'XYRNA'S POV'
Agad na hinanap namin ang mga pangalan sa mga papel na nakapaskil sa pader.Nakipagsiksikan sa mga taong nagbabakasakaling sila ay isa sa mga nakapasa.
Hindi ko alam kong dapat din ba akong magbakasakali na nakapasa.Gayong alam kong trip langang naging interview nila sa akin.
Pero kahit alam kong mababa ang tyansang makapasa ako.Ipinagpatuloy mo parin ang paghahanap sa pangalan ko.
Pero isa't kalahating oras na kaming naghahanap ay hindi pa rin namin nakikita ang mga pangalan namin.
Sa dami ng tao ay hirap na hirap kaming sumilip sa mga nakapaskil na papel.Pareho kaming nawalan ng pag-asa ng hindi namin nakita ang aming pangalan ni Dalia.
"Sa tingin mo Xay?Kailangan pa nating makipagsiksikan jan?Para maghanap?"walang ganng tanong niya
"Ani kaba?!Ngayon ka pa ba susuko?E isa na lang ang hindi natin nakikita.Sisilip lang tayo."sabi ko na nakakunot ang noo
Huminga ito ng malalim bago lumingon sa akin ng naka pout.
"Kaya imbes na magdrama ka jan.Tumayo ka nalang jan at tulungan akong maghanap ng nawawala nating pangalan!"bulyaw ko sa kanya
Nakanguso siyang sumunod sa akin habang hila hila ko siya.
"Excuse po.Makikida---aray!Ano ba ya--ouch!Dahan dahan naman!"reklamo ko
Sino ba naman kasi ang hindi magrereklamo kung itutulak ka.Babanggain,aapakan,masampal,maumpog.
At ang malupit,may nag hair flip sa mismong mukha ko.Na akala naman niya mabango ang kanyang buhok.
Mabuti pa buhok ko,kahit sabon panlaba ang shampoo mabango parin.
Panigurado,uuwi akong may bangas nito.Sa dami ba naman ng nakasagupa namin dito.Hindi imposible na hindi kami mabangasan.
At nang makalusot kami sa mga surot,agad na hinanap ng mapupugay kong mata ang mga pangalan namin.
Nagsusumigaw si Dalia sa saya ng makita ang kanyang pangalan.Samantalang ako ay hindi siya magawang damayan sa sayang kanyang nararamdaman.Busy ako sa paghahanap sa pangalan ko.
Nang makaratin ako sa gitna ay unti unting lumaki ang mata ko.Umawang din pati ang bibig ko,kaya tinakpan ko ito gamit ang kamay ko.
"Oh...My...Gulay!"hindi makapaniwalang sigaw ko
Dahan dahan akong lumingon kay Dalia.Na walang ibang makikita sa kanyang mata kundi saya.Kumikinang ang kanyang mga mata sa saya.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napangisi at sabay na napasigaw.
"PASADO TAYO!"
YOU ARE READING
THE DOZENS TRES MARIA'S
Teen FictionIsang kwarto kung saan lahat ay nagkakaaundo.Kwarto kung saan sila ang bukod tanging naiiba. Kakayanin kaya nila ang magtagal pa sa kwartong iyon?