Chapter 8: Hospital

2 0 0
                                    

Axiel Pov:

Nandito kami ako ngayon sa hospital dahil sa biglaang pagkawala ng malay ni jessa hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya. Nag-aalala ako sa kanya sapagkat hindi ko pa nasasabi ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Sana naman hindi malala ang nangyari kay Jessa.

Jessa Pov:

Nagising ako sa isang kwarto na kulay puti. Hindi ko ito kwarto sapagkat ang kulay ng kwarto ko ay pink. Naalala ko nawalan pala ako ng malay pagkatapos namin magpractice. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Axiel sa may sofa na ang himbing ng tulog siguro hindi pa siya umuuwi simula ng dinala niya ako dito. Pinagmasdan ko ang mukha niya kahit malayo ako sa kanya napakaamo ng kanyang mukha kung pagmamasdan mo maigi. Hindi mo mababatid na may pagkabad boy side siya. Nilalabas lang nila ang bad boy side nila kung kinakailangan. Gumalaw siya kaya umiwas ako ng tingin.

"Gising ka na pala. Nagugutom ka ba? Ano gusto mong pagkain?" Tanong nito sa akin

"Pwede ba pabili na lang ng prutas? Orange and apple. Thankyou" sagot ko naman dito.

Tumango siya at umalis na ng bigla na lang pumasok ng doctor at chineck ako.

"Iwasan mo magpakastressed sapagkat ikaw ay may Brain Injury iha" sambit ng doctor sakin na nagpatigil sa aking ginagawa

Diko na namalayan na nakabalik na pala si Axiel.

"Ano ang sabi ng doctor sayo?" Tanong nito sa akin

"Wala yun. Wag ka ng mag-alala" tugon ko naman sa kanya.

"Panong hindi ako mag-aalala sabihin mo lang sakin kung ano sinabi sayo Please" nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

"I have a b-brain Injury yun ang sabi sakin ng doctor" sinabi ko ang totoo at malalim na buntong hininga ang ginawa ko.

"You have what?" Hindi siya makapaniwala sa sinagot ko sa kanya.

"You heard it right" naiiyak kong sambit

"Shhh. Magiging maayos din ang lahat" sambit nito sa akin at niyakap ako para pagaanin ang loob ko. Yumakap na din ako pabalik.

"Eat this" sabi nito at inabutan ako ng apple na binalatan niya.

Habang kumakain ako ng apple hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng doctor sakin.

"Magpahinga ka na wag mo na isipin yun gagaling ka din" sambit ni Axiel sakin

"Wag kang aalis dito ah. Wag mokong iiwan. Mangako ka" sambit ko

"Nangagako ako hindi kita iiwan. Dito lang ako babantayan kita. Sige na magpahinga ka na" sambit nito n ikinangiti ko.

"Salamat" sambit ko

"Wala yun sige na" sambit nito at hinalikan ako sa noo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Four Wicked & Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now