Chapter 28

4K 98 2
                                    

 

Two Freaking Months Later

It's a girl, and a boy.

Yes, It is a twin !

Pero hindi ko pa muna sasabihin sa kanila. Surprise!

Naalala ko din ang bet ng asawa ko at ni Hero at Maverick. Pareho silang panalo at pareho din silang talo. HAHAHA !

I already knew that I'm carrying twins when I had my first check up. I just , you know, hide it from them.

I wanted to surprise them that's why.

Sasabihin ko nalang sa kanila na hindi pa makita ang gender ng baby ko. Sasabihin kong nagkamali si Doc tapos hindi nya makita kung ano ba talaga ang gender.

“ And the gender is ?” , nakangiting tanong ni Alia.

Ako lang talaga ang nakakaalam ng gender ng baby ko. Surprise ko nalang sila. Haha, hope they'll like it !

“ Hindi pa makita ng doctor, ” malungkot kong sabi, kunwari lang ha, parte ng plano ko ito.

We're having a blast here in the house, kasiyahan lang . Tapos sakto, gender reveal ko sana, kaso nag-iba ako ng plano. Saka nila malalaman kapag nanganak na ako.

I can't believe that I'm having a twins ! Sobrang saya ko talaga, hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko, samu't-sari.

“ Aww, sayang naman kung ganon, nak”, ani Mama, nagpunta din siya dito, si Papa lang ang wala, may pinuntahang business trip.

“ Kaya nga, baka naman nagkaroon lang ng error, sis,” ani Sophia.

Halos nandito din lahat ng kaibigan ni Kade.  Kumakain din, inimbitahan ko silang lahat pero iyong iba ay hindi nakapunta dahil sa sobrang higpit ng schedule nila.

“ No, isang propesyonal na doctor iyon no, ” sabi ko naman, “ madami nga siyang ginamit just to find my baby's gender, ”

“ It's okay, wife, ” ani Kade sabay halik sa noo ko, “ we'll know when you give birth,” dagdag nya pa.

“ Sayang, bukas sana ay utusan na namin si Kade, ” biro naman ni Hero.

Pareho silang panalo at talo. May babae at lalaki ako sa sinapupunan ko ngayon. Ano kayang magiging reaksyon nila ?

“ Saved by the bell, ting ting !”, ani Maverick.

“ Tumigil nga kayo dyan, ” sabi ko habang hinihimas ko ang lumalaki kong tiyan.

Naka-dress nga ako e. Buti nalang konti pa lang ang nage-gain kong weight. Charot. Kita ko lang sa braso ko.

“ Ma'am, may nagpapa-abot po sa inyo nitong bouquet, ” biglang sabi ni Ate Rose, kaya napatigil ako, ay hindi lang pala ako, kundi kaming lahat.

Gulat ko syang tinignan ng iabog nya sa akin ang isang napaka-gandang bouquet. Pink Roses lahat .

“ Para daw sa akin ?”, takang tanong ko, tila nag-aalinlangan pa akong kunin sa kanyang kamay ang inaabot nya sa aking bouquet.

“ Yes po, Ma'am, ” sagot nya, kinuha ko naman mula sa kanyang kamay ang bouquet, “ Hindi nya po sinabi kung sino sya pero kilala nya po si Sir Kade,” aniya.

“ F-fuck ?”, tila naguguluhang ani Kade.

Sino naman kaya iyong nagpapadala ng bulaklak para sa akin ? Sinong tanga ang magre-regalo sa akin neto ?

They are all pink. So satisfying and beautiful.

“ Wala akong alam dyan, puta,” seryosong sabi ni Kade.

Binigyan na ako ng asawa ko ng regalo kanina. Lahat sila dito.

Sino namang gate crusher ang nagpadala nito ? Dejoke lang. 

“ Baka regalo ng kaibigan mo sa trabaho, Kade, ” ani Mama,

Umiling si Kade, “ No. It's not from them. I can tell, ” aniya.

“ Hay naku , Stop ! Let's just have some fun together, ” Sabi ko para matigil na sila sa kaiisip at pagtataka.

*  *  *  *

  Vivienne's  P.O.V

“ Ma'am, na-deliver ko na po iyong bulaklak para kay Misis.Radford, ” sabi ng tauhan ko.

Pasalamat siya, at bouquet pa ang iniregalo ko sa kanya. Iyong pang patay sana ang ireregalo ko e. Haha !
Pero saka nalang yung pang-patay na bulaklak.

“ Okay,” matipid kong sagot saka ko pinatay iyong tawag.

Ngumiti ako.

I knew that my small gift will shock them, especially Kade.

I just have to kill Zarrena, that's all, nothing more and nothing less. That bitch, inagaw nya sa akin ang dapat ay sa akin lang !

Napukaw nya ang attensyon si Kade, puta !

Ngayon, masasabi kong mahal na sya ni Kade. Lalong lalo na at nabuntis nya pa ito.

Saan na ako lulugar ngayon  ? E halos lahat naman naman iniiwan ako dahil nakakasawa ang ugali ko.

I cheated on him, isang beses lang, pero dahil don nagbago ang pagsasama naming dalawa. Dahil don sa katarantaduhan kong iyon.

Masyado akong naging malandi, hindi ko naisip na masisira ang relasyo namin. Masyado akong naging makasarili. Wala akong ibang inisip kung hindi ako lang !

I deserve to be loved too, but no one will ! No one !

I deserve to have someone who'll stay with me no matter how fucking moody I am, kahit na sobrang hirap intindihin ng ugali ko, pero wala. Lahat iniiwan ako. Lahat ina-ayawan ako.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar, kung saan ko ipag-si-siksikan ang sarili ko, dahil kapag ipinakita ko na ang totoong ako ay iniiwan na nila ako.

Naloko din ako, pero hindi ako nag-reklamo. Nasaktan din ako, pero hindi ako nag-salita.

Tao din ako, nagkakamali, nasasaktan, umiiyak, kung minsan nga iniisip ko na dapat ay mamatay na lang ako kase wala na din nang nagmamahal sa aken.

Pero napa-isip ulit ako, bat ko ibabaon ang sarili ko sa lungkot kung maganda naman ako at pwedeng-pwede akong lumandi.

Ayoko sanang patayin si Zarrena, pero inagaw nya ang kaisa-isang taong nagmamahal sa akin.

Ngayon, naiwan na akong isa.

“ I'll kill her first before I make a new beginning for my fucking messy life, ” taas noo kong sabi.

There is no turning back.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now