Chapter 39

4.2K 70 7
                                    


Third Person's P.O.V

“ They'll be so happy to see you, bro,” nakangiting sabi ni Kade, “ well, it has been a year since the last time they saw you and spent time with you,” dagdag pa ng binatang hindi rin maitago ang nararamdamang kasiyahan. Kanina ay naluluha s'ya ng makita nya ang kaibigan nyang kay tagal nyang hindi nakita ngunit pinipigilan nya lamang itong pumatak.

“ I know, I missed them too, ” nakangiti ring saad ng binata habang nakadungaw sa labas ng kotse.

“ San ba tayo ?” , tanong nito.

“ Ewan ko,” sagot ni Kade habang nakatingin sa daan.

Napatingin si Axel sa kaniya ng nakakunot ang noo, “ Ano ? Baka naman maligaw tayo nyan a,”

Kade chuckled, “ Ang ibig kong sabihin hindi ko alam kung kaninong lupa 'yung pupuntahan natin, pero alam ko naman kung saan banda”, aniya habang nakatingin sa daan.

Palinga-linga si Axel sa daan. Habang si Kade naman ay naka-focus sa pagmamaneho.

Kahit na matagal-tagal ding huling nakauwi si Axel ng Pilipinas ay hindi nya parin nakakalimutan ang mga lugar o ang mga daan lalo na 'yong mga pasikot-sikot. Madali lang s'yang maka-memorize .

Nawala ang mga bahay-bahay na kanilang dinadaanan. Naging liblib ito. Punong-puno ng mga matatandang puno ang gilid ng kalsada. Napaka-liblib at napaka-tahimik.

“ Malapit na tayo,” Kade said out of the blue while driving deeper and deeper to the peaceful road. Tumango lamang ang binata ng hindi manlang lumilingon sa kanya.

“ How you been doing without me ?”, biglang tanong ni Axel.

Nag-kibit balikat si Kade. “ Ewan ko”, aniya. “ I mean, sanay kaming wala ka because we know you're busy, but it still feels different lalo na kapag kompleto tayo. ”

Hindi na umimik pa ang binata. Tumango na lamang ito. He is indeed really busy. Halos hindi na s'ya umuuwi sa bahay nya kapag kuwan dahil sa kaliwa't kanan nyang trabaho. Minsan nga hindi nya pa alam kung anong petsa na o anong buwan na. Hindi nya pa namamalayan ang oras.

Pagkatapos ng ilang minuto tinatahak nila ang liblib na lugar na iyon ay may kulay itim na gate silang nakita at sa taas non ay may naka-ukit na "Salvatore lang malakas".

Naningkit pareho ang kanilang mata saka sila nagka-tinginan.

“ Tsk,” pailing-iling si Axel.

“ Salvatore lang malakas ? Really ?” nangiwi pa si Kade. He couldn't get over it. It makes him cringe. Kakaiba talaga ang pag-iisip nung lalaking 'yon.

Ipinark nya ang kanyang kotse sa tabi ng kotse ng mga kaibigan nya. Iba't-ibang uri ng kotse ang naka-parke panay mamahalin.

After they got out of the car they proceeded to enter the place where the gathering is located.


*   *   *   *

“ Hey, look ! ”, lahat sila ay napatigil ng mapansin sila ang kung sino mang papalapit sa kanila. Hindi nila maaninag kung sino ba iyon dahil sa medyo malayo ito mula sa pwesto nila.

“ Who the f is that ? ”, kunot noong tanong ni Grayson.

“ Maging alisto kayo, baka may balak silang masama sa atin,” ani Hunter.

Tumango naman silang lahat. They all have their own guns inside their pockets and inside the bag which Craige brought. Mas mabuti ng palagi silang handa dahil hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Hinintay nilang makalapit ang dalawang naglalakad papalapit sa kanila. Papalapit ito ng papalapit.

Pare-pareho silang na estatwa sa kina-uupuan at kinatatayuan nila. Hindi ito kalaban. Halos mapatigil pa sila sa pag-hinga dahil sa sobrang pagka-gulat. It was the friend they've been longing for.

Nakangiti ang dalawang binata habang naglalakad papalapit sa kanila.

“ Hey, ano ? Tititigan nyo nalang ba ako ? ” sigaw nito sa kanila na hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala.

Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang kanilang nararamdam ngayon. G mabuhayan sila ulit ay tumakbo sila papunta kay Axel at niyakap nila ito hanggang sa sila ay mawalan ng balanse at maipahiga sa damuhan.

“ I can't believe it, it's really you, ” tila maiyak-iyak sa wika ni Maverick.

“ Buhay ka pa din ! ”, ani Jacob.

“ I thought you already got shot in the head ! ”, nakangiting sabi naman ni Harrison. Tumatawa lang si Axel, hindi nya pinapansin ang bigat ng kanyang mga kaibigang nakayakap sa kanya.

“ Para naman kayong mga bakla, let's eat already !”, pailing-iling na sabi ni Hunter. Hindi s'ya nakisaling yumakap sa kanila, bagkos ay nakatayo lang sila ni Kade na pinapanood ang kabaklaan ng kanilang mga kaibigan.

Lahat sila ay nagsitayuan na, Axel approached Hunter who is now staring at him.

“ Tsk, palibhasa kasi ikaw ang tunay na bakla sa atin,” ani Hero.

Umirap na lamang si Hunter.

“ Aren't you goin' to hug me ?”, nakangiting tanong ng binata sa kanya.

He chuckled, “ nah,” aniya, “ I want to punch you in the face, actually. ”

Tipid na tumawa si Axel. “ And why is that ?”

“ Kasi ngayon ka lang nagparamdam,” mabilis na sagot ni Hunter sa kanya.

Napabuntong hininga si Axel.

“ There's actually a percentage that we thought you were dead, ” aniya, “ but we just thought maybe you were just so busy that you have already forgotten about us. ”

“ I mean, we understand that, man, pero sana huwag mong kakalimutang sabihan kami kung ano na ang nangyayari sa iyo, ” dagdag nya pa.

“ Wow, I didn't see that coming,” kunwaring nagulat na sabi ni Axel.

“ Pasensya na kayo, Hunter. Nilalaan ko ang oras ko sa trabaho para mabilis ko itong matapos, para maaga akong maka-uwi dito sa inyo sa Pilipinas, ” aniya , “ dapat 2 years pa akong hindi uuwi kasi iyon ang sabi ng organisasyon pero tinapos ko ng mabilis ang trabaho ko kaya halos 2 taon din akong di nakauwi, ” nagkibit-balikat ang binata.

Hunter was taken aback. He didn't think about that. Walang s'yang idea na ganoon pala sa organisasyon nila.

“ Let's just eat. Alam ko namang pagod at nagugutom ka na e, ” nakangiting sambit ni Hunter sa kaniya. Nakatayo pa din sila sa damuhan, habang ang kasama naman nila ay nagsimula ng kumain.

★   ★   ★

Super late update po ! Pasensya na , at ilang linggo po akong di nag-update . May mga kailangan po kasi akong ipasa sa bagong school na paglilipatan ko at kaya diko po maharap ito. Hinahanda ko na po mga kailangan ko para di nako mahirapan kapag nag-start na ang online class. 😞

Kung kailan po malapit ng matapos ang kwento at saka pa nagka-ganito. Sorry po.






The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now