Chapter 3: Elite

13 5 2
                                    

Jessa Pov:

Makalipas ang tatlong linggo. Malapit na ang Feb. At ngayon mamimili ang adviser namin kung sino ang ipanglalaban sa Mr. And Ms. Valentine's 2018

Pumasok ang adviser namin sa room.

"Goodmorning Class" bati niya sa amin.

"Goodmorning ma'am" bati naman namin.

"Aware naman siguro kayo kung bakit nandito ako ngayon diba?" Tanong niya sa amin.

"Opo ma'am" Sagot naman namin

"Today I will ELITE FOR MR. & MS. VALENTINE'S 2018" Sabi niya

"Ang gagawin doon ay rarampa syempre may Q & A about love at may talent portion din." Dagdag pa nito

"So Now I ELITE Ms. LEE to represent our section and Mr. Guevarra." Sabi niya

"Bakit siya eh ang panget niya" bulong ng isa kong kaklase.

"Di sila bagay ang pogi ni Axiel tapos sa kanya lang ipapartner gosh." At eto pa

"Bakit hindi na lang si Lisa ang ipartner kay Axiel tutal mas bagay sila." Dumagdag pa to

"Oo nga ma'am si Lisa na lang po" sagot naman ng kaibigan ni Lisa.

"Oh edi sana kayo na lang nag teacher. My decision is final so Mr. Guevarra and Ms. Lee may practice mamaya kung paano yung pagpasok at paglabas ninyo. Ang mauuna ay ang casual wear and sunod yung talent portion last ay Q & A so mag isip na din kayo kung anong gagawin ninyong talent." Sabi niya sa amin

After niyang mag announce ay naisipan ko na agad itext si mama na may mahalaga akong sasabihin sa kanya pagkauwi.

Tapos na ang klase at papunta na kami ng asungot sa may stage para sa practice. Wala pa naman ang ibang candidates kaya kakausapin ko muna siya.

"Anong gusto mong gawing talent?" Tanong ko sa kanya

"Ano ba talent mo? Para hindi na tayo mahirapan." Masungit niyang sagot

"Kumakanta ako" sagot ko naman

"Sige magduet na lang tayo. Bigay mo number mo sakin para itext na lang kita." Sabi niya at kinuha ko ang phone ko at binigay sa kanya ang cellphone number ko. Pagkalipas ng ilang minuto dumating na ang ibang candidates at nagpractice na nga kami

Pagkatapos ng practice tinext ko si kuya na sasabay ako sa kanya.

"Lil sis balita ko ikaw ang napili ah?" Di makapaniwala niyang sambit

"Ah oo kuya kaya nga inaya ko si mama eii gusto mo ba sumama?" Tanong ko naman

"Oo naman lil sis gusto kong makita kung pano magtransform yung panget kong kapatid sa pagiging maganda hahaha." Sabi niya aba loko to si kuya ah! Inaaway na naman ako

"Basta kuya icheer mo ako ah! Kung hindi sasabihin ko kay papa na multuhin ka hahaha. " Sabi ko naman takot kasi si kuya sa multo kung anong kinatapang niya sa school ang kinakatakutan naman niyan ay multo lalong lalo na kapag ako ay inaapi.

"Wag ka namang ganiyan lil sis oo na suportahan na kita isasama ko pa bestfriend mo." See hahaha

At nakarating na nga kami sa bahay at nagulat ako kasi nandun din yung magaling kong bestfriend na si Cedric wala siya kanina nung nag-announce yung adviser namin baka nambabae na naman.

"Oy bestfriend bakit nandito ka?" Tanong ko

"Kasi bestfriend nabalitaam ko na ikaw at si Axiel ang panlaban ng section natin. Kaya sasama ako sa make-over mo" Masigla niyang bati ang hyper talaga kahit kailan

"Where's mommy?" Tanong ko

"Nasa kusina nagluluto" sagot ni yaya

"Mommy!" Sigaw ko

"Baby why are you shouting" tanong niya

"Mom ang mahalaga ko pong sasabihin ay ako po ang napili bilang panlaban ng Mr. & Ms. Valentine's 2018" nahihiya kong sambit

"Wow baby tatapusin ko lang ito at pupunta tayo sa mall" masaya niyang sambit

Nagpunta muna ako ng kwarto at nagbihis ng highwaist short at tshirt na tinack in ko at tinanggal ko na din ang salamin ko hindi naman kami sa school pupunta eii at tsaka hindi naman gaano malabo ang mata ko at nag doll shoes na lang ko at naka ponytail ang buhaghag kong buhok.

Pagkababa ko nakita kong napatingin sakin ang magaling kong bestfriend.

"What?" Tanong ko

"Ang ganda mo pala pag nag-ayos ka" sambit naman nito. Like wtf hahaha

"Hoy Cedric pinapunta kita dito para may kasama ako hindi para bolahin ang kapatid ko mamaya may gusto ka pala sa kanya ah. Sabihin mo na hanggat maaga pa." Singit ng protective kong kuya

"Wala akong gusto sa kanya at totoong maganda siya. Wag kang mag-alala pag may manliligaw sayo bestfriend nandito kami ng kuya mo pakilala mo muna samin para makilatis namin." Sambit naman ni cedric.

"Ganiyan dapat cedric protektahan mo kapatid ko walang pwedeng manakit sa kanya kundi ako lang kasi nangako ako kay papa na proprotektahan ko sila ni mommy" sambit ni kuya

"Osya kumain na tayo at ng makaalis na" singit ko naman

Habang kumakain iniisip ko yung tahimik kong buhay pagkatapos ng make-over na ito kasi pakiramdam ko ay magiging magulo ang ang buhay once na naayusan na ako.

Tapos na kami kumain at nagpunta na kami sa mall.

Itutuloy........

The Four Wicked & Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now