SPEAK NOW - 2

16 2 0
                                    

Speak Now - Two


Napabuntong hininga na lamang si Anica ng mapatakbo nya ang program na ginagawa niya. Hindi pumasok ang teacher nila sa Programming pero nag iwan ito ng gawain sa kanila.

Habang nagmumuni-muni siya sa tapat ng monitor ay dumating naman ang susunod na seksyon na gagamit ng comlab.

"It's already time. Kindly present your program to your partner. Please walang dayaan! Kung di na pa-run yung program paki-lagayan ng 50 points at kung napa-run naman 100 points." Paalala ng president nila na si Ella.

Pinakita ni Anica ang pc nya sa katabi nya at chineck niya rin ang gawa nito.

"Psst Anica!" Tawag ng dimuhu sa labas ng comlab. Nilingon ni Anica si Railey ang lalaking walang ginawa kundi sirain ang araw niya.

"Ano?!" Masungit na sagot nya rito. Ngumiti lang ito at sumenyas na lumapit siya.

"Problema mo?" Angil na tanong niya.

"Pakopya codes, pleaseeee." Pagmamakaawa nito sa kanya. Pinandilatan niya 'to ng mata tsaka binatukan.

"Pakopya your face! Ang hirap kaya nitong payroll na 'to, tas kokopya ka lang?!" Asik niya rito.

Tinawanan lang siya ni Railey tsaka inakbayan siya.

"Tss. Nagbibiro lang ako hb ka na naman." Diring diri na tinanggal niya ang pagkakaakbay sa kanya nito, na animo'y may malalang sakit si Railey.

"You know what Anica, why did you choose this strand if you don't like it. I mean dapat nasa HUMSS ka." Pangaral nito na akala mo'y alam na alam ang dahilan niya.

Tinignan niya lang ito tsaka bumuntong hininga. Hubby niya na atang gawin 'tong pag buntong hininga sa dami ng iniisip araw-araw.

"It's my papa's choice. Siya ang nag papa-aral sa'kin."

"Nagpapaaral, because that is what our parents supposed to do. They're your parents and they are obligated to provide your needs. Isa na dyan ang pag-aaral, Anica." Sabi nito na nakatingin sa kawalan, habang si Anica naman ay malayang nakatitig sa mukha nito.

"And I am their daughter! A good daughter that will follow their wants. Sapat na sakin na natutugunan nila ang mga pangangailangan ko. Bawi na lang itong pagsunod ko sa mga gusto nila." Pagdepensa niya.

"You're suffering big time! E your heart is not into this kind of stuff. ICT does not suits on you. Magaling kang makipagbakbakan sa salitaan dapat nando'n ka sa HUMSS." Sabi pa nito sabay balik ng tingin sa kanya. Daling napatingin sa Anica sa ibang direksyon dahil sa ginawa ni Railey. Naisip nyang baka asarin nanaman syang gwapong-gwapo siya rito kaya nakatitig.

"Alam mo payatot, ganto talaga ang buhay. Hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha o masusunod. Matutong sumunod sa agos. Wala namang mangyayaring masama kung susundin ko sila papa and besides! I'm happy with my section." Pang-aasar nya rito. Hindi kasi maganda ang seksyon na napuntahan ni Railey. ICT 1 si Anica, samantalang ICT 3 naman si Railey na tinatawag na worst section ng mga teachers.

Matalino naman si Railey at kung ikukumpara ni Anica ang pagkatalino nito sa kanya ay mas lamang ito. Sadyang nahuli lang sa page-enrol ang lalaking 'to.

"Oy Anica! After this vacant is our MIL. Ready mo na mga visuals natin ah!" Paalala ng kaklase nyang si Edmond.

"Ah oo! Kukunin ko lang kay Tala sa Abm."

"Sige, Mauna na ko ah! Marami na naman kasing nakapila sa canteen."Paalam nito sa kanya.

"Ikaw nanaman gumawa ng visuals nyo?" Pag-usosyo ni Railey bigla. Akala niya pumasok na ang binata sa comlab.

"Oo, pake mo." Pagsusungit niya muli rito sabay amba ng lakad para makababa na rin.

"Sus! Alila ka pala e. Alila ka na nga sa McDo, pati rito sa school alila ka pa rin." Balik nito sa kanya. Inambahan niya ng sapak ito kaya tumakbong papasok sa comlab kung saan nakaupo na ang mga kaklase nito.

"Pakyu, anak mayaman ka kasi dimuhu." Pahabol na sabi niya rito sabay alis.



NATATAWANG naupo si Railey sa pwesto nya. Naasar nya nanaman kasi si Anica. Hindi ata makukumpleto araw niya pag di niya naasar o di siya nabatukan nito.

"Pre ganda non ah!" Pambungad ng kaklase nya na si Colby.

Napataas ang kilay nya sa sinabi nito. Alam nya kung ga'no ka babaero sa Colby kaya naman di sya natuwa sa pagpuri nito kay Anica.

"Omsim, maganda nga pero lalaki din yon e." Pagpapasuko nya rito.

"Okay lang, mas maganda nga pag boyish e!" Si Colby na tila mas lalong nagustuhan ang paninira nya kay Anica.

Hindi na natuwa si Railey at agad na nagseryoso.

"Dude back off. Maayos 'yon si Anica, hindi panlaro" Banas na sabi nya rito.

Nakipaglabanan ng tingin si Colby sa kanya, tinatantya kung nagbibiro pa ba 'to o seryoso na. Alam ng lahat kung pa'no magalit si Railey kaya naman nang maramdaman ni Colby na seryoso siya ay tsaka ito tumawa.

"Chill bro, di ko naman gagaguhin yon e. Nagandahan lang ako wala akong balak na ligawan." Pagsuko nito pero di pa rin nangiti si Railey kaya umalis na lang si Colby at lumipat ng pwesto.

Railey didn't want to be rude. But for Anica's safety, parang kaya nyang makipagtrash talkan kay Colby. Kahit na palagi silang magkaaway ng babaeng yon, hindi nya papayagan na mapunta si Anica sa isang gago. Magulo. Oo pero ayaw nyang may ibang aaligid kay Anica na ibang lalaki bukod sa kanya. It's kinda weird but for him Anica is special and she is one of the best friends of Julie kaya ganun na lang siguro siya mag-react para sa safety nito. Ang mahalaga kay Julie ay mahalaga na rin sa kanya. 

And Anica is one of those people. 


#SpeakNowTwo

Speak NowWhere stories live. Discover now