TULALA lang akong nakapangalumbaba sa desk ko. Naisip ko kase yung huling sinabi ni Cullen Kace Lovins nung isang araw bago ako lumabas ng opisina niya. Bigla-bigla nalang ito pumasok sa isip ko. Maski pangalan niya, may nakita kasi news article tungkol sa kanya kanina sa Twitter kaya pilit kong iniisip bakit pamilyar ang pangalan niya."Ano ba naman yan K! Bat mo ba iniisip yung lalaking yun?!" Sinabunutan ko ang sarili ko. Sobrang occupied yung utak ko tungkol sa kanya.
"Ikakasal na ang tao! Mahiya ka naman!" Teka, "O ano ngayon kung ikakasal na siya? Masama bang isipin lang siya?" Napatango-tango naman ako, tama! Walang mali! Kusa siyang pumasok sa isip mo! "Tama! Walang malisya yun!" Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi big deal yun.
"Woi! Sinong kausap mo?"
"AHHH!" Natatawang umupo si Jeign sa harap ko. Matalim ko siyang tinignan.
"Ano?!" Masungit na sabi ko. "Galit ka?" Inirapan ko lang siya mas lalo siyang tumawa.
"Ano meron?!" Masungit pading tanong ko tapos kunwaring abala sa loptop.
"I brought you this." May inilapag siyang tart sa harap ko. Agad naman akong natuwa. "Hay! Patay gutom ka talaga." Hindi ko nalang pinansin panglalait ni Jeign. Basta gutom ako!
"Nga pala may itatanong ako sayo." Sabi ko habang abala padin sa tart. "Kilala mo si Cullen Kace Lovins?" Bigla siyang nasamid sa sinabi ko. Inabot ko naman ang flask ko sakanya para mahismasan siya.
"Y-yung Mr. Lovins? Yung k-kliyente mo?" Nakahawak siya sa dibdib niya. Tumango naman ako dahil puno yung bibig ko ng tart. "B-bakit?"
Nilunok ko muna yung nginunguya ko tska siya hinarap. "Pamilyar siya sakin, I mean yung name niya ah." Naubo naman siya at aligagang uminom ng tubig. "Hoi! Okay ka lang?" Nag-okay sign ako. Tumango naman siya.
"Hindi mo matandaan?" Parang maingat na tanong niya. Umiling lang ako bilang tugon. "Pano sobrang busy at bitter ka nun." Bulong niya pero nadinig ko.
"Ha?" Ngumiti naman siya. "Wala! Ano, subukan mo kayang buksan yung box mo noong college baka naman may parang maalala ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Baka andun pala sagot sa tanong mo." Napakagat ako ng labi, usually kase ganun ako pag pilit na nag-aalala ng bagay or nag-iisip.
"Nasa mansyon yung box ko eh. Baka tinapon nila na." Nanlaki naman ang mata niya. "Ano?! Bat hindi mo dinadala sa condo?! Ang daming memories dun eh!" Maiyak iyak na sabi niya.
"Para kang timang! Titignan ko, baka andun sa attic. Hindi bat color purple yun? Hmmm.... medyo may naalala ako sa itsura nun. Ano kayang laman nun? Eh, ang kaso pano ko makukuha yun? Nasa mansyon eh, ayokong maabutan sina kamahalan dun."
"Samahan kita!" Nagtaas pa ng kamay si Jeign. "Wala kang gagawin?" Umiling siya at mabilis akong hinatak palabas.
"Teka--" napahinto kami nung nakasalubong namin si Bria. "May naghahanap sayo." Sabi niya at tinulak ako papuntang conference room.
"A-ano ba! Pwersahan?!" Sigaw ko pero sinara niya na ang pinto.
Inayos ko ang damit ko at huminga ng malalim. Nilibot ko ang paningin ko pero laking gulat ko nang makita ko ang isang lalaking nakaupo at mukhang kanina pang nag-aantay dahil nagulat din siya sa biglang pagdating ko sumisigaw pa.
"Ah--" parang naubusan siya ng sasabihin kaya napakamot nalang siya. Dun ko lang napansin na nakasweater lang siya at denim pants.
Pinagmasdan ko siya ng maigi, parang may nakita ako sakanya like 2 or 3 years ago. Di ko lang sure. Teka....
"Shit!" Bulalas ko at napatakip pa ng bibig. Nagtaka naman ang expresyon niya. Para akong nakakita ng multo tapos tinuro-turo ko pa siya para mas lalo siya naguluhan.
"Ikaw yung lalaking muntik magpakamatay sa rooftop ng UP!"
×××
"WHAT makes you think na magpapakamatay ako nun?" Kanina pa niya akong ayaw tantanan kakatanong nun. Simula nung maalala ko siya bigla siyang tumawa tapos pinaghahampas pa yung mesa sa conference room mukha siyang baliw na CEO! Kaya lumabas ako at nagpunta sa office ko pero sinundan niya pala ako!
"Nakapili na po ba kayo ng invitation?" Sumeryoso naman ang mukha niya at napatikhim. Umiling lang siya bilang tugon. "Ito po sample invitations baka magustuhan niyo. " Buti nalang mukhang sensitive siya at nakuha niya agad kanina ko pang gustong magchange topic dahil sa naalala ko.
Tuloy nagsisi pa ko kung bakit ko sinabi yun. Ako din napahiya! Parang gusto kong lumubog sa putik ngayon. Pumasok sa isip ko yung mga sermon ko sakanya nun sa rooftop, para akong madre kakapigil sakanya. Yun pala sumabit lang t-shirt niya sa puno malapit sa rooftop! Bago pa ko nun, first year college palang ako na napadpad sa rooftop tapos saktong naabutan ko siya nun.
"Do you have unique designs? Hindi bat nagamit na to?" Tumango naman ako. May kinuha akong notebook na kay Abby, gawa niyang invitation na hindi pa napapalikita sa mga customers.
"This is pretty." Bulong niya. Medyo sumilip naman ako para makita ko tinutukoy niya. Isang heart-shaped box tapos pagbinuksan mo may lalabas na card kung saan dun nakasulat ang pangalan ng bride and groom. For weddings lang talaga to.
"Limited lang po yan Sir. Medyo maliit kung mahahawakan mo tapos tanging pangalan ng groom and bride tska time and date and place ang pwedeng ilagay jan." Pageexplain ko.
"What do you think?" Lumingon siya sakin. Napaiwas naman ako sa hindi inaasahang pagtatanong niya.
"Syempre po maganda. Creative." Ngumiti naman dahilan makaramdam ako ng pagkabog sa puso ko.
"I'll take that." Binalik niya sakin ang notebook. Nilagyan ko ng check yung pinili niya para matandaan ko. Medyo makakalimutin kase ako.
"Miss Salazar." Tawag niya sa pagkatapos kong ligpitin ang gamit ko. "Sir? May idada--"
"I have a question." May genuine smile nasumilay sakanya, medyo nainis naman ako dun.
"Kung yung kanina Sir, nagula---" umiling siya. "Hindi yun. Pano kung nalaman mong magpapakamatay talaga ako?" Natigilan ako sa tanong niya. Hindi nawala yung ngiti niya pero masasabi kong hindi nayun totoong ngiti. Tumingin ako ng diretso sa mata niya. Bahagya akong nakaramdam ng kirot nung makita kong may bahid ng lungkot yung mata niya.
"E-ewan ko. B-baka nabubuhay nako ngayon ng konsensya k-kase hindi kita napigilan." Hindi naman talaga yun yung naisip kong sagot. Ewan ko ba at iba ang lumabas sa bibig ko.
Mapakla siyang napangiti. "Konsensya... konsensya." Bulong niya tapos bigla siyang tumawa ng mahina. Yung tawang may itinatago. Tumingin siya ng diretso sa mata ko. "Salamat." Pilit na ngiti ang sumilay sa labi niya bago siya lumabas ng office ko.
Naiwan akong tulala. Bakit parang may mali? Yung kulay-kape niyang mata ang lungkot. Omyghaad! Dapat ba hinayaan ko na siyang magpakamatay nun?! Chos.
Baka minumulto niya nako ngayon tapos magrereklamo siya kung bakit hindi ko siya pinigilan magpakamatay, kasalanan pa naman yun sa diyos baka di siya makapasok sa langit at off-limit siya dun dahil yun ang utos ni Bro. Edi kargo-de-konsensya ko pa yun?!
Pero yung mata niya eh. Nakita ko yung lungkot pero ang hindi ko maintindihan bakit parang nakita ko nayun?! Bakit parang hindi na bago yun sakin? Hindi kaya... hay ewan! I should stop thinking and keep on remembering him baka san pa papunta nako! Sobrang rupok ko pa naman! Chos.
...........
Short-update. Nakakadrain ng energy.