Prologue

35 2 0
                                    

*Music play*

I am not the kind of girl
Who should be rudely bargin' in on a white veil occasion
But you are not the kind of boy
Who should be marryin' the wrong girl

Tahip-tahip ang kaba sa dibdib ni Anica habang iniisip ang gagawin nya mamaya sa kasal ng matalik nyang kaibigan na si Julie.

Di nya inaasahan na aabot sa ganitong plano ang maiisip ng kaibigan nya mapatigil lang ang pagpapakasal sa nobyo nitong si Railey. Tatlong taon din itong magnobyo't magnobya at naging saksi sya sa pinagsamahan ng dalawa kaya naman laking gulat nya nang lumapit sa kanya si Julie para humingi ng tulong para pigilan ang sariling kasal nito.

Hindi pa to handa at sinabi nito na di raw sya mahal ng lalaki, kaya naman gusto n'yang hindi matuloy ang kasal.

I sneak in and see your friends
And her snotty little family, all dressed in pastel
And she is yelling at a bridesmaid
Somewhere back inside a room
Wearing a gown shaped like a pastry
This is surely not what you thought it would be
I lose myself in a daydream
Where I stand and say

Hindi niya alam kung bakit ito naisip ng kaibigan nya pero kita niya naman sa binata ang kislap sa mga mata nito tuwing nakatingin ito kay Julie.

Inutusan sya ni Julie na pigilan ang kasal nila. Ayaw ni Anica na gawin ito pero umiyak sa harap niya ang kaibigan at nagmakaawa sa kanya. Dama niya kung ga'no kasakit ang idudulot ng gagawin nya hindi lamang sa lalaking pakakasalanan nito ngunit maging sa magulang nito, isama pa ang malalapit na tao sa dalawa. Malamang isumpa s'ya ng mga 'to dahil sa gagawin niya. Pero di niya naman kayang makita ang kaibigan na mapilitang magpakasal sa taong 'di nito mahal nang lubos.

Huminga muli s'ya nang malalim at nakinig sa kantang Speak Now ni Taylor Swift. Isa ito sa mga paborito nyang kanta ng iniidolo niya, natatawa kasi sya sa lyriko ng kantang ito. Nakatatawa ang babaeng gagawa nito pero ang mas nakatatawa, ito pa pala ang magbibigay ng ideya sa kanyang kaibigan matigil lang ang sariling kasal. At sya pa ang nakuhang maging bida-kontrabida.

"Don't say yes, run away now
I'll meet you when you're out
Of the church at the back door
Don't wait or say a single vow
You need to hear me out"
And they said, "speak now"

Isang malalim na buntong hininga muli ang kanyang pinakawalan. Malapit na syang magsalita hinihintay niya lang ang hudyat ng pari at tatayo na sya at sisimulan ang palabas kung saan sya ang bida at ang kaibigan nya naman ang direktor.

Tinanggal nya ang earphones na nakasaksak sa kanyang tainga at nagsimulang maglakad sa gitna.

"Meron bang nais na magsalita at pigilan ang pagkakaisa ng dalawang taong ito" binilisan niya ang paglalakad papunta sa gitna kaya napuno ng pagtataka at bulungan sa loob ng simbahan.

"Kung wala ay sisimulan ko na----itigil ang kasal!" Pagputol niya sa sasabihin ng pari. Nanginginig siya at dama niya ang mga matang nagtatanong kung ano ang kanyang kabaliwang ginagawa.

Tumingin siya sa kaibigan nyang si Julie na ngayo'y may ngiti sa mata na parang sinasabi na magpatuloy lang sya.

"Anong ginagawa mo?" Kunwaring naguguluhan na tanong nito sa kanya.

"Bes, I'm sorry but your soon to be husband is the father of my child." Mariin na sabi nya, sinadya nyang lakasan ang pagkakasabi upang marinig ng lahat.

Katahimikan ang namayani na parang hinihintay ng lahat ang susunod na mangyayari.

"What are you talking about? Are you crazy?" Galit na sabi ni Railey na kinanginig nya. Pero sa halip na tumigil, humarap sya dito at tinignan sa mga mata

"What? After what happened to us Railey? We shared in one blanket in one room. I gave my virginity to you, then you think I'm crazy?!" galit na sabi nya sabay iyak. "Tangina Anica pagsisihan mo ang mga sinasabi mo" sabi nito sa kanyang isip.

Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka sa sinasabi nya. Tumingin sya sa kanyang kaibigan sa tabi nito na may kunwaring luha na lumabas sa mata.

"You slept with my best friend?.. Tangina Railey hindi naman porket di mo ko nakuha e ibig sabihin titikim ka na ng iba! At ang gago mo kasi kaibigan ko pa talaga ang kinama mo!" Nagpupuyos na sabi ni Julie sabay sampal sa pisnge ni Railey. Simpleng nangiwi si Anica sa ginawa ng kaibigan niya, parang siya ang nasaktan sa pagkakasampal nito.

Pinagbabayo ni Julie ang dibdib ni Railey na animo'y isang babaeng niloko ng kasintahan at sya naman ay hinanda ang sarili para sa pagtatapos ng kanilang eksena.

Sinenyasan nya ang kaibigan na si Krystal para sabihin na handa na sya.

"Damn girl, both of you are great actresses." Bulong nito ng makalapit sa kanya

"Thanks tala, but can you now inject that freaking syringe? And let's end this freaking scenario" mataray na bulong nya rito, ngumiti lang to sa kanya tsaka itinurok sa batok ang pampawala ng malay.

Unti-unti syang nanghina at narinig nya na lang ang pagpalahaw ni tala kasabay ng pagkawalan nya ng malay.





*Author's note: sorry for being hiatus hahaha and impulsive biatch who deleted the first part of my story. I am now slowly getting back in writing, so please bear with me :> and to those pips that patiently waiting for me to go back here in wattpad, thank you! I owe y'all. <33 

Speak NowWhere stories live. Discover now