.

"Kikaaay! Kikaaay!" Biglang sulpot ni Nanay Che, siya yung halos nag-alaga sakin. Para na siyang nanay ko, at para nadin niya akong anak. Kikay ang tawag niya sakin dahil nahihirapan daw siya sa pangalan ko tska sobrang ganda ko daw para magkaroon ng ngalan na parang lalaki kaya ayun Kikay palayaw niya sakin.

"Po?" Patuloy lang ako kakakalkal ng mga gamit.

"Parating na ang Papa mo!" Aligagang sabi niya tapos nakadinig nako ng mga yapak ng paa parang nagtatakbuhan na ang ilan sa mga maids.

"Ahhh! Ayun! K! I found it!" Lumapit sakin si Jeign bitbit ang isang purple na kahon na may pangalan College Life

"Anjan na daw sina Kamahalan. Sa kwarto ko tayo." Mabilis kaming umalis ng attic at nagpunta sa kwarto ko.

"Pano tayo aalis? Magpapakita ka?" Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon.

Nilibot ko ang paningin ko at tinignan ng mabuti ang dating silid ko. Dito lang ako palagi nun, lalo napag napagalitan ako. Itong silid na to ang tanging nakaalam sa paghihirap ko ng buhay ko noon. Nakakatuwang isipin na walang nabago dito. Pero wala ng mga gamit. Tanging kama at vanity table at tska yung dating study table ko lang ang nandun na tinatakpan na ng puting tela. Nandun padin ang glow in the dark sticker ko sa kisame, at ang pink wallpaper ko.

"Jeign lika na. Magpakita na tayo." Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto at nilock. Todo goodluck at cheer naman si Jeign.

Nakadinig ako ng ingay mula sa dining room kaya dun kami pumunta. Nagbibilang pa kami at nag-dedebate kung sino ang unang lalabas pero huli na kase nakita na ko nung bigla akong tinulak ni Jeign. Naagaw ko ang atensyon nila.

"A-hahaha! G-good morning your Majesties!" Bati ko. Lumapit ako sa parents ko at humalik. Bumati din si Jeign.

"What are you doing here." Straightforward na question ni Amang Hari nung makaupo ako.

"Visiting my room." I shrugged. Naramdaman kong sinipa ako ni Jeign. Parang bago sakanya to, hsy.

"Oh... did you miss it?" Sarkastikong sabi ni Mama. Natawa naman ako.

"Yeah!"

"How's being an organizer?" Biglang sabat ng Papa ko. Natigilan naman ako.

"It's actually fun! You should try it!" I try sounded like a hyper person pero parang walang galang ang inakto ko.

Di makapaniwalang nagkatinginan ang mga magulang ko sa baliwalang tanong ko. Kiber ko jan, parang hindi sila sanay sa kabalustugan ko.

Tumikhim si Papa bago nilipat ang tingin kay Jeign. "How are you Jeign?" Nakangiting tanong nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yes, You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon