SPEAK NOW - 1

22 2 0
                                    

Speak Now- One

Pagak na tumawa si Anica ng makita niya ang kagagahan ng kanyang kaibigan na si Tala. Pa'no ba naman kasi halos idundol na ni Tala ang kanyang sarili sa lalaking hinahangaan nito mapapayag niya lang na idate sya sa darating na acquaintance party sa school nila. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Tala e sa biniro niya lang naman ang ideyang siya na ang lumapit at alukin itong lalaki.

"Oh anyare?" Natatawang salubong niya kay Tala nang bumalik ito sa kanilang lamesa.

"He already had" padabog na sabi nito sabay hablot ng piattos na kinakain niya. Sinimangutan nya to at inagaw muli ang piattos. Walang pwedeng humablot ng piattos nya kundi gigilitan niya sa leeg ang kung sino mang gagawa pasalamat na lang siguro si Tala sa ngayon dahil napatawa niya si Anica.

"Told yah! Di mo sya maaaya, kilala ko yan si Xylev ayaw nya sa mga babaeng nagffirst move" pangaral ni Julie sa kaibigan at muling tinuon ang mata sa pagbabasa.

"Dat pala di na ko nakinig sa ideya mong gago ka!" Duro sa kanya ni Tala, natawa lang si Anica at di pinansin ang inis nito.

"Hey babe" bungad ni Railey sabay halik sa pisngi ni Julie, agad namang napangiwi si Anica sa nasaksihan niya.

Si Railey ang ka m.u ni Julie simula 4th year high school pa lamang sila. Ewan niya nga kung bakit hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang label ng dalawa e halos araw-araw naman itong magkasama at umaastang parang magnobyo't nobya.

"Ehem, earth to Anica?!" Pagtatawag ni Tala kay Anica, binalingan niya ito ng may pagtatanong sa mukha.

"Nag-aaya si Railey ng triple date. Kasama yung mga ka-block section nya, ano g ka ba?" Aya nito sa kanya.

What the heck?! Triple date? E di nga nya naisip na makipagdate sa mga nakalandian nya tapos ngayon makipagtriple date pa.

"Pass, I have a work" sabi nya rito sabay tingin kay Railey na ngayo'y mataman na nakatingin sa kanya.

"It's Thursday, Anica wala kang trabaho ngayon." Anica roll her eyes, at tingin niya magkakaroon na naman ng debate sa pagitan nilang dalawa ni Railey.

Madalas mangyari 'to, okay naman sya kay Railey para sa kaibigan niya pero madalas silang magdebate dahil lang sa mababaw na dahilan. Di nya alam kung kailan nag umpisa yun pero minsan nageenjoy siya sa pakikipagsagutan dito. Feeling niya kasi nahahasa ang kanyang pakikipagdebate rito at minsan nakakatulong pa to sa pangangatwiran niya tuwing nakikipagdebate siya sa klase.

Pero ngayon wala s'yang gana na makipagtalo dito.

"Sinalo ko ang shift ng kasamahan ko sa trabaho, Railey." Sagot niya sabay ligpit ng mga gamit niya.

"Then I'll pay  for your today's duty. I just need you to come with us." Napatigil si Anica sa pagliligpit dahil sa narinig nya.

Iba talaga pag mayaman, lapag lang nang lapag ng pera kahit sa wala namang katuturan na bagay. Tinitigan nyang mabuti si Railey at nilipat ang paningin sa akbay nitong sa Julie na ngayo'y pinapanood silang dalawa ni Railey'ng magtalo.

"No thanks. Tsaka saksak mo sa baga mo yang pera mo dimuho ka ayoko makipagdate kasama ka" asar na sabi niya sabay alis.

Di talaga maganda ang mood niya para makipagtalo rito. Masyado na syang maraming iniisip at wala na syang lakas para makipagtalo pa ngayon.



NAKASIMANGOT na bumaling si Railey sa bulto ni Anica na papalayo sa kinaroroonan nila. Naiinis siya sa inasta ng dalaga. Naiinis siya dahil 'di man lang nito pinahaba ang kanilang pag-uusap.

"Masyado naman atang harsh 'yon Railey" pagpapangaral ni Julie habang nagliligpit ng gamit.

Maganda si Julie, meron syang matangos na ilong, magandang hulma ng mukha, maputi at makinis na kutis at higit sa lahat magandang hubog ng katawan. Sino nga ba ang di magkakagusto rito, jackpot na to bat pa nya pakakawalan.

Samantalang si Anica naman ang pinakamaliit sa tatlong magkakaibigan. Masasabi nyang sumusunod ang ganda ni Tala kay Julie pero si Anica iba. Iba ang tingin nya sa dalaga, di nya kasi ito nakikitang magsuot ng magagarbong damit. Madalas itong naka turtle neck na t-shirt at pinaparehas sa pantalon. Ni minsan di nya nakita ang babae na magsuot ng maikli. Sa tatlong magkakaibigan sya ang pinaka conservative.

"What? I just want to drop some jokes. Wala naman akong plano na maging harsh" paliwanag niya dito sabay yakap.

Solid dahil nadadama nya nanaman ang mayayaman nitong dibdib. Sa loob ng isang taon nilang mag m.u ni minsan di niya binanggit kung kailan pwedeng i-upgrade ang kung anong meron sa kanila. Masaya na siya dahil naka m.u nya ang isang Julie Salazar na pinapantasya ng lahat.

"Kahit na di mo dapat ginawa 'yon, maraming problemang iniisip ngayon si Anica, babe" patuloy na pangaral sa kanya.

Ano bang bago di naman nawalan ng problema ang isang yun.

Hindi nya pinansin ang pangaral ni Julie at mas hinigpitan ang yakap dito.

"Julie's right. Minsan sana lagyan mo man lang ng limitasyon yang bunganga mo Railey. Hindi sa lahat ng oras makikipag debate sayo si Anica" Dagdag naman ni Tala.

The hell bat parang mali nya pa, e yung babaeng yun nga ang panget magsalita nago- offer lang naman siya ng tulong.

"Easy girls. Sorry okay, nag-o-offer lang naman ako ng tulong malay ko bang maasar siya ng gano'n" pagdidepensa niya sa sarili. Kita nyang napailing na napangiti si Tala at si Julie sa ginawa niya, pero sinagot niya na lang ito ng ngiting magpapawala sa inis ng lahat.

His charm, kaya nyang mapawala ang inis ng isang babae sa pamamagitan ng ngiti niya. Subok niya na ito pero iisang babae lang ang di tinatalaban nito, si Anica.

"So are you guys coming?" Pag-aya niya muli.

"Pass. May gagawin pa kong reports so baka kayo na lang muna!" Sabi ni Tala sabay ngiting aso sa kanilang dalawa ni Julie.

That's why he likes Tala more than Anica. Si Tala ay mas madaling makasundo samantalang si Anica naman palaging seryoso sa buhay.

Umalis si Tala at iniwan sila ni Julie. Natuwa siya sa ginawa ni Tala at mukhang nakatulong pa ang pangiinis niya ka Anica at ngayon maso-solo niya si Julie nang walang mata na nakatingin o nakabantay.

To be honest Railey didn't want to stick with Julie everytime Anica's being around. It feels like there is something wrong. Pero minsan naman natutuwa siya na nakikita niyang naiinis ang dalaga sa pagiging sweet niya kay Julie. Natutuwa siya na makita itong nakabusangot sa hindi malamang dahilan.


#SpeakNowOne


Speak NowWhere stories live. Discover now