Chapter 4

2 0 0
                                    

Belle's POV

Ang mga laruang baril-barilan, kotse, pati na ang mga letrato. Hinawakan ko lahat ng yon isa-isa. Ang tagal na simula nung may huling matulog at maglaro dito sa kwartong to, hanggang ngayon hindi ko parin tanggap pero I know that's life. How cruel it is.

It's my younger brother, nawala sya noon nung pumunta kami sa Romblon para mamasyal, it's a family bonding turned into a disaster. Kumakain kami non sa may park malapit yun doon sa Arendelle forest. Bigla nalang syang nawala sa paningin namin. I am such an irresponsible sister too. Kung kasalanan nila mama yun then kasalanan ko rin.

This is the reason kung bakit di ko maiwan ang bahay, sa kadahilanang ayaw kong galawin ang kwarto nya. Naniniwala parin kasi ako na babalik sya. Sinabi na nila dad na ipaparenovate ang bahay nung minsan at kaylangan ng alisin ang kwarto nya o kaya naman ay aayusin ay hindi ako pumapayag.

I know, I must be crazy cause dude that's already 7 years ago. 5 years old palang sya noon at ako naman 11. Pero di kase mawala sa isip ko na baka naman buhay pa sya. Baka naman naligaw sya tapos may nakakita sa kanya or inampon sya ganun. Marami naman kasing possibility. Pero ayun na nga habang tumatagal, pati pulis sabi imposible na syang mahanap.

Kaya rin naghiwalay sila mama at papa dahil dyan, nagsisisihan sila hanggang sa umabot na sa ganitong punto.

And now dad is at it again, hindi ako sigurado pero malakas ang kutob kong sinusubukan nya paring hanapin ang kapatid ko. Si Morice...

Nagprepare ako ng isang bag para nandoon ang mga kaylangan ko, damit, pera, and etc. 7 hours ang byahe so yeah.

'James I'll go to dad, don't search for me. Wag kang mag-alala I'm safe I love you'

Tinext ko muna si James then namasahe na ako papunta sa terminal. Simula ng mabalitaan ko yun kahapon ay tinatawagan ko na si dad pero hindi nya ako sinasagot. Kung sigurong andun lang sya at hinahanap ang kapatid ko, hindi sya irereport na missing. Gosh I'm so frustrated. Dad, san ka ba nagpunta?

Kasama nya palagi ang staffs nya, hindi naman siguro sya basta nalang makakapunta kung saan eh all day long magkakasama sila.

Kinontak ko ang isa sa mga staff nya na si Ronald, sabi nya bigla nalang daw nawala sya habang nagshoshoot sila. Tatlong oras na nila syang hinahanap pero wala talaga.

Nakarating ako doon na umaga na. Of course, natulog ako sa byahe pero still mukha akong bangag.

Agad na sumalubong sa akin sila Ronald. Halata mong alalang-alala sya sa itsura nya pa lang pati na ang ibang nandito ay hindi makatingin sa akin. Paniguradong hindi sila lahat natulog dahil sa kahahahanap. Tinanong ko sa kanila ang eksaktong nangyari pero kulang parin dahil walang clue.

Bago namin sinimulang maghanap ay nag almusal muna kami. Sobrang gustong-gusto ko ng maghanap. Mayroon rin kaseng parte dito sa Romblon ang hindi namin nahanapan dati dahil daw may mga lobo doon na nangangain ng tao at kung doon daw napunta ang kapatid ko ay mas lalong walang pag-asang buhay pa sya.

Walang nagtatangkang pumasok sa lugar na 'yon dahil lahat ng pumapasok doon ay talagang hindi na nakakakalabas. My mom and dad insisted that time na pumasok pero hindi talaga pwede. No one can enter and that's a law here.

Malakas ang kutob kong pumasok si papa doon. Hindi ko alam kung paano pero hahanap rin ako ng paraan para makapasok and I'm telling you, a myth can't stop me to find my father and my brother as well.

Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay. Wala pa mang sampung minuto ay nakalapit na ako ng palihim sa dulo ng gubat ng Arendelle. May mga nakapalibot na yellow tapes sa paligid pati narin ang mga litrato ng mga taong namatay sa loob dahil sa mga lobo. Pumasok bigla sa isip ko si dad, pero agad ko ring inalis sa isip ko ang ideyang yon.

I need to think positive, kung may lobo man talaga sa loob ay kaylangan kong iligtas si dad. Kumuha ako ng kahoy sa gilid, isang mahaba at makapal na kahoy. Ayos na ito, mayroon naman akong dalang lighter para kung sakali mang mayron talagang lobo ay maipagtanggol ko ang sarili ko.

Inikot ko ang lahat ng dulo ng gubat at napansin kong malaki pala ito. Dalawang oras na rin kasi akong naglalakad para makita ko kung saan walang mga tao sa paligid. Hanggang sa makarating ako dito.

Sa pakiwari ko ay ito na ang pinakalikod ng gubat, walang katao-tao sa paligid at kung ikukumpara sa ibang parte ng gilid ng gubat ay ito ang pinakamadilim kahit pa maaraw naman ngayon. Ang tataas kasi ng mga puno kaya ganoon, nakakatakot nga dahil puro baliti ang halos nakikita ko dito.

I took the risk kahit na nakakatakot ako ay linusutan ko ang mga matataas na puno at dumiretso sa loob, napakadilim, napakatahimik, at nakakapangilabot. Biglang naagaw ang atensyon ko nung biglang nagring ang cellphone ko. Si James, tumatawag sya.

"Nasaan ka? Bakit pupunta ka kay tito? Anong nangyari?"

Yan agad ang bungad nya sa akin pagkasagot na pagkasagot ko. Hays daig nya pa talaga si dad na mag-alala, buti nalang gwapo sya kundi, ay naku. Umupo ako sa isang sanga habang kinakausap sya sa cellphone ko. Sinabi ko sa kanya ang nagyari pero hindi ko sinabing pinasok ko ang gubat para hanapin si dad.

"Sige na, hindi muna siguro ako makakacall ngayon dahil hahanapin ko muna si dad"

"Take care, ingatan mo ang sarili mo ah. Don't worry andiyan lang nyan si tito" Kung may bagay pa akong ipagpapasalamat tungkol kay James, yun ay kaya nyang palakasin ang loob mo. Yes, boyfriend ko si James for about one week palang pero dati ko na syang kilala pero alam nyo yun, like MU palang kami noon. Sya yung tipong taong simple lang pero may dating tapos sobrang bait pa kaya naman ayun, nahulog rin talaga ako sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos non at sinimulan na ulit na maglakad. As of now, mas lalong dumidilim ng dumidilim habang tumatagal. Actually hindi ko na alam kung saang parte na ba ako napunta pero wala naman akong nakikitang mga lobo. Ang tanging nakakapangilabot na nakikita ko ngayon ay tarshier na ang laki ng mga mata at yung mga paniki na tinatakpan ang sarili nitong katawan. Kaya ang masasabi ko lang ay sa ngayon, wala pa akong naiinkwentrong katakot-takot.

Gumagawa lang ata ng kwento ang mga nandito eh.

Kesa mag-isip ng kung ano-ano ay tumuloy nalang ako para maglakad. Kundi lang naman dahil sa dilim ng lugar na ito ay hindi ako kikilabutan. Kung talagang titignan ang buong paligid ay mapapansin mong buhay na buhay ang mga halaman at puno. Sa labas lamang may makikitang patay pero habang tumatagal ay puro matataas at buhay na buhay na aura ang bumubuhay sa paligid.

Naglakad lang ako ng mga isang kilometro pa at kusang huminto ang mga paa ko. Hindi dahil sa pagod kundi dahil sa biglaang hangin na dumaan sa akin. Isang hangin na nagpatakip ng mata ko at pagbukas nito ay iba na ang mga nasa paligid ko. Hindi na isang kagubatan.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Nananaginip lang ba ako? Hindi ko alam kung bakit ngunit kusang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan at hindi ko namalayan. Ano ito?

Napakaganda ng lugar, sobrang lawak ng langit na nagrereflect sa isang malahiganteng gintong gate. At sa likod ng gate..... ay isang palasyo. 

Beauty and the beastWhere stories live. Discover now