CHAPTER FIVE

0 0 0
                                    

'XYRNA'S POV'

Matamlay akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ko.At wala sa sariling naglakad papasok sa hindi kalakihan at kaliitan lamang na banyo ko.

Ginawa ko ang lahat na dapat gawin sa loob ng banyo.Nang matapos ay lumabas na ako ng makapagbihis na.

Hindi naman ako kagaya ng ibang babae na marami pang chichiboretching pinaglalagay sa mukha kaya madali akong natapos.

Nag suot lang ako ng isang simpleng long sleeve polo na kulay puti.Na ang kapares ay black pants.At nag suot ng isang pares ng kulay puting sapatos.

Pagkatapos ay nagmadali na akong bumaba papuntang kusina.

'Mahirap na at baka maubusan.'

Nang maka baba ay agad akong pumasok sa kusina.

"Good morning pilipeyns!"sigaw ko na alam kong rinig ng buong bayan.

"Tsk!Ang ingay,nananakit ang tenga ko."reklamo ng kapatid ko habang nakaharap sa cellphone.

Agad na nagdilim ang paningin ko ng marinig ang panget niyang boses.

"Maraming cotton dyan!"inis na sigaw ko

"Aanhin ko naman yan?"tanong niya na hindi lumilingon sa'kin

'Bastos kausap ang isang to.'

"Yang cotton,ipasok mo yan sa tenga mo!Nang sa ganon ay hindi sumakit tenga mo sa ingay ko!"sabi ko habang kumukuha ng kanin.

"Tahimik na!Nasa harap tayo ng hapag."saway sa amin ni mama

Natahimik na kami,dahil alam namin na kapag sinaway na kami ng isang beses.At hindi kami tumigil,si papa na ang susunod.Hindi lang saway ang matatanggap namin.

Kaya mas mabuting hindi na hintaying si papa pa ang magpatahimik sa amin.

'Hindi naman kasi masakit ang latigo niya'

At hindi ako pwedeng malatigo ngayon.Dahil kailangan kong humarap sa exam na walang galos.

Dahil pag nagalosan ako,hindi ako makakapag isip ng maayos.Mamimilipit ako sa sakit.

'Ang latigo ni papa ay masakit pa sa lahat ng break up na naranasan ng lahat.'

"Oh Xyrna,kamusta interview mo kahapon?"tanong ni mama

Ang dahilang ng pagkawala ng gana ko sa pagkain.Hindi lang sinira ni Xyriel ang umaga ko,winasak din ng tanong na iyon.

Napangiwi ako sa tanong ni mama.Matagal bago ako nagsalita,pero nung mag sasalita na sana ako.Biglang sumabat ang talipadas kong kapatid.

"Hundi ka naka pasa no?!"sigaw niya na may nanlalaki pang mata habang nakangisi ng nakakaasar.

"Sabagay,simpleng oral ng dito sa school natin hindi mo masagot sagot.Yun pa kayang sa Quirin?"patuloy niya sa pang da down sa akin

THE DOZENS TRES MARIA'SWhere stories live. Discover now