Chapter 25

4.6K 116 8
                                    


“ Hoy, tara pasyal sa park,” sabi ko kina Maverick at Hero. Pangalawang araw na nila ngayon.

Sabay silang napatingin sa akin. Halatang nababagot na din. Kung ako nga e bagot na bagot na din.

Nanririndi nga rin ako kanina sa kanilang dalawa. Kaninang umaga kasi nagbabangayan sila. Parang batang nag-aaway. Psh.

Mabilis na tumayo si Hero, “ Okay, let's go! ”, parang bata nyang sabi.

Samantalang si Maverick naman ay parang walang gana pang tumayo. Tinatamad siguro to.

Tumayo na rin ako tapos hinablot ko ang aking shoulder bag sa lamesita . Nandito lang kasi kami sa salas. Hapon na din , alas tres na nung tinignan ko sa cellphone ko.

“ Manang, magpa-pasyal lang po kami sa park!”, sigaw ko bago pa man kami maka-labas .

“ Mag-iingat kayo !”, aniya, narinig ko na lamang iyon nung nasa labas na kami.

*  *  *  *

“ Oy, Maverick, may lagnat ka ba ?”, tanong ko.  Kanina pa kami nandito sa park at nagme-meryenda na kami.

Ang tamlay nya kasi, ang tahimik nya pa tapos wala pa syang ganang gumalaw o ano.

“ Wag mong pansinin 'yan,” ani Hero, “ may prino-problema lang sya,” dagdag pa nya.

Napatango na lamang ako. Ano naman kayang prino-problema nitong lalaking ito ? Sobrang laki ba para ganto sya umakto ngayon ?

Pinagpatuloy ko nalang ang pag-ubos ko sa ice cream ko. Tapos si Hero naman nagpunta pa ulit don sa vendor para bumili ulit.

Nanghingi pa nga sa akin ng pera dahil wala daw syang dala.

Muli kong tinignan si Maverick.

Ano ba kasing problema nito ? Naka-buntis ba sya ?

“ Hoy, lalaki, ”, tawag ko sa kanya, “ Bat ba ang tahimik mo ngayon ? Nabuntis mo ba kasi jowawets mo ?”, tanong ko.

Tinignan nya ako, “ What ? ”

Mabuti naman at nag-salita na din sya.

“ Kako nabuntis-- ”, hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita sya kaagad.

“ No !”, mabilis nyang sagot, “ nakaka-kilabot naman iyang tanong mo, ”

Tumawa ako. Hindi pa handa magkaroon ito ng anak ? Wow, aba mukhang may balak yata itong mag-pare a.

“ What's your problem by the way ?” tanong ko.

Nag-kibit balikat sya. “ Nothing. I'm just-- I'm not feeling well, ” aniya. Nababasa ko sa mga mata nyang totoo naman ang sinasabi nya.

“ Talaga ba ?”, pangungulit ko.

“ Yeah--”, biglang dumating si Hero, hingal na hingal. Parang may humabol sa kanya.

“ What is it ?”, pagtatanong ni Maverick.

“ Nakita ko si Volt,” aniya. Hinahabol nya parin ang kanyang hininga. “ and he's heading here, ” dagdag nya pa.

Napakunot lang ang noo ko. Huh ? Kinakabahan tuloy ako. Ano ba itong nangyayari ?

“ Hoy, bakit ? Mamamatay na ba tayo ?”, tanong ko. No jokes , kinakabahan kasi ako e. Baka may mga lalaking biglang sumulpot dyan sa tabi na sakay ng puting van tas bigla nalang kaming paputukan. Grrr. Kinikilabutan tuloy ako. Puta.

“ Asshole, what are you waiting for ? Itago mo na si Zarrena !”, ani Maverick kay Hero kaya ako mas kinakabahan.

“ Hoy, gago kayo, ano ba ?! ”

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now