CHAPTER TWO

0 0 0
                                    

'XYRNA'S POV'



Matapos ang madramang hilahan namin ni Dalia ay narating din namin ang lugar kung saan magaganap ang one on one interview.

Kailangan naming makihalobilo sa mga taong naroon.At makipila bago tuluyang makapasok sa mismong hall.

Nang makapasok ay umupo kami sa mga silyang naroon.Doon kami naghintay na matawag ang mga pangalan namin.

Subrang laki ng kwartong iyon,at halatang pangmayaman.Kwartong punong puno ng mga tao.Mga taong nagbabakasakaling isa sila sa mga makakapasok sa iskwelahan.

' Ano ba talagang meron sa iskwelahang ito?At bakit parang pinapangarap ng nakararami?'

Hindi komaiwasang mamangha sa lugar na iyon.Nakaawang ang bibig ko habang nakatingala sa nagtataasang bookshelf's na naroon.

' Ang daming libro.'

Samot saring libro ang naroon.May malalaki,maliit,manipis at makakapal.

"Hoy!"siniko ako ni Dalia pero hindi ko siya nagawang lingonan

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto.At natigil ang mata ko sa nakakaakit na chandelier na nasa gitna.

' Ang ganda.Gusto ko na dito.'

"Hoy!Sarado mo bibig mo,mapasukan pa yan ng langaw."natatawa niyang saad

"Gusto ko na dito."wala sa sariling bulalas ko

Natawa naman si Dalia sa sinabi ko.Pero hindi ko siya pinag tuonan ng pansin.

' Para akong nasa isang palasyo.At ako ang prinsesa'

"Hindi pa ito ang sukdulan,Xay.Kapag nakapasok ka sa mismong school at isa ka nang opesyal ka nang istudyante.Mas marami ka pang makikitang magaganda bukod dito."  Sabi niya

"You mean,hindi pa talaga ito ang mismong school?"

Tumango siya,kaya nanlaki ang mata ko.

' Kung ganon,mas malaki at malawak pa ang mismong school?'

"Amazing, right?"tanong niya

Sinamahan pa ng kindat sabay ngiti.Kaya napa ngiti din ako.

Inilibot ko uli ang mata sa kabuuan.

' Halatang pangmayaman ang school na 'to,kaya paano nangyaring walang tuition?'

"Kaya kailangan nating galingan para makapasok tayo."desededo niyan sabi

Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi na nag pasa ka ng form para sa akin.Hindi tuloy ako nakapag praktis ng sagot dyan sa interview na yan."bulyaw ko sa kanya

THE DOZENS TRES MARIA'SWhere stories live. Discover now