Belle POV
Pinuntahan ko si dad at James sa sala at nakitang parehas silang nanonood ng basketball. Syuteng ng dalawang to, hindi manlang ako tinawag. Tapos na pala silang mag-usap at ngayon magkavibes na nga agad sila.
"James, di ba magdadate pa tayo?" Tinaasan ko sya ng kilay pagkaharap nya sa akin. Nagulat naman sya at napatingin sa relo nya tapos tumingin kay dad.
"Sige na, umalis na kayo. Basta yung sinabi ko sayo tatandaan mo ah." Nag yes sir naman si James sa kanya kaya hinila ko na sya. Naku po alas singko na kaya. First weeksary namin ngayon kaya syempre dapat special, tapos eto kami at ngayon lang aalis.
Pumunta kami sa mall tapos pumasok kami sa Chowking para doon maghapunan. This is my favorite restaurant and I am with my next to dad favorite person kaya happy happy ako. Nag-order lang kami tapos nagkwentuhan habang kumakain hanggang sa maalala kong nag-usap nga pala sila ni dad kanina.
"James" Kunyaring seryoso kong tawag sa kanya, nilakihan ko pa sya ng mata para feel na feel. Napaatras naman sya ng konti dahil sa ginawa ko kaya muntik na akong matawa buti nalang napigilan ko.
"A-ano? Belle wag kang gaganyan natatakot ako sayo eh"
Nagpout lang ako sa sinabi nya at umupo ng maayos. "James, anong sabi ni dad kanina? May sinabi ba syang nakakahiya about saken?"
"Wala. Sabi lang nya ingatan daw kita" Napanguso ako sa sinabi nya, si dad talaga. Big girl na ako eh. Pero sabagay atleast iingatan ako ni James yieee.
"Ah, tyaka nga pala. Next week aalis kami ni mom and dad papuntang Samar and tapos aalis nga rin si daddy mo. Gusto mo bang sumama nalang sa amin? Kesa naman sa mag-isa ka sa bahay nyo." Napaisip ako sa sinabi nya. Kung sasama ako sa kanila siguradong masaya rin yon tyaka aalis nga si dad kaya ako lang mag-isa sa bahay. Medyo nakakabored yun. Pero kung sasama ako sa kanila, sinong magbabantay sa bahay? I love our house. Hindi ko gustong iniiwan ang bahay namin dahil may mga importanteng bagay na nandoon.
"Hmm I really want to come with you pero nah, next time nalang siguro" Sinimsim ko yung soft drinks at nakita ko naman syang tumango-tango pero di na sya nagtanong pa. Baka sinabi narin kanina ni dad yung possibility na hindi ko nga iiwan yung bahay namin kaya hindi na sya nagulat.
Marami kasing sentimental value saken ang nandoon. Yung malaking painting na nakasabit sa wall ay picture ng pamilya namin noong buo pa kami. That painting can cause a million dahil sikat na pintor yung nagpaint non. May nagtangka narin kasing magnakaw non date. Tapos yung mga alahas ni mama na iniwan nya and etc. Kapag may klase o kadate ko si James ay kinakadena ko talaga ang bahay pero hindi ako yung tipong iiwanan ko ng matagal.
Bukod sa mga yan, meron pa akong another na dahilan but yeah. Di ako sasama and that's final. Tinapos namin ang pagkain then pumunta kaming carnival. Nag ferris wheel kami tapos darts na titirahin yung mga lobo. Natawa nga ako kasi nakalimang laro na si James pero di nya parin makuha yung tinitira nya.
Tapos dahil isa akong supportive girlfriend chineer ko sya "Go James! Go James! Go baby baby James!" Tinitignan tuloy kami ng ibang dumadaan kesyo ang sweet daw namin.
"James, tama na yan. Kung di mo keri eh di wag na. Bili nalang tayo gusto ko mas malaki pa dyan" Bulong ko sa kanya. Mauubos yung pera nya dyan tapos hindi pa kami makakasakay sa iba pang rides nyan.
Kakamot-kamot naman nyang shinoot yung huli at isang milagro ang nangyari! Waaahhh natira nya yung kanina nya pang hindi natitira! Pinapili sya ng nagbabantay kung ano ang gusto nya kaya naman humarap sya sa akin para tanungin rin ako.
Shocks, syempre mmm gusto ko yung bear na kulay brown. Simple lang kase tapos ang cute. Tinuro ko yun sa kanya tapos nung inabot nya na sa akin ay niyakap ko sya.
Kenekeleg kase ako enebe. That night, hinatid nya ako ulit sa bahay namin. Ang saya ng araw na to. Ang gwapo ng kadate ko tapos ang sweet pa, sino ba namang babae ang hindi mafafall sa ganito.
"Bye na Belle, I love you" Sabi nya at lumapit ng konti sa akin para halikan ako sa noo. Napapikit naman ang mga mata ko sa ginawa nya, parang may mga paru-paro talaga na biglang umusbong sa tyan ko at nagsiliparan.
"I love you too" Mas lumapit rin ako sa kanya at niyakap sya sa may bewang nya. Naamoy ko ang pabango nya, gabing-gabi na at kung saan-saan na kami nagpupunta pero hindi parin nawawala ang bango nya.
"Ehem!"
Napalingon kami sa nag-ingay at nakita ko si dad na nakatingin sa amin mula sa pinto. Napahiwalay agad sa akin si James, hay naku kontrabida talaga itong si dad. Naiinggit ata sya sa amin ni James eh.
"Halika na dito sa loob Belle, gabi na"
Bago pumasok sa gate ay nilingon ko ulit si James na ngayon ay nakatingin parin pala sa akin. Nakangiti sya at kumaway sya ulit sa akin kaya kumaway rin ako at tuluyang pumasok na dahil narin sa tingin ni dad sa akin. Hay nako po.
"Dad, saan nga pala ang destinasyon mo next week? " Tanong ko sa kanya after kong naligo galing sa banyo. Nasa harap na sya ng computer ngayon at sinesend nya na ang mga nakuha nyang pictures.
Lumapit ako kanya at nakita ang mga kuha nya. As always, dad never failed to amaze me, ang ganda ng mga kuha nya sobra. Kahit di ako sumasama sa mga lakad nya ay parang nakapunta narin ako doon.
"Poland" sabi nya lang habang busy parin na sinusuri yung mga picture na kinuha nya, ineedit nya pa ng konti yung iba eh.
"Ilang araw ka naman don dad?"
"Di ako sure actually. Pero babalik ako agad this time" Tumango-tango naman ako sa sinabi nya di naman ganun katagal siguro yan o kung matagal man ay sisikapin nya paring bumalik agad, tinutupad naman ni dad lahat ng pangako nya eh.
After a week, katulad ng sinabi ni James ay umalis sila ng family nya papuntang Samar, and then si dad din umalis papuntang Poland so all in all, ako lang mag-isa dito sa bahay. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko bang hindi sumama o hindi eh.
Its been 2 days and eto ako nasa kama, nakikipagvideo call kay James. "Kamusta naman dyan? Mag-ingat ka ah, i-lock mo yung gate nyo" Aish dinaig nya pa si papa, si papa nga di man ako sinasabihan ng ganyan eh. Ang sasabihin lang nun ni dad ay 'be behave and alert' bago sya umalis, halatang wild ako eh no.
"Oo na po, ikaw ba kamusta dyan?"
"Okay naman, eto nagswiswimming kame" Sabi nya at inikot ang camera, shocks naiinggit tuloy ako! Pero kahit na, tiis-tiis parin dapat aish.
"Hi ate Belle!!!" May narinig akong sumigaw na bata, itinapat ni James ang camera sa may swimming pool. Si Micah! Kapatid sya ni James. Ten years old na sya pero minsan mas mature pa yan saken.
"Wahhhh!! Hi Micah!" Kumaway-kaway ako sa camera habang nakangiti. Ang cute nya talaga, ang sarap nyang pisilin sa pisngi nakakagigil.
"Ate sana sumama ka nalang, namumurit na si kuya James dahil namimiss ka na nya" Natawa ako sa sinabi nya, sinabihan nya ba namang murit si James. Eto talagang batang to oh, agad namang inalis ni James ang camera sa kanya at pinagalitan ang kapatid nya. Ako naman eto, tawang-tawa lang.
Nagpaalam na si James pagkatapos non. Kaya wala nanaman akong ginagawa.
Maya-maya lang ay narinig kong nagri-ring ang telepono sa baba. Geez, si dad kaya yon? Oh well, that's odd. Di naman mahilig tumawag si dad, madalas di naman sya tumatawag talaga.
"Hello?"
Tinignan ko ang number pero hindi naman ito number ni dad, number to nung company nya. Alam ko, kasi date tumawag na sa amin to at ako ang nakasagot.
"Is this Bella Romero? Daughter of Mario Romero?
"Yes, speaking"
"Your dad has been reported missing since 10pm yesterday"
W-what?! Tama ba yung narinig ko? Ginapangan agad ako ng kaba sa sinabi nya. "I'm sorry? What part of Poland is he in?" Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Dad please, you said you'll come back quickly. Asan ka na?
"He's not assigned in Poland, he is in the Philippines. The forest in Bohol, he insisted to go there"
Nabitawan ko agad ang telepono sa narinig ko. Nahulog ang telepono sa tiles at gumawa ng ingay iyon, kasabay ng lakas ng tibok ng puso ko ay ang pagpatak narin ng luha ko.
I think I know where he is....
YOU ARE READING
Beauty and the beast
Novela JuvenilWell, this is it. Beauty and the Beast with a different beat.